Siargao: Movie Review Bilang Manonood At Bilang Siargaonon

Siargao The Movie

 

*** Spoiler Free ***

Ang Siargao ay kabilang sa mga pelikulang kalahok sa MMFF 2017. Nung nakita ko yung line-up ng mga movies para sa MMFF, sabi ko sa sarili ko na dapat kong panoorin ang Siargao.

Gusto kong panoorin ang Siargao because of three (3) things:

– Una, Siargao ang province namin. Taga diyan ang Lola ko at diyan din lumaki ang Nanay ko. Kaya malapit ang lugar na yan sa puso ko.

– Ikalawa, mako-consider natin siya bilang isang Indie Film, kase hindi siya kagaya ng mga malalaking productions like Star Cinema, Viva, Regal Films, etc.. At isa akong believer and supporter ng mga Indie Films.

– At ikatlo, which is hindi naman talaga big deal, pero isa na rin sa mga dahilan eh bilang pagsuporta na din kay Wil Dasovich. Kasama kase siya sa cast, though halos extra lang naman siya dun, pero isa kase siya sa mga favorite vlogger ko. So kahit na maliit lang ang role niya dun, isa pa ding way ng pagsuporta kay Wil ay ang pagnood din ng movie na ito.

Sa mga hindi nakakakilala kay Wil, isa siyang travel vlogger. May mga commercials and TV guesting na din siya in the past. Mas nakilala pa siya nung naging PBB Housemate siya. Nung nakaraan lang ay na-diagnosed siya ng Colon Cancer. Pero dino-document pa din niya ito through vlogging. Sobrang nakaka good vibes ang energy niya at positivity niya sa buhay na nagagawa pa din niyang mag-upload ng mga videos sa Youtube kahit na may pinagdadaanan siyang pagsubok sa buhay. So sa mga hindi nakakapanood ng videos niya, check nyo po siya sa Youtube.

So ayun, balik muna tayo uli sa topic. Nung last week of December pumunta ako sa mall na malapit sa amin, which is yung SM Bicutan. Apat (4) lang ang sinehan sa SM Bicutan kase maliit lang na mall yun. Tiningnan ko yung line-up pero wala dun ang Siargao. Ang mga nandoon lang ay of course yung madalas natin makita taon-taon, yung mga pelikula nila Vice Ganda, Coco Martin, etc..

Pero after nung MMFF Awards Night, in which Siargao won 7 awards (Second Best Picture, Best Sound, Best Original Theme Song, Best Editing, Best Cinematography, Best Supporting Actress & Best Director), biglang nagbago-ihip ng hangin. Pinansin na sila ngayon ng mga sinehan, pati na din yung “Ang Larawan” na nanalo ng Best Picture.

Kaya nung pagpunta ko uli ng SM Bicutan nung isang araw, nagulat ako meron nang Siargao. Since wala naman akong pasok kaya pinanood ko na.

Ang review ko ay hahatiin ko din sa tatlo (3):

– Una, in terms of cinematic wala akong masabi. Ang gaganda ng mga kuha – merong aerial shots, underwater shots, at yung land shots. No wonder na nanalo sila ng Best Cinematography.

– Ikalawa, yung story.. Mostly umiikot ang istorya sa love story between Jericho, Erich and Jasmine. Isang nagbalik sa kinagisnang lugar, isang nagpakalayo-layo muna, at isang nagparaya para sa minamahal. Ang hatol ko sa istorya ng pelikula ay, hhmm, parang sakto. Hindi siya yung mala Kita-Kita na movie na may matinding catch or mapapa-isip ka after mo manood. Sakto lang kumbaga.

– At ikatlo, yung isa sa pinaka nagustuhan ko talaga ay yung naipakita at nai-showcase nila yung ganda ng Siargao. Sa dulo nga ng movie na ito meron din silang short clip kung saan pino-promote nila ang isla ng Siargao. Kaya wag muna kayo agad lalabas ng sinehan, may nakaabang pang short clip sa dulo.

 

*****

Gusto ko palang ibahagi itong pananaw ko – nung nabalitaan kong magkakaroon ng pelikulang Siargao, sabi ko sigurado maraming magiging curious kung ano ang meron sa Siargao. At ang ibig sabihin nun ay more tourist and visitors. Maganda yun, lalo na sa turismo ng isla.

Maganda na mas makilala pa ng mga tao ang Siargao. Kase noong bata pa ako tuwing tinatanong ako kung saan ang province ko, kapag sinabi kong Siargao ang tanong agad nila sa akin ay “Saan yun?” Sasagutin ko naman ng, “Ah, part yun ng Surigao del Norte.” Tapos ang tanong uli nila, “Saan yung Surigao? Sa Visayas ba yan? Sa Mindanao?”

Wala pa masyado nakakakilala sa Siargao. Pero ngayon kapag binanbanggit ko na ang province ko eh Siargao, ang sagot na nila ngayon, “Wow, ang swerte mo naman at doon ang probinsya mo.” Or di kaya, “Buti ka pa nakarating ka na doon. Ako kase hanggang ngayon hindi ko pa din yun napupuntahan.” So maganda na nagiging kilala na ang Siargao ngayon.

At the same time parang nalulungkot din ako, kase kapag ang isang lugar ay naging sobrang commercialize na, usually dumudumi na ito at nagiging crowded – nawawala na yung pagiging peaceful at pagka pristine ng lugar.

Noong maliit pa ako lagi kaming nagpupunta ng Siargao tuwing bakasyon o summer. Mga early to mid 90’s lagi kaming nabisita doon. Nung mga panahon na yun wala pang signal ang TV. Radyo lang ang gamit nila noon. Hindi sila abot ng signal dahil sa mga puno at malayo na din kase sila sa kabihasnan.

Nung mga late 90’s to early 2000 nagsimula nang mauso ang cellphone. Pero that time wala pang signal ang cellphone dun. Sobrang late ang progress ng probinsya.

Hanggang sa unti-unti nang nakikilala yung isla, at ayun tinagurian na ngang “Surfing Capital Of The Philippines.” Lalung dumami yung mga banyaga na nagpupunta dun esp. yung mga mahilig mag-surf.

Kaso ang nangyari, yung mga banyaga na nagpunta sa Siargao at nagandahan ng husto sa isla, ayun, bumili ng mga lote at ginawang private resort. Either nakipag partner sila sa kapwa Pinoy para makapag negosyo sa isla, or di kaya nag-asawa ng Pinay.

Kaya ayun ang nakakalungkot, yung mga dating libre lang ngayon may bayad na. Noon daw kahit saang parte ng dalampasigan ng Siargao ka magpunta, basta gusto mong maligo, pwede kahit kailan mo gusto. Ngayon hindi na, kase private property/resort na yung iba.

So mixed emotions ako sa pelikulang ito. Maganda siya kase mapo-promote pa lalu yung isla, which means more income para sa probinsya ng Siargao. At the same time nalulungkot, kase yun nga, ganun na yung nangyayari, yung isla nagiging commercialized na.

I hope lang na hindi maging crowded ang Siargao gaya nang nangyari sa Boracay. And I hope din na hindi mga foreigner ang mag-benefit sa ganda ng isla, kundi ang mga lokal pa din ang talagang makinabang.

And that’s all for my movie review. Sa mga hindi pa nakakapanood ng Siargao, showing pa din po siya sa mga sinehan. Suportahan natin lagi ang pelikulang Pilipino.

 

P.S. Kung mapapansin nyo medyo hindi travel related ang blog ko ngayon – although travel destination pa din naman ang Siargao, pero this is not the typical blog na madalas kong ginagawa. It is because for this year 2018, I will try to broaden and widen up my horizon. Hindi na natin isasara lang sa isang niche ang pagsusulat natin. I think its now time to get out of the box. 🙂

Carpe diem! God bless everyone..

 

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 6

  • Waaahh! WIL DASOVICH! I’m a big fan as well. 😁 But as much as I’d like to watch it just so I can support him and this movie, I’d have to prioritize some more important things. 😕 Anyway, I like how you reviewed it without giving any spoiler. Napakaneutral lang. And as for Siargao being commercialized, I feel sad about it. I just hope people are being responsible so this kind of treasure would last.

    • Wow, WilDaso fan ka din pala. 🙂 Don’t worry, just continue watching Wil’s blog na lang as your way of supporting him. And don’t skip the advertisement, okay? Hehehe.. Yah, let’s just hope for the best. Sana mas marami pa ding mga responsible tourist ang magpunta sa isla, and not just in Siargao but in other parts of the Philippines as well.

  • Yes, kahit minsan nakakainip mag-antay. 😁 Napaka-contagious ng positivity nya.
    Yah. Responsible travelling should be practiced.

  • Hmmmm, kasama itong pelikulang ito sa pinagpipilian naming panoorin (Larawan and Deadma Walking) kaso dahil kasama sila erpats at ermats na ayaw sa love story, nauwi kami sa panood ng Deadma Walking (ewan ko ba kung dapat kong gawan ng review dahil di ako marunong gumawa ng movie review LOL)

    Sa sinabi mong mga foreigners ang nakadiskubre at nakabili ng lote, nakakalungkot talaga. Una, dapat di tayo nagbebenta ng lote sa mga hindi Pilipino. Kung gusto nila mag operate ng hotel doon, dapat katulad sa Maldives na pinaparentahan ang isla sa hotel operator na may kontratang 20 years, at ang renewal ay depende sa kasunduan. Meaning, kumikita yung resort, kumikita din mga local at the same time, hindi na laland grab ng mga banyaga yung lupain nating mga Pinoy.

    Ang masakit lang din, madalas mas nauuna pa yung mga banyaga na madiskubre ang ating mga isla, nadedevelop lang pag mga banyaga ang nakapansin.

    Anyways, masaya ako sa movie na ito kahit hindi ko napanood dahil alam ko namang isa sa layunin nya ay ipromote yung destinasyon.

    • Ah ganun ba ang style sa Maldives? Mas okay nga yun na ipa-rent na lang para mag-benefit din yung mga kababayan natin. Hindi rin kase natin masisi yung ibang mga Pilipino na ibenta yung ibang lote nila kase gawa din ng pangangailangan. Nakakapanghinayang isipin, pero yun nga, I’m still hoping na in the end mapanatili pa din yung kagandahan ng isla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: