Singapore: One Of The Most Expensive City In The World

Dear future anak/apo,

 

“Singapore remains the world’s most expensive city to live in” according yan sa report ng CBS News. Good thing may ganitong balita para at least aware ang mga pupunta dito sa posibleng gagastusin nila. Bad thing, nabasa ko ito after ng vacation ko sa Singapore. 😀

Before ng flight ko, medyo kampante ako sa mga gagastusin ko sa Singapore kase sobrang mura lang ng ginastos ko sa last na travel ko abroad, which is in Kota Kinabalu. Alam kong mas mahal ng konte sa SG compare sa KK, pero not the one that I’m expecting, pati na din ng Seiko wallet ko (ang wallet na maswerte).

So eto pagdating ko na ng Changi airport, una kong hinanap ay bilihan agad ng sim card. Ang pinakamura na nakita kong sim card ay halagang $15.

Nag-compute agad ako sa utak ko.. teka, $15 x 35php…… aba, 525 pesos na yun ah? Eh yung inaalok sa aking simcard sa may footbridge ng Bicutan 30 pesos lang eh. Imagine, more than 15 sim cards na sana nabili ko nun sa Pinas.

So sige, go lang. Tuwing pupunta talaga kase ako sa ibang bansa, ayoko umasa sa free wifi lang ng airport at ng hotel. Gusto ko may sarili akong sim, para kahit saan ako mapapad at kahit maligaw ako, hindi ako kakaba-kaba kase pwede akong makatawag at pwede din ako maka-access sa internet. Isa pati ang simcards sa mga ginagawa kong souvenirs, so sige keri lang.

Next na binili ko is yung Ezlink card nila. Eto yung gagamitin para sa public transportation like train, bus, etc.. Ang presyo is $20 or 600php. Kasama na daw dun yung activation at yung fee para sa card. So sige, go lang uli.

Eh medyo ginugutom ako, so bili muna kako ako ng tinapay. May nakita akong coffee shop at tumingin ako sa may display nila.

Cranberry Chocolate Baguette. Uhhmm! Mukhang masarap, tsaka pang sosyalin ang pangalan. Makabili nga. Pagtingin ko sa price, 3.80sgd or 133 pesos.

What?! 133 pesos na yung ganun kalaki? Samantalang 10 pesos lang ito sa may bakery samin eh, may libre pang langaw. Eh kaso gutom na ako, so sige go lang uli.

Kada nguya at lunok, ninanamnam ko talaga eh. Savor every moment of it, ika nga. Good thing may drinking fountain sa Changi, kaya nakatipid ako sa tubig. Kung alam ko lang, dapat pala 5 liters ang dinala kong lagayan ng mineral water instead na 500ml lang.

After kumain, pumunta na ako sa may taxi lane. Yung mga taxi nila sa unang tingin mo pa lang alam mong mahal na eh. Kaya habang papalapit na ako sa pila, lumalakas din ang paglunok ko.

Pag sakay sa taxi, alternate lang ang tingin ko. Yung view sa labas at yung view ng metro. Alam kong walang daya yung metro ni Manong, kaya mas nakaka-kaba eh. Alam mo kaseng legit yung presyo na lumalabas, so filing a complaint sa LTFRB is not an option.

Nagpahatid ako sa Chinatown kase nandun yung hostel ko. Pagdating doon, ang metro inabot ng 31.17sgd. Akala ko ira-round off ni Manong to 31sgd na lang, pero ginawa niyang 31.20sgd or 1,092 sa peso. Nakaka 1,000+ na agad ako hindi pa nagsisimula ang araw ko.

Pagdating sa desk ng hostel, ask ko kung magkano ang single pod nila. Nasa almost 1500 yata yun, pero may promo daw sila kaya around 1300php+ na lang yata isang gabi.

Take note, shared room yan ah? Meaning, may mga kasama ka sa room. Sa Kota Kinabalu may makukuha ka ng 250 to 300php kapag shared room. Pero dahil ayoko naman matulog sa kangkungan, sige go na lang uli.

Oh, yung mga nagbabasa ngayon nito na first time pupunta ng Singapore, gusto nyo po ba ituloy ang pagbabasa? Hahaha..

 

*****

Okay, tama na muna tayo sa mga gastusin. Share ko naman ngayon ang mga pwede nyong puntahan sa Singapore.

 

Merlion – ang pagbisita mo sa Singapore ay hindi kumpleto kung wala kang picture dito. Take note, madaming tao dito kapag hapon at kapag weekends, so avoid mo yun as much as possible. Punta ka ng umaga, tapos weekdays para mas konte ang tao. 

Esplanade – malapit na lang ito sa Merlion kung titingnan, pero mahaba-habang lakaran pa yan. Alanganin kase sumakay, kaya lakad talaga ang peg mo dito.

Singapore Flyer – kita mo buong SG kapag sumakay ka dyan. Kaya sabi nila much better kung bandang umaga ka sasakay kase sa gabi puro ilaw na lang makikita mo.

Universal Studio Singapore (USS) – nandito yung may globo na umiikot tapos may fog effect. Hindi rin kumpleto ang Singapore escapade mo kapag wala kang picture dito. Ang entrance dito ay nasa 2,000+ yata, pero pwede ka namang mag picture-picture sa labas. Pang IG din yan, bes!

Marina Bay Sands – ito yung hotel na may infinity pool sa taas. Nag-checked ako kung how much ang 1 night stay dito, naku parang infinity din ang presyo.

Changi airport
…at the number one airport in the world – Changi Airport

 

Changi airport
Sapap magpamasahe dito. Need nyo ito after ng walang humpay na lakaran sa Singapore

 

Universal Studio Singapore
Solo ko yung Universal Studio kase umaambon. Takot sila dumami. Lol..

 

Merlion
Expectation vs. Reality

 

Merlion
Bakit pa makikipag siksikan sa malaking Merlion, kung meron naman dito na solong-solo mo.

 

Oneks
Meet my travel buddy, Oneks! 🙂

 

Mass Rapid Transit MRT
Rush hour sa MRT ng Singapore – pwede ka pang humiga.

 

Wink Hostel
My room at Wink Hostel

 

Wink Hostel
Lena of Wink Hostel

 

Marina Bay Sands
Night shot at Marina Bay Sands (shot using GoPro Hero4)

 

Helix Bridge
Night shot at Helix Bridge (shot using GoPro Hero4)

 

*****

 

Expenses

  • DAY 1:
  • Ezlink (7sgd inside, 5sgd for the card, 8sgd for activation) = 20sgd
  • M1 Prepaid Simcard = 15sgd
  • Taxi from Changi to Chinatown = 31.20sgd
  • Breakfast = free
  • Lunch = Hainanese Chicken Rice = 4sgd
  • Coyoro (cool yogurt roll) + 7sgd water = 1.20sgd
  • Luge & Skyline, via Klook (discounted) = 11.5sgd
  • Dinner in Gluttons = (FREE! Thanks to my friend Mark!)
  • Starbucks = (FREE again! Lol..)
  • Subtotal: 89.9sgd or 3,146.50php

 

  • DAY 2
  • Breakfast = Free
  • Lunch (Laksa) = 5sgd
  • Reload Ezlink = 10sgd
  • Dinner at Marche = (Free again. Thanks Divine!)
  • Uber from Chinatown to Changi = 31.60sgd
  • Subtotal: 46.6sgd or 1,631php

 

Subtotal: 4,777.50 + (3200 airfare + 2600 lodging)

TOTAL: 10,577.50 in 2 days

* 1 SGD = 35 PHP

(Excluding travel tax na 1620 at pasalubong na 1000. Baka yung ganyang budget 10 days na mararating niyan sa Kota Kinabalu)

 

*****

 

Lessons to ponder: Kahit pa mahal ang mga bilihin at ibang gastusin sa Singapore, huwag ito ang tingnan niyo sapagkat napakagandang bansa ang Singapore. Maliit lang siya, pero maunlad. Dahil ito sa magandang pamumuno at pagpapatupad nila ng batas.

Dapat din natin gayahin ang pagiging disiplinado ng mga tao sa Singapore. Walang basta-basta nagtatapon ng basura kung saan-saan, nasa ayos ang pwesto kapag nasa escalator (stand on the left, walk on the right), walang nagyo-yosi sa mga ipinagbabawal na lugar, etc.. Kung ganun din sana tayo kadisiplina, sigurado maunlad din ang Pilipinas. Huwag natin sisihin ang mga lider ng bansa natin, kase ang tunay na pagbabago nagsisimula sa sarili.

Ika nga ni Mahatma Gandhi, “Be the change that you wish to see in the world.”

Carpe Diem! God bless everyone..

 

 Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 27

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: