Tara, Kwentuhan Tayo Ng Japan Trip Ko (Part 1)

Sa sobrang excited ko sa pagpunta ko sa Japan, month in advance ay naka draft na ‘tong intro ng blog na ito. 🙂

At paano ako hindi magiging excited, isa ang Japan sa mga dream destination ko! And why not? Lumaki akong pinapanood ang mga Japanese na palabas sa telebisyon. Bago pa man kase mauso ang mga Kdrama sa Pilipinas, mga Japanese na palabas naman talaga ang namamayagpag noon, lalu na ang mga anime at iba pang mga metal heroes.

Voltes V, Astro Boy, Gundam, Dragon Ball Z, Ghost Fighter, Flame of Rekka, Hunter X Hunter, Time Quest, Lupin III, Detective Conan, Crayon Shin-chan, Mojako, Doraemon, Ultraman, Magma Man (Fireman), Mask Rider Black, Bioman, Maskman, Machine Man, Shaider, and the long list goes on.. By the way, ang makaka-relate lang sa mga palabas na nabanggit ko ay ang mga kapwa ko batang 90’s. Kaway-kaway! 😀

Syempre para maisakatuparan ko ang pangarap ko, kelangan ko muna makabili ng ticket. At hindi lang basta ticket kundi “murang ticket” papuntang Japan. Kaya nung nag piso fare ang CebuPac last February, nag-abang talaga ako. And luckily, I was able to booked a round trip ticket for 2,582.44 PHP. Matinding puyatan yun, pero worth it! 🙂

After ng ticket, yung visa naman ang kelangan kong asikasuhin. My initial plan was to apply for a visa two (2) months ahead ng biyahe ko. Pero dahil may byahe pa ako sa Taiwan 2 months before ng Japan trip ko, kaya hindi ko naasikaso agad yung visa ko. Kaya sobrang cramming na. Two (2) weeks na lang flight ko na pero dun pa lang ako nag-apply ng visa. Hahah..

Confident naman ako sa mga requirements na sinabmit ko sa Reli Tours, pero syempre may agam-agam pa din minsan kung maga-grant nga yung visa ko. And thank God, after three (3) working days mula nung nag-submit ako ng visa ay finally, nakuha ko na din sya. Wohoo! 🙂

So huwag na natin patagalin, hayaan niyong ikwento kong muli ang byahe ko sa pamamagitan ng mga larawan.

 

Japanese Toilet

dav

Japanese Toilet
Miss ko nang umupo sa inodoro..

Toilet – etong toilet bowl na ito is what made my day sa unang araw ko sa Japan. Langya, kung anu-ano na pinagpipindot ko ayaw pa din mag flush. Tapos maya-maya uminit na bigla yung pwet ko, para nakong nakaupo sa kawali. Hahaha.. Mali yata napindot ko. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Sensei kung paano ang dapat gawin. Ka-chat ko siya habang nakaupo ako sa trono, LOL.. Dahil sa toilet na ito, tumaas na standards ko pagdating sa inodoro. Hahah..

 

 

Japan Convenience Store
Sagot nila ang kumakalam mong bulsa at sikmura..

Convenience Store – kung medyo tight kayo sa budget, convenience store is life sa Japan. Maraming murang food dun, lalu na yung Onigiri. Kanin siya na may ulam na sa gitna. Sobrang convenient kainin nito, kahit nasa kalsada ka, sa train o kung saan ka man abutan ng gutom, swak na swak siya. On-the-go kase lagi ang mga Hapon, kaya mabenta sa kanila ang ganyan. Favorite ko dyan is yung Tuna Mayo at Chicken Rice. By the way, ang bilis ng transition noh? From toilet bowl to food? Hahah..

 

 

Yung color yellow na yan, madaming ganyan sa Japan. Hulaan nyo kung para saan yan. Ang makahula, bibigyan ko ng chocolate galing Japan… 

 

 

Imperial Palace Free Tour
Imperial Palace Free Tour

Free Tour – marami sa Japan ang nag-aalok ng “free” tour. Yup, libre lang po. At hindi rin kailangan magbigay ng tip. Sa pagkakaalam ko nga medyo nao-offend pa yung ibang Japanese pag binibigyan sila ng tip. Magbigay lang siguro kayo unless na lang sila mismo ang magsabi, gaya nung Shinjuku tour ko na nag-ask for tip yung tour guide namin after the tour.

Anyways, itong tour na ito ay para sa Imperial Palace Tour. Si Asano at Yumi ang naka-assign na mag tour sa amin that day. 2 and a half hour “walking tour” ito. Ang saya lang na maintindihan mo talaga yung culture nila coming from the locals mismo. Namumulat at naa-amazed ka sa mga isini-share nila.

 

 

kimono imperial palace
Kimono pictorial

Kimono – after ng Imperial Palace tour niyo, may libre din kayong pictorial in a kimono dress. Sa ibang lugar, magre-rent ka pa ng kimono, pero sa tour na ito free lang sya. Saan ka pa diba? 🙂

 

 

Imperial Palace Gate

Imperial Palace Gate

Imperial Palace Gate – Eto yung entrance ng Imperial Palace. Matibay daw yung unang gate na ‘yan, para hindi kaagad makapasok ang mga kalaban. Pero in case daw na mabuksan nila yan, magugulat sila kase meron pa palang second gate. Patibong lang pala yung unang gate kase once na nakapasok sila dun at ma-stranded sila sa nakaharang na second gate, may nag-aabang na sa kanilang mga archers. Nakikita niyo yung mga binilugan kong kulay pula? Mga butas yan, dyan nakalusot yung mga palaso para magapi ang mga kaaway.

Grabe, natuwa ako nung nakita ko yun kase parang ganun yung mga napapanood ko sa pelikula, esp. yung mga labanan ng mga Greeks at Persians noong unang panahon. Napaka henyo ng mga sinaunang tao lalu na kapag gumagawa sila ng ganyang taktika sa labanan.

 

 

hdr

Bawang – Nakikita nyo yung hugis bawang na yan? Nasa labas yan ng gate ng Imperial Palace. May paniniwala daw kase ang mga tao noon sa Japan na ang bawang ay nakakatulong para magtaboy ng malas at masasamang espiritu. Wow, parang sa Pinas lang. Sabi ko nga sa tour guide namin, sa Pilipinas naglalagay sila mismo ng bawang sa bintana at pinto para hindi makalapit ang mga aswang. Hahah..

 

 

Gundam Unicorn
Gundam Unicorn

Gundam – ganito daw kalaki si Gundam kung totoo siya in real life. I’m not sure kung ang mga Transformers ay ganyan din kalaki, pero nakakamangha lang tingnan ang isang robot sa tunay na buhay na noon eh napapanood ko lang sa cartoons.

 

 

Hachiko statue shibuya
Hachiko statue

Hachiko – sa dami ng mga napuntahan kong lugar, hindi na bago sa akin na ang isang pwestuhan na IG worthy (or “instagrammable” for millennials) ay dinadagsa ng mga tao. Sanay na ako sa mga expectation vs reality na lugar. Kaya instead na mainis ako or ipagsiksikan ang sarili ko, sinasama ko na lang din silang lahat sa picture. Gaya nito. Smile guys! 🙂

 

 

Ichiran Ramen Shibuya

Ichiran Ramen Shibuya

Ichiran Ramen Shibuya
Ichiran Ramen

Ichiran Ramen – Syempre, hindi kumpleto ang Japan experience ko kung hindi ko matitikman ang authentic ramen nila. Una kong natikman ang ramen nila nung nakasama ko Sensei sa Shizuoka. Magkaibang ramen ang inorder namin para matikman namin pareho. Ma-creamy yung lasa nang inorder ni Sensei, yung sakin naman ay medyo salty, pero na-enjoy ko siya ng sobra. Matagal ko na kaseng ini-imagine yung sarili ko na humihigop ng mainit na sabaw ng ramen sa Japan. Dream come true, kako.

Nung bumalik na ako ng Tokyo, may nabasa ako na isa sa sikat na ramen house dun ay ang Ichiran. Nagulat ako na ang haba pala ng pila kapag kakain dito. Gaya ng picture na yan, nasa ilalim (basement type) yung mismong kainan, pero yung pila ng tao eh abot talaga hanggang kalsada. Sabi sa akin bago ako pumila ay 1 hour daw ang waiting time. Pero sa case ko, siguro 30 mins lang ang inantay ko para makakain. May mga harang kada table (cubicle type), so may privacy ka habang kumakain. Pwede mo rin itupi yung harang kung may kasama ka. Try niyo din kumain dito ‘pag nagawi kayo ng Tokyo.

 

 

noodles gyoza
noodles & gyoza

Noodles – bukod sa ramen, isa pang na-enjoy kong pagkain sa Japan ay ang mga noodles nila. Sobrang sarap at malinamnam talaga. Hanggang ngayon nga nasa alaala ko pa yung noodles na natikman ko eh. Sobrang sarap. Bawal na din kase ko sa mga instant noodles, kaya pag nakakakita ako ng mga noodle house sa mga bansang pinupuntahan ko, ita-try ko talaga eh. Yung gyoza ang sarap din. By the way, that meal cost me around 570 JPY. Nandyan din yung picture ng resibo.

 

Keisei Skyliner
Keisei Skyliner’s cockpit view
Keisei Skyliner
Leg room…

Keisei Skyliner – nung last day ko na sa Japan, plano ko mag ordinary train lang going to the airport para mas mura. Aabutin ‘yun ng 1 and a half hour for around 500 PHP. Ang kaso, tinanghali ako ng gising. Grabe, nabuhay agad yung diwa ko nung makita ko yung orasan pag gising ko. Hindi na ako aabot kung mag-ordinary train ako. Ang choice ko na lang ay mag Narita Express na aabutin lamang ng 30mins, or di kaya Keisei Skyliner na aabutin naman ng 40mins. Mas mura ng konte yung Keisei Skyliner at mas malapit siya sa hostel ko, kaya yun na ang pinatulan ko.

Ang laman na lang ng pitaka ko that time ay 2,000 JPY na bill, at ilang mga coins sa bag ko. Pagdating ko sa cashier, ang bayad pala sa Skyliner from Ueno station to airport ay 2,470 JPY. Hinalukay ko lahat ng coins ko para makabuo pa ng 470 JPY, at salamat naman at umabot. Hahah.. Kinabahan ako dun. Kayo na lang mag-compute kung magkano sa pesos yun, basta ang alam ko lang mahal sya. LOL

Pero in fairness naman, ang smooth at ang bilis ng biyahe. May lagayan para sa mga bagahe niyo, at malaki din ang legroom. Pwede niyo rin matanaw yung nadadaanan ng Skyliner through that screen na nakalagay sa taas ng pinto. Buti na lang may ganitong train sa Japan, kung hindi, naku naiwan na siguro ako ng eroplano. At mas malaking gastos yun. (Hello pala sa MRT Philippines! 😀 )

 

 

Tokyo train
Speaking of train, minsan ito nag eksena sa ibang train ng Japan. Pwede ka nang humiga. Hahah. Siguro around 3PM yung picture na yan. (Hello PNR!) 😀
Tokyo train
Ganito din pala mostly ang upuan sa mga trains nila. Malambot and very spacious
Tokyo train
Lasheengg…

Lasing – normal lang daw sa Japan na makakita ng mga lasing sa kalsada at sa mga public transport. Gaya nitong nasa pic, sobrang lasing ni Kuya dyan pero wala lang sa ibang mga pasahero. Ang nakita ko lang na ngumisi sa lasing na yan ay dalawang foreigner, pero yung mga Japanese mismo dedma lang. Kahit daw pati nakalantad ang wallet at cellphone ng mga lasing sa Japan, wala daw kumukuha nun. Naku, kung dito sa Pinas yan pag gising niyang naka brief na lang yan. Hahaha. Hindi naman sa nilulugmok ko ang Pilipinas, pero yun naman kase talaga ang sad truth. Anyways, after 15mins yata saka tumayo si Kuya at bumaba. Di ko nga lang sure kung tama ba yung station na binabaan niya. 😀

 

 

DCIM107GOPROGOPR5858.

Escalators – may mga train stations sila na sagana sa escalator. Gaya nitong station na ito, hindi naman crowded ang lugar na ‘to pero ang dami nilang escalator at ang haba pa. At kung mapapansin nyo din, disiplinado sila sa escalator etiquette (stand on the left, walk on the right). How I wish talaga someday ma-adopt talaga natin yan sa buong Pilipinas.

 

 

Shinkanzen
Shinkanzen

Shinkanzen – one of the fastest trains in the world. Kayang tumakbo nito hanggang 320 kph! Ang bilis nun brad. Sumakay ako nito kase ito ang pinaka mabilis na transportation para makarating ako ng Shizouka para i-meet ang kapwa ko blogger na si Sensei. Kung magba-bus ka from Tokyo to Shizuoka, aabutin yata ng 7-8 hours. Pero sa Shinkanzen kinuha lang nila ng isang oras! Siguro kung dito pa sa atin para siyang Manila to Ilocos. So isipin mo yun, makakarating ka ng Ilocos sa loob lang ng 1 hour.

Masarap sumakay ng Shinkanzen, ang kasoooo……… ang mahal niya. Hahah.. Mas mahal pa actually yung one way fare ko sa Shinkanzen kesa sa round trip airfare ko papuntang Japan. 😀 Pero okay lang kase sobrang sayang experience ang sumakay dito. At sinuwerte pa ako kase nakita ko din ang Mt. Fuji mula sa bintana ng Shinkanzen.

 

 

Waze
Gumagamit ng Waze kahit naka Shinkanzen.. LOL

Waze – sinubukan kong mag Waze habang nakasakay sa Shinkanzen. Nung una nasa 100 KPH lang ang takbo, siguro dahil madami pa syang nadadaanang train stations sa Tokyo. Tapos nun naging 150, then 180. Nung medyo malayo na sa city, ayun mas lalu pang bumibilis. Ang fastest lang na nasukat ko ay 235 KPH. After that, tumigil na ako sa pag waze at inenjoy yung view.

Sa Taiwan nasubukan ko na din yung bullet train nila or yung High Speed Rail (HSR). Ang kaso hindi ko masyadong na-appreciate kase most of the time nasa ilalim yung train. So madilim ang paligid, wala kang makita sa labas. Pero itong Shinkanzen na-enjoy ko talaga kase nasa taas siya. Kita mo yung paligid at ramdam mo yung bilis kase may point of reference ka eh. Kaya kahit mahal, try niyo din i-experience ang Shinkanzen.

 

 

Japan haircut
Haircut anyone? Now I know kung bakit marami sa mga kababayan nating OFW ay sa Pilipinas na nagpapagupit. Kase mahal talaga ang haircut sa ibang bansa.

 

 

Ueno Post Office
Sagot nila ang padala ko..

Padala – Nasubukan kong magpadala ng package sa Japan. Grabe, bilib ako sa post office nila dito. No touch talaga sila sa package mo. Gusto nila na ikaw mismo ang magsulat dun sa envelop ng shipping details, tapos ikaw din ang maglalagay sa loob ng ipapadala mo, then saka nila isasara sa harap mo.

Ang problema ko, yung papadalhan ko eh nakasulat sa Japanese character, so paano ko isusulat sa envelop yun? Pinipilit ko yung taga post office na siya na ang magsulat para sa akin, kaso ayaw niya talaga. Kaya may naisip siyang paraan, kinuha niya yung papel na dala ko (kung saan nakasulat yung mga shipping details), at ni-photocopy niya. Tapos ginupit, then saka dinikit dun sa envelop. Yung name na lang ang isinulat ko which is kaya ko nang gawin dahil English character na. Pinadala ko yung package Sunday ng tanghali, at nakarating agad yun kinabukasan ng umaga. Ang bilis diba? Eh ang post office dito sa atin, kapag nagpadala ng package ilang days kaya aabutin?

 

So ayan na muna for Part 1. Pinilit kong ipagkasya ‘to sa isang blog lang, kaso hindi talaga keri eh. Sobrang dami ng experiences ko sa Japan, kaya hinati ko na lang sa dalawa. Abangan ang Part 2 sa mga susunod na araw.

Carpe diem!

God bless everyone..

 

 

RELATED ARTICLE:

Travel Video | Tokyo, Japan

Shades of Wanderer signature

 

 

 

Leave a Reply

Comments 2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: