Travel Now, Pulubi Later

Dear future anak/apo, 

 

Yan ang madalas na naririnig ko at nababasa sa mga travel groups sa social media. “Travel now, pulubi later”, “travel now, tuyo later”, “travel now, patay-gutom later”, “travel now, sardinas later”, atbp..

Medyo natawa din ako sa phrase na yan kase sa totoo lang madami akong kakilalang ganyan eh. Yung tipong magpo-post ngayon sa social media na nasa ganitong lugar o bansa sya. Tapos pag-uwi sa bahay nasa critical wallet stage na pala at hindi na makabili ng maayos na pagkain. 😀

Para sa akin may positibo at negatibo akong nakikita sa ganyang mentality. Unahin muna natin ang positibo.

Positive in a way na basta may gustong gawin, bilhin or makamtan ang isang tao, they will make a way para makuha yun. In this case, lahat gagawin nila for the sake of travel.

Nandyan yung mag-iipon ka talaga at magtatabi ng pera para sa parating mong byahe. Kahit yung mga paborito mong pagkain na masasarap or resto na madalas mong kainan, iniiwasan mo muna.

Or di kaya yung dati na araw-araw ka nagkakape sa Starbucks, pero pag may pinag-iipunan kang travel tiyaga-tiyaga muna sa 3-in-1. 😀

Sa mga girls naman, nagtitiis yung iba na huwag muna bumili ng additional sandals nila or damit na pang OOTD. Tiis-tiis lang daw muna sabi ni Bes. LOL

So positive sya kase ibig sabihin, kapag may gusto, may paraan.

Pulubi LaterCredits to the owner of the pic

 

Dumako naman tayo sa negative. Ang negative naman na nakikita ko dito is yung pag gastos minsan ng tao beyond their means.

Alam naman nilang wala silang ipon, pero panay pa din ang bili nila sa mga piso fare. Don’t get me wrong guys, mahilig din ako mag-abang ng mga promo. In fact, almost all yata ng mga byahe ko eh puro promo ko lang din nabili.

What I’m trying to point out is that dapat may sapat ka ding ipon bago mo isipin yung mga ganyang bagay like pagta-travel. Sapat na ipon means yung extra money mo, savings mo, emergency fund, or kung ano pang term ang gusto nilang gamitin.

Sabi ng ibang matatanda, ganito na ba daw talaga ang mga millennials? Parang easy-go-lucky na lang? Para sakin pwede syang Oo, pwede rin hindi.

Oo, dahil sa panahon ngayon parang lahat na lang ng tao gusto ng approval at attention sa social media. Minsan kahit di naman talaga afford or para maging sunod lang uso, gagawin pa din.

Madalas nga tinatanong ko sa sarili ko kung tayo pa ba yung nasa social media na pino-portray natin? Importante ba talaga na laging dapat sunod tayo sa trend? Or dapat hashtag #goals ang peg lagi?

Pero hindi ko naman nilalahat. Kaya nga pwede rin hindiMany of millennials today ay mas exposed at aware na din on how to earn money or have additional income.

Mapa-insurance man yan, savings, investments like mutual funds, stocks, bonds, etc.. some of them knew all of these. At yun sana ang gusto kong i-impart sa blog na ito.

I want to encourage all of you guys na gusto ding mag-travel, na start saving now, not just for your travel but for your future as well. Wag natin sundin yung ganung mentality na travel now, pulubi later.

Hindi ba mas maganda kung nakakapag-travel ka na, at the same time pag-uwi mo may pera at may ipon ka pa din? At mas maganda din mag-travel pag hindi ka nag-aalala sa gagastusin mo. Mas may peace of mind ka.

May nabasa ako sa libro na ang taong wala daw pera kapag kumain sa restaurant, ang tingin nya menu is from right to left. Meaning, titingnan muna yung pinakamura, tapos saka titingnan kung ano yung pagkain na yun.

Ang mga may pera naman daw kapag tumingin sa menu ay from left to right. Pinipili muna nila kung ano yung masarap at gusto nila, then saka nila titignan yung presyo. Ikaw, ano ka sa dalawa? 😀

Sabi nga ni Chinkee Tan, “Save now, travel later, at “Tipid now, ginhawa later.” Mas maganda pakinggan diba? Sana ganyan din ang maging mindset natin mga KAPWA KO millennials. Oo, millennial kid din ako, may reklamo? 😀

At the end of the day, hindi kayang punan ng magandang picture sa IG at madaming likes sa FB ang kumakalam nating sikmura. So again, save now and travel later! 🙂

 

Carpe Diem! God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 12

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: