Happy birthday to me!!! 🙂
At bilang gift ko sa sarili ko, I decided to celebrate it sa Puerto Galera.
Bakit nga ba sa Puerto Galera?
Unang-una, gusto kong lugar ay sa beach kase nare-relax ako kapag nasa tabing-dagat ako at naririnig ko ang tunog ng mga alon.
At pangalawa, malapit lang ang Puerto Galera sa Maynila. Hindi na kelangan pa mag-eroplano or magbyahe ng pagkatagal-tagal by land. One (1) hour mahigit lang sa bus at more than one (1) hour lang by boat ay mararating mo na ang Puerto Galera.
Last year, I celebrated my birthday sa may San Narciso, Zambales. Beach pa din syempre. Pero mga 5 hours ang byahe by bus, so medyo tagtag na pagdating dun.
At ayaw na ayaw ko pati ng mahabang byahe by land, kase bukod sa kalaban ko ang inip, minsan inaatake din ako ng travel or motion sickness. Kaya yung isang oras mahigit na byahe papuntang Batangas port eh medyo keri na ng powers ko.
HOW TO GET THERE:
Bus terminals to Batangas Port:
- Araneta Center, Cubao
- Buendia Bus Terminal
- Alabang, Muntinlupa Bus Teminal
Ferry from Batangas Port to Puerto Galera
- Punta kayo ng Terminal 3 kung saan nandun ang ticket booth.
- Pili kayo kung anong shipping lines ang gusto nyong sakyan (Father & Son, Minolo, Challenge, etc..).
- Mas makakamura kayo kung roundtrip na ang bibilhin nyong ticket.
- May apat (4) na daungan ang Puerto Galera; (1) Sabang, (2) Muelle, (3) Balatero, (4) White Beach.
- Kung may hotel reservation na kayo, ask nyo sila kung saan sa 4 na yan kayo bababa.
- Just in case magkamali kayo ng pagbaba ng pier, okay lang kase magkakalapit lang naman sila. Pwede kayong mag-hire na lang ng tricycle para ihatid kayo sa tutuluyan nyo.
- Ang first trip ng mga ferries ay 7:30 AM, at ang last trip naman ay 4:30 PM.
- And lastly, pagdating nyo ng Puerto Galera, huwag kalimutan magpalista or magpa-confirm ng return ticket nyo just in case round trip na ang kinuha nyo.
MY EXPENSES (1 DAY)
Alps Bus (Roundtrip, Alabang – Batangas Port) – 274
Father & Son (Roundtrip) – 500
Terminal Fee (RT) – 30 & 10
Environmental Fee – 50
Foods – 650
Hotel – 1,250
TOTAL: 2,764
Pwede pang mas ma-lessen yan kung kukuha kayo ng mas murang hotel. Medyo bigatin na kinuha ko tutal birthday ko naman eh. Heheh..
Speaking of hotel, nag-stay pala ako sa Dreamwave Hotel. P1,800 talaga ang price nila kapag walk-in (off-peak season). Pero dahil nagpa-reserved na ako ahead before my arrival, kaya nakuha ko na lang ng P1,250. Eto yung picture ng room..
*****
Lessons to ponder:
Dumating ako ng Puerto Galera ng mga bandang hapon na kase medyo tanghali na ako umalis ng bahay. Isa sa mga inaabangan ko talaga tuwing nagta-travel ako ay ang sunset. Gusto ko itong makuhanan ng timelapse at picture.
Unfortunately, maulan nung dumating ako sa Puerto Galera. Since ang alis ko kinabukasan ay 3:30 PM, so malamang hindi ko na maabutan ang sunset sa isla. Pero hindi ko na masyado pa inisip yun kase nagpunta naman talaga ako dun para mag-relax. At ayoko din mag-isip ng mga negatibong bagay sa mismong kaarawan ko. Dapat good vibes lang. 🙂
Kinabukasan, gumanda ang panahon. Nakaligo ako sa dagat at nakapag ikot-ikot kahit papaano. Nagawa ko ring umupo sa buhanginan para tingnan ang dagat at kalangitan. Tunay ngang kay gandang likha ng Diyos, kasing ganda ng regalo Niya sa akin – ang panibagong taon sa buhay ko.
Dumating ang 3:30 ng hapon, kailangan ko nang sumakay ng bangka pabalik ng Batangas port. Habang nakaupo ako sa gilid ng bangka at nakatanaw lang sa dagat, maya-maya may biglang tumalon mula sa ilalim ng dagat. Mga dolphins!
Grabe, first time ko makakita ng mga dolphins sa open sea, at sa ganun kalapit, halos mga apat (4) na dipa na lang muna sa kinauupuan ko. At hindi lang isang beses, siguro mga tatlong beses silang umangat sa surface ng dagat.
Dahil dun nawala tuloy yung antok ko eh. LOL.. Sayang lang hindi ko nakuhanan ng video. Sobrang bilis lang din kase ng mga pangyayari. Kay ganda namang regalo kako sakin yun ni God. 🙂
After ko makakita ng mga dolphins, hindi pa natapos dun. Sumunod ko namang nakita ay ang magandang sunset. Hindi ko siya naabutan sa isla nung dumating ako, pero at least sa boat inabutan ko sya bago ako umuwi.
At ito lang ang masasabi ko, so far yun na yata ang isa sa pinaka-magandang sunset na nakita ko sa talambuhay ko! Yung color niya, yung formation ng mga clouds sa paligid, basta lahat maganda.
Nakuhanan ko siya ng picture at video, pero iba talaga yung nakita ng mga mata ko. Hindi kayang bigyan ng hustisya ng camera yung ganda ng sunset na nasaksihan ko. So I’m very thankful talaga na nakita ko yun sa mismong araw ng kaarawan ko.
Minsan may mga plano tayong hindi natutupad, pero hindi natin alam na meron pa lang mas magandang plano ang Diyos na ilalaan para sa atin. Kaya magtiwala lang tayo sa Kanya, in His own time.
Carpe diem! God bless everyone..
RELATED ARTICLE:
Travel Video | Puerto Galera in One Minute
san hosted ito pre?
Masaion (formerly CoffeeMags) ang host ko pre . Ni-recommend lang din sakin ni Joseph (Doc. Eamer). Local web host lang ito, pero okay na din bilang nagsisimula pa lang sa larangan ng dot com. Kung interested ka, pwede kita i-refer sa owner ng Masaion/CoffeeMags.
ang galing!
Thanks Lala! 🙂
I always spent my half an hour to read this website’s content every day along with a cup of coffee.
I have been surfing online more than 3 hours today, yet I never found any interesting article like yours. It’s pretty worth enough for me. Personally, if all website owners and bloggers made good content as you did, the web will be much more useful than ever before.
Thanks for the compliment, Karim..
I see something really interesting about your website so I saved to fav.
Wow! This can be one particular of the most useful blogs We have ever arrive across on this subject. Actually Wonderful. I am also a specialist in this topic so I can understand your hard work.
I have been surfing online more than three hours nowadays, yet I never discovered any interesting article like yours. It is pretty value sufficient for me. In my opinion, if all web owners and bloggers made just right content material as you did, the web will likely be a lot more useful than ever before.
I’m really impressed along with your writing talents and also with the structure on your blog.
Is that this a paid theme or did you modify it
yourself? Either way keep up the excellent high quality
writing, it’s uncommon to see a nice weblog like this one nowadays..
Hello, I desire to subscribe for this blog to obtain most up-to-date updates,
thus where can i do it please help out.
I truly appreciate this post. I have been looking all over for this! Thank goodness I found it on Bing. You’ve made my day! Thank you again!