Dear future anak/apo,
Oo, yan nga. Yan ang madalas kong marinig sa mga kaibigan at kakilala ko every time na malalaman nilang ako lang mag-isa madalas sa mga byahe ko.
Okay sige, himay-himayin natin ang mga bagay na yan.
Unang-una, tanong ko lang sa mga nagsasabi ng “boring” daw, na-try mo na bang mag solo backpacking? Nasubukan mo na bang lumayo at mag-byahe ng mag-isa?
* Kung ang sagot mo ay hindi, puwes subukan mo muna. Hindi mo pa nga nasusubukan eh, may conclusion ka na agad. Kumbaga sa pagkain, wag mong sasabihing maalat ang luto kong Adobo kung hindi mo pa naman natitikman. 😀
* Kung Oo naman ang sagot mo, at sa tingin mo eh boring pa din, I guess solo backpacking is not really for you. Kanya-kanya lang kaseng preferences yan. Kumbaga uli sa pagkain, kung gusto ko ng Adobo hindi kita dapat husgahan kung bakit Kare-Kare ang favorite mo, or di kaya Sinigang. Again, to each his own. 🙂
Another thing that I want to point out is that pag sinabing solo backpacker, hindi ibig sabihin nun na sa buong byahe mo eh mag-isa ka lang talaga. Akala siguro nila mula paglabas mo ng bahay hanggang sa pag-uwi mo next week eh mag-isa ka lang talaga.
Although may iba siguro na talagang yun ang gusto, yung mapag-isa muna. Baka may pinagdadaanan, so choice nila yun.
But in my case, solo lang akong babyahe, solo aalis ng bahay papuntang airport, solo sasakay ng eroplano. But along the way, you’ll always meet a lot of people and make new friends as you start your journey.
Minsan nga sa airport pa lang, while waiting sa boarding gate may instant ka-chikahan na agad ako eh. Pag sakay ng eroplano, yung katabi mong solo din, maya-mayang konte hindi mo namamalayan kausap mo na din.
Isa pang issue nila sa pagiging solo eh wala daw taga picture. Hahah.. In some cases, yah, totoo yan. Pero madali lang gawan ng paraan yan. Kaya nga naimbento ang monopod at tripod eh. Bukod dun, pwede ka naman mag-approach ng ibang tao para kuhanan ka.
Eto sample, kuha ko sa Singapore using my monopod..
Eto naman yung kuha sakin nung isang stranger na inapproach ko para kuhaan ako..
Oh diba, mas okay pa yung kuha ko nung solo flight lang ako? Lol.. Na-master ko na kase yata ang pag gamit ng monopod ko. Kasa-kasama ko talaga yan sa lahat ng byahe ko.
Anyway, ayun nga, hindi problema yung picture nyo kase maraming paraan. Nasa tamang diskarte lang yan. 😉
So again, hindi porke solo ka, eh lonely ka na din. Basta friendly ka lang at marunong ka makibagay sa ibang tao, kahit saang lupalop ng mundo ka pa ilagay, hindi ka magiging mag-isa.
What are the advantages of solo backpacking? Here are the lists based on my own experience:
1. You can do and eat whatever you want. Kung tinatamad ako sa araw na yun at gusto kong mahiga lang magdamag sa hotel/hostel, okay lang kase walang magagalit. Kung kelan ko gusto matulog at kelan ko gusto gumising, wala ding problema. Same din sa pagkain, pag may kasama ka, lalu na kung group kayo, may mga pagkain silang gusto na ayaw mo, at may gusto ka naman na hindi nila gusto (gaya ng Adobo na sample ko kanina 😀 ). Dyahe yun diba?
2. You decide your own itinerary. Hawak mo ang oras mo. Kung gusto mong magbabad sa isang lugar lang at mag-ubos ng oras, like for example waiting for the sunset (which I always do), okay lang. Walang ibang taong mangungulit sayo para lumipat na sa ibang lugar at sulitin yung byahe nyo sa buong araw na parang The Amazing Race. Hindi mo na na-enjoy yung lugar dahil sa kakamadali nyo, napagod ka pa.
3. Less expenses. Pasok uli dito yung sa pagkain. Gusto mo sa turo-turo lang kumain, kaso yung mga kasama mo sophisticated yung dila, or medyo ma-arts sa pagkain, yari na budget mo ngayon. Same din sa tutuluyan nyo, trip mo sana sa mga hostel lang mag-stay, kaso yung mga kasama mo gusto sa 5 star hotel, susuka na naman ng pera yung wallet mo. Tsk, tsk.
4. You can meet a lot friends. Dahil nga solo ka, you have no choice but to interact and talk to other people. Pag may kasama kase tayo, especially group of friends, more often than not hindi mo na mapapansin yung ibang mga tao eh. Unlike kung solo ka, mas mapapansin mo yung mga tao na nasa paligid mo. In my case, minsan tatambay lang ako sa may lounge area ng tinutuluyan ko, pag may nakita akong solo traveler din, sigurado may conversation na magaganap dyan. Or di kaya halimbawa kumukuha ako ng video ng sunset, biglang may tumabi din sakin at nag set-up ng camera nya para kumuha din ng video, for sure you will end up talking to each other. Pero kung may kasama siguro ako, I don’t think I’ll be able approach other people kase nga may kasama naman ako. So by being solo napa-practice yung social skills mo.
5. You get to know yourself more. This is the last, but definitely not the least. Nowadays wherein we are bombarded by social media, political news, pollution, work related stress, etc., sometimes we need to have a quiet time. We need to detached to all of these things and examine ourselves. Masyado ng maingay at magulo sa paligid natin. Hindi naman siguro makasasama kung paminsan-minsan eh give yourself a break, diba? 🙂
So ayan. Yan ang mga advantages ng solo backpacking based sa mga karanasan ko. Actually, marami pa akong gustong idagdag dyan, pero binuod ko na lang sa limang (5) yan.
Sa mga susunod kong blog, isi-share ko naman ang iba pang tips para mas enjoyable ang inyong solo backpacking. But for now, iyan na muna.
For the conclusion, maybe solo backpacking is not really meant to all people. Kahit anong gawin natin, may mga tao talagang hindi kayang mapag-isa. Yung iba nga bibili lang sa mall gusto may kasama pa, solo backpacking pa kaya? 😀
Pero kahit ganun, maganda pa rin na kahit once in your life ma-try nyo din mag travel ng solo. Its always good to try something new once in a while. I can assure you that you will learn a LOT. You only need to have the courage and the will to do it.
So what are you waiting for? Go ahead, get that backpack, pack your clothes, and go travel!
Carpe Diem!
God bless everyone..
E pano pag nagpakuha ka ng litrato, tapos blglang tinakbo si GoPro? hehe. Peace.
Walang magnanakaw sa SG. Kung sa ibang lugar naman, mas mabilis naman ako tumakbo sa kanila eh, so okay lang. Hohoh..
I tried it once.. sa iloilo hehe! Masaya din naman. At nakakaproud sa sarili! Pero mas gusto ko yung may kasama 🙂
Yup, achievement mo na rin yun sa sarili na nakaya mong mag-travel solo. And yes, masaya din syempre kung may kasama ka. The more merrier ika nga. I just want to encourage lang din yung iba na wag matakot magbyahe ng solo.. 🙂
yes, happy pa rin ako sobrang gusto ko sya i-try matagal na hehe! mababait naman tao sa Visayas region.. favorite ko dun e. kaso nakakatakot pa din. gusto ko nga nun mag-camp sana sa Bucari naduwag pa din ako 😀 kung lalaki ako siguro madalas din akong solo.
Maybe next siguro magkakalakas ka na ng loob, if ever ita-try mo uli mag solo. Ang dami kong nami-meet na mga babaeng solo backpacker, mas marami pa silang naikot sakin tsaka mas hardcore pa sila. 😀 Kung mami-meet mo sila, mai-inspire ka sa mga kwento nila. I’ll try to include some of them sa mga future blogs ko.. 🙂
Hello! You have a nice blog. Very informative. Like you, solo backpacking din ang trip ko… 🙂
Thanks Jon for appreciating my blog. Enjoy natin pagiging solo backpacker.. 🙂