Happy 1st Anniversary + Tips Para Sa Mga Babaeng Gustong Mag-solo Travel + Pa-Giveaway Ni Mayor

Female Solo Traveler

 

Happy First Anniversary Shades Of Wanderer!

Wow! Parang kailan lang nung nagsimula akong mag-blog at i-dokumento ang mga biyahe ko. Nakakatuwa, one year na din pala.

Naalala ko nung nagsisimula pa lang akong mag-blog, may nabasa ako na karamihan daw sa mga aspiring bloggers ay sa umpisa lang daw masigasig magsulat. At kadalasan, yung iba sa kanila ay hindi na umaabot ng 1 year sa blogging.

Kaya curious ako dati kung aabot nga ba ako ng 1 year sa pagba-blog. At ito na nga, nakaabot naman ako. Hehehe..

Nagbalik-tanaw uli ako bigla. Hindi ko makakalimutan ang unang taong finallow ko dito sa blogosphere – ito ay ang kapita-pitagang si Aysa ng aysabaw.com.

At kaya hindi ko rin yun makalimutan kase siya din ang kauna-unahang follower ko dito sa WordPress. Ang sarap pala ng feeling na may follower ka na kahit na yung blog posts mo eh dalawa pa lang. Hahah..

Mula sa isang follower, ngayon ay nasa 190 na yata. Though hindi ko lang alam kung ilan dyan ang active pa din sa WordPress at kung ilan dyan ang talagang nagbabasa sa blog posts ko. LOL..

I know wala pa yan halos sa kalingkingan ng iba sa inyo, pero masaya lang ako na sa dating isa lang eh ngayon ay papunta na sa 200. At hindi ko rin naman sinasabing importante ang dami ng followers. Kahit isa lang yan basta malaman mong nagbabasa siya ng blog mo eh napakalaking bagay na.

After ni Aysa, ang mga iba pang bloggers na nakakasalamuha ko nung nagsisimula pa lang ako ay sina SpaceJosephJaysonAilaAmielle, atbp.. If hindi niyo pa sila napa-follow, go check their blogs.

So ayun na nga, bilang unang taon ko ito sa WordPress, ang topic na isi-share ko ngayon ay patungkol sa isang tanong na lagi kong naririnig at itinatanong sa akin – “Ano ang maipapayo mo sa mga babaeng gustong mag-travel ng solo?”

Pwede naman akong magbigay ng payo bilang isang solo traveler na lalaki, pero syempre iba pa din kapag babae mismo ang magbibigay ng payo. Kaya ang ginawa ko, ininterview ko ang mga babaeng solo traveler na nakilala ko sa mga biyahe ko.

 

*****

 

Bago ko ibigay ang mga tips nila, hayaan n’yo muna akong ipakilala sila sa inyo.

 

Kaori
Kaori

1. Kaori – Si Kaori ay na-meet ko sa Boracay nung June 2016. Taga Mexico siya, at talagang masasabi kong batikan na sa solo traveling. Ang istorya niya, nag-ipon daw muna siya ng 10,000 USD, or almost half a million pesos. After niya makaipon ng ganung halaga, nag-resign siya sa trabaho niya at nagsimulang magbiyahe kung saan-saan. Nakakabilib ang mga kwento niya. Pero sa susunod na blog ko na lang siguro ikukwento yung iba.

 

 

Leigh
Leigh

2. Leigh – Na-meet ko si Leigh nung nagpunta ako sa Leyte nung August 2016. Siya ang kasabay kong naglakad sa San Juanico Bridge. Ayoko na sana tumuloy that time kase gabi na, buti na lang nahawa ako sa determination ni Leigh kaya ayun tumuloy na din ako.

 

 

Glice
Glice

3. Glice – Nakilala ko naman si Glice nung nagpunta ako ng Kota Kinabalu nung October 2016. Pinuntahan ko yung nakilala kong Malaysian na nagwo-work sa isang hostel. Nataon naman na nandun naka check-in si Glice, kaya dun ko siya nakilala at iba pang mga solo traveler din sa iba’t-ibang bansa.

 

 

Sane
Sane

4. Sane – Sa Cagayan de Oro ko naman nakilala si Sane, nung March 2017. Hindi kami nagkasabay sa water rafting dahil conflict sa schedule. Nasa Bukidnon ako nung nag water rafting siya. Pero nakapag hang out naman kami sa CDO bago siya dumiretso ng Camiguin.

 

Judy
Judy

5. Judy – Si Judy naman ay nagwo-work sa Singapore, pero na-meet ko siya sa Bangkok, Thailand nung October 2017. First time niya mag solo travel that time, pero tri-city agad ang ginawa niya (Cambodia-Vietnam-Thailand).

 

 

Kristel
Kristel

6. Kristel – Si Kristel naman ang nagsilbing tanungan ko sa plano kong mag-biyahe ng Roxas at Gigantes. Nag-meet kami sa Pampanga, kung saan kami ay nag-food trip ng nag food trip (sarap kumain eh, hahah..). Bukod sa malakas ang loob niya mag solo travel, malakas din ang loob nito sa mga cliff diving at sa pag-angkas sa habal-habal kahit hatinggabi. LOL

 

Glennah
Glennah
7. Glennah – Si Glen ay nakilala ko nung nagpunta ako sa Iloilo last December 2017. Kasabay ko siya sa mag tour sa Iloilo at Guimaras. Sanay talaga ito magbiyahe ng mag-isa kase sa trabaho niya madalas siyang pinapadala out of town.

 

*****

Narito ang pitong (7) katanungan ko sa kanila at ang kanilang mga sagot:

1. Anu-ano ang mga napuntahan mong lugar nung nag solo travel ka?

Kaori: I have traveled alone to Colombia, Ecuador, Brazil, Argentina, Costa Rica, Guatemala, Panama, Honduras, Nicaragua, Hawaii, United states, Mexico, Cuba, Hong Kong, Vietnam, Cambodia, Indonesia, Philippines, Japan, South Korea, Malaysia, Singapore, Italy, Spain, Portugal, Morocco, Turkey, France, Czech Republic, Austria, Hungary, Netherlands, Chile.

Leigh: Yung mga land travel na mag isa lang ako medyo madami, won’t itemize na but the ones I’ve traveled to by plane: Bacolod, Dumaguete, Cebu, CDO, Iligan, Bukidnon, Camiguin, Leyte, Samar, Biliran, Thailand.

Glice: First time ko nag solo travel papuntang San Fernando, Pampanga. Alam ko medyo malapit lang, first time kong gawin nung first year college pa lang. So achievement ‘yun for me. Nung nahilig na ako sa pagbiyahe, tinodo ko na kaya ginawa ko ang Indochina trail from Thailand, Laos, Cambodia hanggang Vietnam.

Sane: Cebu and Cagayan province.

Judy: Nagpunta ako sa Ho Chi Minh Vietnam, Siem Reap Cambodia, at Bangkok Thailand

Kristel: I’ve been to South of Cebu, Mt. Roxas – mostly sa baybay beach lang haha. Gigantes Island ng Iloilo, Krabi, Thailand, and Kuala Lumpur. Not sure kung counted din pag nakiki-join ng hike ng mag-isa, if yes, count Mt. Pinatubo in, hehe. Solo travel in a sense na pupunta ka sa place mag isa, pero makiki-join din ng tour.

Glen: Iloilo and Gigantes

 

2. Ilang taon ka nung first time mong mag byahe ng solo? 

Kaori: I started at 20

Leigh: 19, fresh out of college, haha

Glice: 15 years old ako kung first year college. Hehe. Tapos yung Indochina, 24 years old ako nun.

Sane: 25 years old.

Judy: 24 ako nung first time ko.

Kristel: I started in 2016 lang. I was 25 years old at the time. I kinda started late, priorities. Hehe.

Glen: 27 years old

 

3. What made you decide na i-try mag solo travel?

Kaori: After my first student exchange in Chile, I decided to travel.

Glice: Well, meron kasi akong gusto gawing long-term trip kaya gusto ko muna sanayin yung sarili ko sa pagsosolo travel. Kaya ko ginawa ang Indochina overland.

Sane: Kasi gusto ko mag explore ng ibang lugar pero wala akong kasama nung una. Kung maghihintay ako lagi ng kasama, wala akong mapupuntahan. Maikli ang buhay para hindi ko gawin yung gusto ko.

Judy: nagdecide ako mag travel kasi una gusto ko talaga mapuntahan yung mga places sa mga bansang yun. Then second, kasi gusto ko masubukan. Third, siguro andun talaga yung feeling na hinihila ka para mag travel.

Kristel: I really wanted to see South Cebu – Kawasan falls, Oslob, Sumilon, Osmena Peak, kaya I pursued on going kahit mag-isa lang ako. Actually, I was with a group of more than 10 people, my colleagues at work, when we traveled from Clark to Cebu. But they wanted to go to Bohol so I went on my own so I could tick things off my own bucket list.

Glen: One of my bucket list. Fulfillment.

 

4. Hindi ka ba natakot? If yes, ano yung mga fears mo? 

Kaori: Yes, I was. But then I saw its very easy to meet people and be more independent.

Leigh: I’ve always been used to being alone so medyo hindi naman. Although thinking about it, risky naman talaga to travel alone lalo as a commuter. Kung may gusto kumidnap sakin na habal habal o bangkero, it’s not like I’d be able to stop them by myself haha.

Glice: Nandun naman siguro ang takot sa lahat ng gagawin for the first time. Siyempre takot ako manakawan, or mawala ang passport ko! Takot din ako na baka malulungkot ako along the way.

Sane: Natakot, yes. Fears, baka hindi ako makabalik ng buhay at mangyari ang di dapat mangyari. Naisip ko na lang, nangyayari din naman sa Maynila yung mga kinakatakot ko pero nakakauwi naman ako magisa. Kaya tumuloy ako, nang maraming baon na pagiingat.

Judy: Of course yes, takot ako nung una, natakot ako sa pwedeng mangyari sa akin dun like maholdap, maligaw or maloko, ganun.

Kristel: Natakot din, syempre. Lalo na pag nalaman ng Nanay mo na mag-isa kang mag-gagala, tapos “babae ka pa“. Hindi ko naman kasi tinitignan in a way na dahil babae ako, hindi ako pwedeng mag solo travel. Or hindi ko kaya dahil babae ako. NO. Ung mga fears ko is more on “pano pag naligaw ako“, “pano pag wala akong makausap naman“, or “pano kung wala akong maaayos na pictures kasi mag-isa ako” hahah. Yun lang naman, but I’ve surpassed that kasi I liked and enjoyed what I was doing.

Glen: More of excitements, pero konting takot kase hindi ko alam mga pwede mangyari.

 

5. Anu ang mga unforgettable experiences mo as a solo traveler?

Kaori: Meeting new people from around the world and places I haven’t seen before in my continent, different cultures.

Leigh: Naiwan ako nang bangka sa Maripipi pabalik sa Naval so I had to charter a really small boat by myself. Umuulan at sobrang lakas nang alon, walang life vest, so kung tumaob bangka namin at the time I would’ve died no questions asked.

Glice: Madaming unforgettable experiences at madaming magagandang lugar na nakaka-refresh ng utak. Pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay ang mga random encounters with fellow travelers tapos nagiging malalim ang mga interactions and conversations. Kaya minsan, mas naaalala ko kung sino ang mga taong nakilala ko sa pag travel, mas lalong gumaganda ang alaala ko sa mga lugar na pinunpuntahan ko.

Sane: Nung papunta akong Palaui island, may nakilala akong mag jowa na kahapon pa naghihintay na may makashare sa bangka. Kaya dahil sa kanila, nakatipid ako at mas maraming napuntahan. Dagdag kakwentuhan pa maliban sa mabait na bangkero. After 2 days na magkasama, hindi na kami nagkausap uli nang maghiwalay. Ilang buwan ang lumipas, papunta akong Jomalig kasama mga kaopisina. Habang naghihintay sa terminal ng van pa-Quezon, nakita ko silang dalawa. Papunta rin palang Jomalig. Ayun, nagkasama kami uli don ng tatlong araw. Kaya masaya din gumala magisa, hindi ka talaga nagiisa. Laging may makikilala.

Judy: Lista ko na lang

  1. Mag isa ako sa loob ng airport nag aantay ng oras. Haha.
  2. Ako lang yung nag iisang asian girl sa tour.
  3. Madami akong na meet and na gain na new friends from other countries.
  4. Yung na visit ko yung famous and very fantastic Angkor Wat ng Cambodia.
  5. Maligaw ligaw sa mga lugar at di ko alam saan pabalik at saan ako patungo hahaha (solo nga kase).

Kristel: Meeting new people is one of the best things that could come up with trying to travel solo. I’ve met people during my trips and I’ve become friends with some. And ang sarap lang din sa feeling na kaya mo pa lang mag-isa, yung mapapa-isip ka na lang na “Wow, napuntahan ko yung lugar na yon nang mag-isa!” Unforgettable din yung byahe ng 1:00 AM from Cebu City to South of Cebu, makakadating ng 3:00 AM sa lugar na wala kang kakilala. And yung 4:00 AM habal-habal ride kasama si kuya tour guide kahit wala kang makita sa kalsada. And when travelling overseas, nakaka boost ng confidence yung kailangan may maayos kang picture na hindi naman selfie kaya nauubos ingles mo kaka explain ng “I’m travelling solo, can you please take a photo of me?

Glen: Lahat ng memories during the travel. Most especially yung mga nameet kong tao who inspired me a little while.

 

6. Anu reaksyon/sinabi ng parents mo at ng mga kaibigan mo nung nalaman nilang solo ka lang babyahe? 

Kaori: They think it’s very dangerous and also because sometimes I stay at houses of people I never met. But then they start trusting me because nothing happened before.

Leigh: All of them are weirded out, hahahaha. Kahit naman locals usually gulat na gulat pag nalaman mag isa lang ako. My parents were especially afraid pero hindi naman ako mapipigil so I guess they just had to accept and trust that I could take care of myself.

Glice: Natural siguro sa mga magulang ang kumontra at sabihing itigil na ang mga lakwatsa. Pero katulad sa kung paano mo ihahandle ang fears mo, walang mangyayari kung hahayaan ko silang icontrol ang decisions ko.

Sane: Puro negative. Bakit magisa ka lang? Nababaliw ka na ba? Ano gagawin mo dun magisa? Baka mapano ka? Ano tumatakbo sa isip mo? May katagpo ka doon no? Bakit hindi mo na lang ipakilala para hindi ka nagtatago? Imposibleng mag-isa ka lang.

Judy: Unang reaksyon nila is nagulat at natakot. And sabi nila if kaya ko daw ba.

Kristel: Yung unang gala ko na solo, hindi ko sinabi sa parents ko na I’m going solo, na hihiwalay ako sa friends ko so I could check places I really want to see. Tapos nung nalaman ng Nanay ko, ayun, mejo sermon. Pero supportive pa din sya sa mga naging solo travel ko in the past. Nasanay na lang din siguro sya kasi alam naman nya na di nya ko mapipigilan. And then there are others na nagtaas ng kilay, na bakit parang loner daw ba ko or broken hearted kaya nagtatravel mag-isa. Hinayaan ko na lang. I don’t owe anyone explanation, it’s my money that I’m spending anyway. But to my family and closest friends, nagsesend ako ng pictures ko just to let them know I’m really safe.

Glen: Astig daw. Ang tapang ko daw. Hindi daw ba ako natakot. One of them told me na proud siya sa akin.

 

7. Lastly, ano ang maipapayo mo sa iba pang mga kababaihan na nagpa-plano ding mag solo travel?

Kaori: Start in the friendliest countries, and try to adapt to the culture. Be open and try to meet new people because that makes it easier.

Leigh: Plan your routes waaaay ahead of time. Prepare plans B C D. While locals are always helpful, do not be overly trusting din. And most importantly, do whatever you want to do at your own pace. If feel mo humiga sa kama maghapon sa Palawan – go. Don’t be pressured into doing the usual touristy stuff just because everybody’s doing it.

Glice: Para sa mga kababaihan, just be open to anything. Mahirap kapag sarado tayo at nakafix sa itinerary and plans. Mas maganda na maging bukas lang sa kung anuman ang mangyari, basta ang importante ay trust your instincts. If something doesn’t feel right anymore, you can always leave or run for your life! Haha! But bottom line is stay curious and remain open.

Sane: Magresearch ng maigi tungkol sa lugar. Huwag mahiyang magtanong ng magtanong. Kung magtatanong tungkol sa direksyon, tatlo ang tanungan para siguradong tama ang sinasabi. Dapat laging alerto. Kung may nagtatanong bakit magisa ka lang at saan tumutuloy, sabihin na may kasama kang naghihintay. Maging friendly pero piliin sino ang sasabihan na nagiisa, lalo na kung maraming tao na nakakarinig. O kaya magsuot ng singsing para madaling sabihin, na may asawa ka na naghihintay. Hehe. Magdali lagi ng ballpen para sa notes at self defense.

Judy: Advice ko lang sa mga gustong mag solo travel, follow your heart and soul. If tinatawag ka ng puso mo na mag travel, go fo it! Huwag kang pangunahan ng takot at what if’s. Then after nun if decided ka na talaga, plan for your trip. Planning makes your travel organize syempre para smooth yung daloy ng mga pupuntahan mo. Then next is dapat always ready ka and alert. If like mo magtravel ng solo dapat lagi kang ready sa mga possibilities and at the same time dapat alert ka lagi hindi lang sa gamit mo but for your safety. Isa itong life changing adventure ng buhay mo kaya dapat i-enjoy mo lang ang bawat segundo nang travel mo

Kristel: JUST DO IT. Save enough money and just go where you wanna go. Don’t let anyone stop you, kesyo babae ka di mo kaya, NO. You don’t need that much negativity in your life. If you want to go and see a specific place and you think it will make you happy, do your research, don’t be shy to ask people how to go to the place and what to expect when you get there, AND JUST GO. You will never know unless you try. Pero one thing that’s really important, huwag mahihiyang magtanong para di ka maligaw, haha! Kahit paulit ulit mong itanong at sa iba’t ibang tao, i-clarify mo. Parang sa relationship lang, mas maganda na ung malinaw, kesa sa malabo. Char. 😀

Glen: Fulfilling maging solo traveler lalo na kapag nakasurvive ka na every city na napuntahan mo. Madami kang learnings at madi-discover sa sarili mo na magugulat ka na lang. Kaya GO ka lang! Huwag ka matatakot kase meron at meron ka din mami-meet na solo traveler na makakasama at pwedeng makatulong sayo.

 

*****

So there you go, seven (7) answers/tips from seven (7) female solo travelers. Sayang, marami pa sana akong female solo traveler na iinterviewhin. Kaso yung iba hindi ko na ma-contact (esp. yung mga foreigner na na-meet ko sa ibang bansa). Yung iba naman hindi pa sumasagot as of this writing.

Kahit matagal na akong nagso-solo travel, madami pa din akong napulot na aral sa mga payo nila. Kaya sana nakapulutan niyo din ng aral ang mga naibahagi nila.

Dumako naman tayo sa give-away ko. Since 1 year na nga ako dito sa WordPress, may konteng pa-contest si Mayor. Hehehe.. Actually ayoko sana, kaso nag-request si Meg eh, kaya eto may pa-giveaway ek-ek na din ako.

Ang mananalo ay makakatanggap ng Neck Pillow with Eye Mask, Fragrance Diffuser, at 2 packs of Hershey’s Kisses Chocolate. I-comment niyo lang (either dito or sa WordPress account ko) kung alin sa mga blog posts ko ang favorite niyo at bakit. Lahat po ay pwedeng sumali. 🙂

 

neck pillow
Neck Pillow para sa mahabang biyahe, Fragrance Diffuser para bumango ang sala at kwarto niyo, at masarap na Hershey’s Chocolate bilang pang himagas..

 

So paano, hanggang dito na lang muna kase umabot na sa 3,000 words itong blog post na ito. So far ito na ang pinakamahabang post ko. Hehehe.. Pagbigyan niyo na, anniversary naman eh.

 

Carpe diem!

God bless everyone..

 

P.S. Iniisip ko kung hahatiin ko na lang ba sa dalawa yung give-away para meron tayong 2 winners. What do you think? Just comment down below (ala vlogger lang ang datingan). Hahah..

 

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 6

  • Halllleeer Jeff!

    Congratulations sa iyong unang anibersaryo.

    Nakakatuwa naman yung mga experiences na shinare ng mga female solo travelers pero hindi ko ata kaya ang kanilang pinagagagawa.

    Anyway, sasali ako sa pagiveaway mo.

    May dalawa akong paboritong post mo. Una yung recent post mo tungkol sa mga natutunan mo sa gitna ng dagat dahil dun sa feels nung post. Di ko na ieelaborate pa basta yun na yun.

    Yung pangalawa kong paborito at lagi kong naalala sa mga post mo ay yung hagardo versoza mong trip sa Malaysia at Singapore. Naaalala ko yan lagi kasi hindi ko yan gagawin ever ha ha yung habulan ng oras pero natutuwa ako dahil napagkasya mo ang mga gagawin mo sa loob ng very limited time. Parang Amazing Race lang

    • Thanks Aysa. Hahaha.. Mukhang hindi siguro para sayo ang solo traveling or baka hindi mo lang feel siguro?

      Yung about sa SG-Malaysia trip ko, ay oo, di ko rin makalimutan yun. Hinding-hindi ko na uulitin yun kase sobrang nakakapagod. At dun ko lang naranasan na gising ako for 40hrs straight! Whew!

  • Ang mga totoong chickboy hindi nagsasabing chickboy sila.

    ~Jheff, Shades of Wanderer

  • You are my intake, I have few blogs and rarely run out from post
    :).

  • I don’t normally comment but I gotta say thank you for the post
    on this special one :D.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: