Where-To-Next Planner 2018: First Time Ko, Paano Ba Gamitin ‘to?

WTN Planner 2018
“If you fail to plan, you are planning to fail” – Benjamin Franklin

 

Dati na akong nakakatanggap ng planner, siguro mga dalawa o tatlong beses na. Pero hindi ko talaga ito pinapansin dahil sa tatlong (3) kadahilanan:

Una, parang nakakahinayang siya gamitin. Parang ayaw mo nang sulatan sa sobrang ganda niya.

Ikalawa, feeling ko wala naman ako masyadong maisusulat. Kung kaunti lang din ang isusulat ko, edi sa mumurahing notebook na lang ako magsusulat — yung tig 5 pesos lang, tapos yung mukha ni Jolina Magdangal yung cover. (Batang 90’s diyan, mag-ingay! LOL)

At ikatlo, pwede ko naman gamitin na lang yung cellphone ko – mas convenient pa kase lagi ko naman itong dala.

After a few years na pang-i snub ko kay planner, last month nakita ko yung planner ng kapatid ko – yung Coffee Bean Planner. Binuklat ko ito, at nagulat ako na ang ibang planner pala eh hindi lang basta mga pahina lang tapos may mga date.

Akala ko kase noon na ang mga planner eh gaya lang ng mga natatanggap ko dati. Yung tipong basic lang. Parang ordinaryong notebook lang ang dating sa akin, naiba lang ng konte kase nga may mga naka-indicate na days, weeks, months, etc..

Hindi ko alam na may iba palang mga planner na hindi “basic”. Hahah.. Nung nakita ko yung planner ng kapatid ko, sabi ko na mukhang okay pala siya gamitin kase meron siyang mga pages for realizations, learnings, health tracker, action plans, priorities, etc..

Dun na ako nagsimulang maghanap-hanap pa ng ibang planner. But since January na ako nag-start maghanap, karamihan sa mga planner ay ubos na or out of stock na kase as early as October pala, may mga pre-order nang nagaganap.

Pass muna ako sa planner ng Coffee Bean kase yun na ang gamit ng kapatid ko eh, at pass din muna ako sa planner ng Starbucks kase yun naman ang gamit ng mga officemates ko.

Marami akong nagustuhan na planner – usually ang hanap ako about inspirational sana. Kaso ubos na talaga, so second option ko is kahit about sa travel na lang since madalas naman akong mag-travel.

Hanggang sa napadpad ako sa website ng WTN. Gumagawa sila ng planner, which is yung “Where To Next”. At mukhang swak naman siya sa akin. As per WTN, for every planner sold, a tree will be planted in the ancestral domain of the Aetas in Zambales. So okay siya kase nagka-planner ka na, nakatulong ka pa.

Kaya ayun, iba-blog ko ito ngayon kase this is my first ever planner. So ito yung itsura at laman nung planner:

Features:
The Philippines and World Bucket list
2018 – 2019 Calendar
12 Dateless Months
A Climber’s Checklist
12 Challenges for #OnAssignment
Questions to Ask a Stranger
Monthly Dotted Pages

Cover:
PU leather – Full color – Synthetic
With debossing and texture lamination
With elastic and back flap

Pages:
300gsm kraft cover
168 pages, full color
80gsm cream paper

Binding:
Inside pages – Smythe-sewn
Inside pages to cover – elastic binding

 

WTN Planner 2018
with brown synthetic leather for added protection

 

WTN Planner 2018

 

WTN Planner 2018
List of 81 Provinces in the Philippines

 

WTN Planner 2018

 

 

WTN Planner 2018
Bucket List

 

WTN Planner 2018
Climb checklist

 

WTN Planner 2018
Month overview

 

WTN Planner 2018

 

WTN Planner 2018
Monthly dotted pages

 

WTN Planner 2018

 

WTN Planner 2018

 

WTN Planner 2018

 

WTN Planner 2018
Questions to ask a stranger

 

WTN Planner 2018
About WTN

 

WTN Planner 2018
Back cover

 

*****

Unang beses ko pa lang gagamit ng planner, so tingnan natin kung ano ang magiging progress nito. By the end of this year, iba-blog ko uli ito para malaman natin kung na-maximized ko ba talaga yung planner.

Bakit ko nga ba naisipang gumamit ng planner? May nabasa ako a few months ago na mas madali daw nating magawa at matupad ang isang bagay kapag isinusulat natin ito.

At kapag nagsusulat din daw tayo, nati-trigger yung left side of the brain natin. Teka, medyo mahirap na i-explain itong part na ito kaya ipi-paste ko na lang dito.. LOL.

Ang sabi, “When you write your experiences and feelings, you access your left brain. This allows you to understand how you think and why you do things, which can help solve future problems, prevent you from getting into the same situations and releases different emotions quickly.”

So ayun, maganda na meron tayong plano for the day, week, month and for the whole year. Tingin ko pwede naman ito gawin na lang sa cellphone natin, pero napagtanto ko na iba pa din talaga yung old school. Iba yung nahahawakan, naaamoy at naririnig mo yung tunog ng mga pahina kapag binubuklat mo.

Pero syempre, hindi pa din sukatan ang planner para masabing may plano ka na talaga sa buhay. At the end of the day, ikaw pa din ang may hawak ng buhay mo at hindi ang maganda mong planner.

Tutal napapag-usapan na lang din ang planner, pwede nyo rin basahin ang blog post na ito ni Marts, Free eBook: Magplano Kahit Walang Planner. Meron na yang libreng e-book na pwede niyong i-download. Basahin niyo iyan kase madami kayong mapupulot na aral.

Oh siya, hanggang sa muli mga kapatid.

Babush!

“A goal without a plan is just a dream.”

 

Shades of Wanderer signature

 

Leave a Reply

Comments 29

  • Nice! Ang bongga naman pala ng planner na yan! Bagay na bagay sayo. Parang ganyan yung Sunnies Planner ko last year, pero girly syempre.

    Coffee Bean din yung akin this year, kulay green. Anong kulay kay kapatid mo? Nakwento ko na yata paano ako nagkaro nun tama ba? Ang hinahanap ko actually sa planner eh yung meron ding enough space for notes. So planner & notebook in one siya, which I found in CBTL. What I want about it din, is the fact that I am supporting Real Life Foundation, which provides educational assistance to those in need. Double purpose. 😍

    Btw, it should be Marvin & Jolina. 😂

    • Color grey yung sa kapatid ko. Yes, nakwento mo na kung paano mo siya nakuha habang nasa SB tayo. CBTL yung topic pero nasa SB? Hahah..

      Actually yun din ang hanap ko, yung may enough space for notes. Etong WTN Planner 3 pages lang yung blank notes nila kada month, sa bandang last part siya nilagay. Pero since mahirap na talaga maghanap ng planner sa kalagitnaan ng January, so pinatos ko na rin ito. So far happy naman ako. Kaya this year mga bandang October or November pa lang magpipre-order na agad ako para makapili ako sa planner na talagang gusto ko.

      Hahaha.. Marvin & Jolina ba? Napapaghalataang Tita’s of Manila na din tayo ah? LOL

  • Thank you for sharing this po! Omg. Hindi ko alam na iba-iba pala ang mga planners. Akala ko rin yung may mga weekly, monthly lang siya. HAHAHA! Buti nabasa ko ito at may natutunan ako. Gosh! Where the hell have I been?

  • Nakakatuwa naman tong post na to, may natutunan akong bago tungkol sa mga planner. Bumibili din ako ng planner pero mostly basic, ngayon ko lang nalaman na maganda din pala ang planner ng mga sikat na coffee shop. ^__^ Dahil dito sa post na to parang gusto ko bigla mag hanap ng planner for this year, meron naman na pero parang mas ok nga yung maraming features. 😉 Nakakarelate din ako sa mga notebook na artista yung nasa cover, bigla akong nagbalik tanaw nung mga panahong ako’y bata pa hehe.. Maraming salamat sa pag share nito, may bago kong natutunan. Cheers! 🙂

    • Oh diba, same tayo na akala natin puro “basic” lang ang mga planner. Hehehe.. Between Starbucks and Coffee Bean, I must say mas okay yung planner ng Coffee Bean for 2018.

      Nostalgic talaga yung ganung mga notebook. Kung pwede lang maibalik ang panahon. Hehehe. Salamat sa pagbisita sa aking blog. Cheers!

  • Nice planner you have there, buddy.

  • Buti napadpad ka sa planner na swak sa lifesfyle mo. Aabangan namin ang post mo by the end of 2018 about this! Haha Yung planner na gamit ko, nung 2016 pa. Di ko pa nagagamit yung pages e hahaha

    • Oo nga eh, mukhang sakto sakin tong planner na nabili ko. Talaga? As in mula nung 2016 wala ka pang nasusulat sa planner na yun? Or yung mga blank pages/notes na lang yung naiwan?

  • brad interested kasi ako dun sa feature nyang question to ask a stranger.
    late na kasi nung nalaman ko itong planner na WTN. napamigay ko na rin yung planner kung galing sa SB akala ko kasi makakahanap pa ako nito, yun pala hindi =(
    baka pwede pa-mail ako nung question to ask a stranger.
    [email protected]
    thanks in advance.

    • Sige brad, i-send ko sa email mo in a few minutes. Baka picturan ko na lang kase medyo madami sya kung ita-type eh. Hehehe.. Salamat sa pagbisita sa blog ko.

  • Kuya bagay na bagay sa iyo yang planner na yan 😀 Sana maenjoy mo ang pag gamit sakanya the whole year! whoo!

  • I think I agree that your planner is too beautiful to be written on. Hahaha. If you dont want to use it, you can give it to me. Hahahahahahaa

  • Such a nice planner to have. Yun nga lang, sayang kung susulatan XD I have that dillema as well. 🙁 But then, how can it serve its purpose? We can always buy a new one or reminisce ang mga contents after, that’s what I told myself when I had my planner for this year. Hihi. It was a SB PH edition and a gift from my fiance. And that is so true, sometimes we just write the plans sa planner but then we still procrastinate. Nasa sa atin talaga if we will move or not. Thanks sa pagshare! 😀

    • Yeah, I agree. If we will not use the planner at kung manghihinayang lang sulatan, then nawala na yung mismong purpose nito. And yes, we do procrastinate a lot – but I hope ma-overcome nating lahat yun. Heheh.. Thanks for visiting my blog. And I like your blog, BTW.. 🙂

  • Wow nice. Parang album lang. I guess planners won’t work for me ’cause I plan to do things and even write them down yet I still end up not being able to do them (kala mo busy talaga. lol). But I plan to get one probably next year (hihintay pa talaga. 😁) Anyway, through entering my e-mail lang ba ako makakafollow sayo? Di ko makita yung follow button na kagaya sa wordpress. 😕

    • Yes, try mo siya gawin next year. Mga bandang November pa lang bumili ka na kase mabilis maubos ang magagandang planner. First time ko lang din ngayon and malalaman ko by the end of the year kung effective ba siya sa akin.

      Dalawa kase ang site ko, isang dot com (ito yun) at isang nasa WordPress. Pwede mo akong i-follow na lang dun sa WordPress, kase usually yung pino-post ko dun ay pino-post ko din dito sa dot com ko. Search mo lang shadesofwanderer.wordpress.com

  • Bagay sa personality mo yung planner 🙂 Bet ko yung mga ganyan na minimalist pero napaka classic ng ichura. Balitaan mo rin ako kapag napuno mo yan. Haha. So far consistent ako sa pagamit ngnMercury Drug planner ko :p

    • Sabi nila ang ganda daw niyang Mercury Drug Planner. Sige, balitaan kita at the end of the year. Kaw din, abangan ko din yang planner mo kung napuno mo ba or what. Mag-abangan tayo. Heheh..

  • Natuwa ako sa cover na Marvin at Jolina😂
    nakarelate ako hahaha

    Nice Planner gusto ko ng ganyan para i-goal ko ang Pinas! pero mas masaya siguro pagmarami kau or may kasama ka umakyat or maghike .

    Salamat sa Pagshare.. sarap talga tumambay at magbasa ng blog mo dami ko nalalaman at natutunan na dkpa talaga nadiscover sa talambuhay ko.

    Good job Jheff!

    • Salamat Lala! Sensya na now ko lang nabasa itong comment mo. Now ko na lang kase uli naasikaso itong dot com ko. Madalas nandun ako sa free wordpress blog ko.

      Bago matapos ang taong ito bili ka rin ng ganitong planner. Usually around Novermber may mga pre-orders na sila.

  • It works very well for me

  • Great blog! Is your theme custom made or did you download it from somewhere?
    A theme like yours with a few simple tweeks
    would really make my blog jump out. Please let me know where you
    got your theme. Cheers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: