Medyo hindi ako masyadong makapag-concentrate habang isinusulat ito. Flight ko na kase pa-Japan in less than 2 weeks. Kaya naghalo na yung hang-over ko sa Taiwan at excitement ko sa Japan. Hahah..
Kaya bago pa man ako atakihin ng pagpo-procrastinate ko, eh tatapusin ko na ito para makapag-focus na ako dun sa isa. Hayaan niyong ikwento ko na lang muna ang byahe ko sa pamamagitan ng mga larawan.
*****
Sample Itinerary
Day 1: Must See Sites
-Yehliu Geo Park
-Shifen Old Street and Shifen Water Falls
-Jiufen Old Street
-Ningxia Night Market
Day 2: Taichung, Taiwan
-Park lane
-National Taichung Theater
-Miyahara
-Rainbow Village
-Gaomei Wetlands
Day 3 & 4: City Tour Bus (Di kumpleto ang Taiwan trip nyo pag walang picture
dito)
-Chiang Kai-Shek Memorial Hall
-National Palace Museum
-Shilin Night Market
-Ximending
-Taipei 101
-Wufenpu Clothing District
*****
Airfare:
Airline: Cebu Pacific
Price: 2,100 RT
Date Booked: November 2017
Accommodation:
– ColoMix Hotel and Hostel
– 5D/4N
– Single Bedroom
– 3,767.76 PHP
– Booked it via Traveloka app (with P500 off)
Tour:
– Yehliu, Juifen and Shifen Tour
– Booked it via Klook for P1,289
– with English speaking tour guide
– Free bottled water
– Explore on your own
– Just go back at the bus on or before the instructed time
Other Tours around Taipei:
– Taipei 101
– Taipei Zoo
– National Palace Museum
– Shung Ye Museum
– Lungshan Temple
– Maokong Gondola
– National Chiang Kai-Shek Memorial Hall
– National Dr. Sun Yat-sen Memorial Hall
– Xiangshan (Elephant Mountain)
– Martyrs’ Shrine
– Ximending Night Market
– Shilin Night Market
– Raohe Night Market
Foods to try:
– Bubble Milk Tea
– Xiang Long Bao
– Stinky Tofu
– Frozen Yakult
– Peanut Ice Cream
– Pineapple Cake Bar
– Flavored Potato on Stick
– Taiwanese Sausage
Transportation:
– Maganda ang train system ng Taiwan. Pwede mong maikot ang buong Taiwan by just using their train.
– Maganda din ang bus nila, komportable ang upuan at may wifi. May tamang sakayan din at babaan.
– Naka-indicate sa bus stop kung anong mga bus ang hihinto dun.
– May naka-indicate din sa loob ng bus (in Chinese and English) kung ano ang
next station na hihintuan niya.
– You can ride their bus and train by using EasyCard.
*****
NOTES:
– Kung galing kayo ng Taiwan Taoyuan International Airport, you can ride Airport MRT papuntang Taipei Main Station (main transportation hub) for P160 NTD.
– You can also ride a bus (esp. kung alanganing oras ang dating nyo). Baba lang kayo ng airport, may makikita kayong terminal ng bus. Sakyan niyo yung Bus 1819, papuntang Taipei Main Station din yan. Cost is 140 NTD.
– Yung EasyCard pwede niyong bilhin sa any train station or any branch ng Hi-Life. Cost is 100 NTD.
– Pwede niyong ma-reload ang mga EasyCard sa mga vending machines sa mga train stations.
– Ang EasyCard ay good for 1 person lang. Hindi mo pwedeng i-tap yung EasyCard mo para sa kasama mo.
– Kung magagawi kayo ng Jiufen, dun na kayo mamili ng pasalubong kase mura ang presyo nila dun.
– Kung hindi naman kayo magagawi ng Jiufen, may mga nakita din akong murang souvenirs sa Shilin Night Market
– Mahigpit ang Taiwan pagdating sa mga hand carry baggage. Nung pauwi na ako going to Manila, kahit nasa boarding gate na kami, yung mga airport personnel isa-isang nilapitan yung may mga dalang maleta para timbangin. Kaya kung nakalusot kayo sa Pinas, baka sa Taiwan hindi na kayo palarin. So better book additional baggage.
*****
Funny Moments:
– Ginamit ko ang 1000 bill sa vending machine. Nawala sa isip ko na hindi nga pala nagsusukli ang vending machine ng papel na pera. Kaya ayun, yung 600+ na sinukli sakin puro coins. Hahaha.. Ang bigat sa bulsa besh.. 😀
– Muntik ko pang maisuksok yung 1000 peso bill ko sa vending machine nila. Yung 1000 bill kase nila ay kakulay din ng 1000 bill natin. LOL
– Nagpunta ako sa isang bakery, akala ko automatic yung pinto (gaya ng ibang establishments nila). Pero kanina pa ako nakatayo dun, hindi pa rin bumubukas. Hanggang sa napansin ako ng isang customer, lumapit at may pinindot sa gitna ng pinto para bumukas. May instruction pala dun na ipe-press lang para bumukas. Di ko lang na-gets kase nakasulat sa Chinese. 😀
– Pumunta ako sa isang noodle house. Ang binigay sakin ay Chinese menu. Magtuturo na lang sana ako kung ano ang gusto ko dun based sa pic. Ang kaso, walang picture yung menu. Hahaha.. Buti na lang meron silang English menu, just ask for it. 🙂
– Kumain ako sa isang malaking shabu-shabu sa Taichung. Gusto ko magkanin, kaso wala silang kutsara. Kaya ayun, no choice kundi gumamit ng chopstick. Mabuti na lang malagkit ang kanin nila dun, kaya madaling dakutin. 😀
– Nag take-out ako ng stinky tofu at dun ko kinain sa kwarto ko. Ayun, kada pasok ko sa kwarto ang stinky.na tuloy. LOL
– Sa Taiwan lang ako nakatikim ng Haagen Dazs ice cream. Nag pull-out na kase sila dito sa Pinas. Dahil ba likas na kurips ang mga Pinoy, or ginto lang talaga ang presyo ng ice cream nila? LOL
– Ang sarap nung peanut ice cream nila. Kaso hindi ko ma-enjoy ng husto kase nangingilo yung ngipin ko, kaliwa’t kanan pa man din. Kasalanan ‘to ng dentista ko eh. Pinastahan lang niya ipin ko ganito na nangyari. 😀
– Turuan ko lang kayo sa ibang pronunciation nila ng mga lugar. Yung Zhulan ang tamang pagbigkas dyan ay Julan. Ang Fengyuan naman ay Fangyen, at ang Taoyuan ay Taoyen. Inabisuhan ko na kayo kase baka magaya kayo sakin. Feng-yu-an ang sinasabi ko eh Fang-yen lang pala ang pag pronounce nun. Haayss..
*****
Lesson to ponder:
Binisita ko ang kaibigan ko na matagal ng nagtatrabaho sa Taiwan. Sabi niya, kapag may bagyo daw na parating sa Taiwan, kahit na signal number 1 lang, ginagawa ng holiday ng gobyerno nila ang araw na yun.
Matatakutin daw yata sa bagyo ang mga taga Taiwan. LOL. So since ginagawang holiday kapag may bagyong parating, lahat ng pumapasok sa trabaho ay babayaran ng overtime pay. At ang madalas daw magtrabaho sa araw ng bagyo, ay walang iba kung ang mga Pinoy. 😀
Nasanay na din daw ang mga employer nila sa ganun, na kapag may bagyo, ino-offer nila yung trabaho sa mga Pilipino. Alam nilang hindi nagpapatinag sa bagyo ang mga Pinoy.
At bakit naman hindi? Eh dito nga sa Pilipinas kahit signal number #4 na at lubog na halos yung buong Metro Manila, pumapasok pa din tayo sa trabaho eh. How much more kung signal #1 lang diba?
Resiliency.
‘Yan ang word na tingin ko swak sa description ng kwento ko. Pinagtibay na tayong mga Pinoy sa mga dinanas nating bagyo kaya kahit gaano pa kasama ang panahon, baliwala na lang sa atin.
Parang sa buhay natin. Yung mga unos na dinaranas natin ang siya ding nagpapatibay sa atin. Kaya nga nandito pa din tayo ngayon eh — nakatayo pa din, lumalaban, hinaharap ang buhay, kase pinagtibay na tayo ng mga bagyong pinagdaanan natin.
Marami pang unos ang darating sa buhay natin. May signal #1, meron din namang hanging habagat lang, o di kaya super typhoon. Pero kahit ano pa man yan, sigurado akong mapapagtagumpayan natin yan.
Tandaan…. Resiliency.
So, ano na nga ba ang tagalog ng resiliency? 🙂
“Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.” – Joshua 1:9
RELATED ARTICLE:
Carpe diem!
God bless everyone..
sample msg from michael. let me know if you received this.