Pagadian, Zamboanga Del Sur: “Delikeyts Dyan Pre”

Pulacan Falls

“Delikado diyan ah?”

“Ingat ka sa Abu Sayaff.”

“Ang dami namang lugar, bakit dyan pa?”

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong narinig yang mga statement na yan sa mga friends at officemates ko. I’m actually sick and tired hearing negative comments lalu na kapag lugar sa Mindanao ang binabanggit (ayan, napa-English tuloy ako).

Ang aking butihing Ina ay taga Mindanao, sa Siargao in particular. At noong maliit pa ako, tuwing mababanggit kong taga Mindanao ang Nanay ko o ang probinsya ko, kadikit na nun ang mga salitang “delikado”, “muslim”, atbp.. Bilang isang Mindanaoan, nakakalungkot, at the same time nakakainis makarinig ng ganyang mga komento.

Hindi ko naman sila masisisi kase ‘yun naman talaga lagi ang fini-feed sa atin ng media. Ano pa nga bang madalas laman ng balita sa mga telebisyon? Karahasan, politika, krimen, polusyon, korapsyon, pagtaas ng mga bilihin, tsismis, at marami pang iba. Bilang na bilang lang sa daliri ang good news na mapapanood mo.

Kaya nung nagkaroon ng sale ang Cebu Pacific, nag-decide akong magbook ng isa pang lugar sa Mindanao na hindi ko pa napupuntahan, at ito ay ang Zamboanga. Ang Zamboanga Peninsula ay binubuo ng tatlong probinsya. Ang mga ito ay ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

At ang napili kong puntahan ay ang Pagadian, ang lungsod ng Zamboanga del Sur. Nakarating na ako sa Butuan, Surigao, Cagayan de Oro, Davao, Bukidnon at Iligan. Sa pagkakataong ito, gusto ko namang marating ang timog kanlurang bahagi ng Mindanao.

Karamihan sa mga pasyalan sa Zamboanga Peninsula ay ang mga nag gagandahan nitong talon. Hashtag #chasingwaterfalls ang peg ko nito. Ang unang plano ko sana ay mag-ikot ng isang araw sa Zamboanga del Sur, isa sa del Norte at isa sa Sibugay. Pero gawa ng galing pa akong Benguet bago ang byahe na ito, mas pinili na lang ng katawang lupa ko na mag-concentrate sa Pagadian.

Siguro kung bago-bago pa akong traveler, baka pinatulan ko na ang ganung ideya. Pero sa pagtagal ng panahon, nag-mature na din ako sa pagbyahe. Natutunan ko na ang magdahan-dahan or to take it slow ika nga. Mas mae-enjoy mo ang mga bagay-bagay kapag hindi mo ito minamadali. Parang pagkain lang, diba mas nae-enjoy mo siya kapag ninanamnam mo kesa sa minamadali? 😀

Kaya sa blog na ito, hayaan niyong ipakita ko sa inyo ang ilan sa mga napuntahan ko sa Pagadian.

Pagadian Tricycle

Pagadian Tricycle
Ang mga daanan sa Pagadian ay matatarik, kaya ang mga trike nila ay nakaangat ng 25 to 40 degrees angle. Ito ay para daw hindi mahirapan ang tricycle kapag paahon ang kalsada, at para hindi rin susubsob ang pasahero kapag pababa naman ang kalsada.

 

 

Pagadian Tricycle

Pagadian Tricycle
Napansin ko din na walang stoplight sa mga intersection sa syudad ng Pagadian. Kaya labo-labo ang direksyon ng mga sasakyan sa bawat crossing. Pero in fairness, wala akong na-encounter na banggaan sa tatlong araw na inilagi ko. Bigayan lang talaga ang solusyon. Kahit pa may stoplight yan, kung ayaw din magbigayan ng mga motorista, wala rin.

 

Pagadian Barbeque
Sa Pagadian lang ako nakakita ng barbeque sa halagang dalawang piso. Yup, 2 pesos. Actually, alam ko meron pa ngang piso noon. Baka nagtaas na siguro sila ngayon – perhaps because of TRAIN Law at inflation? Ah ewan, basta masarap yung barbeque na nakain ko. Heheh.. Yung nasa kaliwang bahagi nga pala yung tag 2 pesos na bbq.

 

Pagadian Barbeque
Eto yung kinainan ko ng barbeque na tig 2 petot. Ayun oh, may “2” sa dulo ng signage nila. Isang pirasong taba at isang pirasong laman. Not bad for 2 pesos. 🙂

 

Unity Park Pagadian
UNITY PARK.. Mabuti pa sa parke may unity. Tayong mga Pinoy, meron din kaya?

 

Plaza Luz, Pagadian
Payong kayo dyan.. Mura na, nauutang pa..

 

Plaza Luz, Pagadian
Aba, may photobomber ah..

 

Alta Mall F. Jasimola
Mga iba’t ibang malong na galing pa sa Malaysia, Thailand at Indonesia..

 

Alta Mall F. Jasimola
Eto naman ang iba’t ibang disenyo ng kanilang shoal. May mga daster din sila, sino may gusto? 😀

 

Alta Mall F. Jasimola
Ang mga paninda din nilang tsokolate ay galing din sa Malaysia.

 

 

Pulacan Falls
PULACAN FALLS.. Alam mo na ah, siguraduhing may sasalo sayo.. 😀

 

Ditoray Falls Pagadian
DITORAY FALLS.. “Okay na yung mahulog ka sa mabahong kanal, kesa naman sa taong hindi ka mahal.” Leche! Bakit ba ko humuhugot dito? Hahaha…

 

Ditoray Falls Pagadian
Eto si Kuya Johnny Mong, yung trike driver na naghatid sa akin falls na ito. Sa sobrang bait nito, siya na rin ang nagsilbing guide ko para makarating dito.

 

Tricycle Pagadian
Eto yung tricycle ni Kuya Johnny. No problem kahit matarik ang kalsada. Thanks to this inclined trike.. 🙂

 

 

Pagadian Airport
First time ko makita ng airport na yung runway eh nasa gitna ng isang malawak na bukirin. Yung linyang nakikita niyo sa pic, iyan ang runway ng Pagadian airport. As in parang nasa gitna siya ng bukid, at walang kahit anong harang sa gilid ah? Meaning, kahit sino pwede makapasok. Mabuti na lang at mababait naman ang mga tao dun at walang nagte-trespassing. Tapos yung kubo ng mga caretaker makikita mo na sa gilid. Halos limang dipa lang mula sa runway eh. Kakaiba talaga, at the same time nakakatuwa siyang pagmasdan.

 

*****

 

Isa sa mga paborito kong talk na napanood patungkol sa travel ay kay Tomislav Perko, isang travel writer from Croatia. Nilibot niya ang mundo gamit lamang ang kakarampot na pera sa bulsa niya. Gumamit siya ng ibang mga paraan gaya ng hitchhiking, volunteering, couchsurfing, working, etc..

Isa daw sa mga aral na natutunan niya sa pagta-travel ay ito, “I learned to tear down my prejudices. I learned not to trust media and all their horror stories.”

Habang nakiki-hitchhike daw siya sa Croatia papunta sa border ng Serbia, winarningan siya ng truck driver na sinasakyan niya na mag-ingat sa Serbia. Delikado daw doon, at masama daw ang ugali ng mga Serbians.

So nagpasalamat siya sa driver, at nang makarating ng border ay tumawid na ng Serbia. Nung nasa Serbia na siya, ang mga tao daw na nakasalamuha niya ay mababait, pinatuloy siya sa kanilang tirahan, pinakain, ipinasyal, atbp.. Sa madaling salita, nag-enjoy siya.

Nung naki-hitchhike siyang muli papunta naman sa border ng Bulgaria, binalaan din daw siya ng driver na sinasakyan niya na mag-ingat doon. Delikado daw sa Bulgaria, at hindi daw mapapagkatiwalaan ang mga Bulgarians.

So ganun uli, pagkatapos siyang maihatid sa border ay nagpasalamat siya sa driver at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. At gaya ng nangyari sa kanya sa Serbia, ang mga tao daw na nakasalamuha niya ay mababait, matulungin, atbp..

Ganun lang daw lagi ang nangyayari. Ang mga Croatians binalaan siya about Serbians, ang mga Serbians binalaan naman siya about Bulgarians, and then Bulgarians to Turkish people, Turkish to Iranians, Iranians to Pakistan, Pakistan to Indian people, and the list goes on.

Eye opening ito sa akin. Tama siya, minsan kailangan nating huwag magtiwala sa kung ano ang ipinapakita ng media sa atin. Mas ine-emphasize naman kase talaga ng media ang mga negatibong balita para pumatok at pag-usapan ito. At ganun din sa mga sinasabi ng ibang tao, huwag din basta maniwala lalu na’t sila mismo eh hindi naman napatunayan yung mga sinasabi nila or wala namang first hand experience.

Lahat naman yata ng bansa sa mundo ay mayroon talagang negatibong pwedeng ibalita. Lahat may kanya-kanyang flaws. Pero kung negatibo lang lagi ang pinagtutuunan mo ng pansin, paano mo nga naman makikita yung kabilang side? Yung good side? Minsan kase mas napapansin pa natin yung maliit na tuldok sa isang malinis na papel.

Of course, safety pa din ang number one priority natin. Pero huwag din nating hayaang malimitahan tayo nang dahil lang sa mga nadidinig at nakikita nating negatibo sa media o sa ibang tao.

 

 

Truth is whatever people will believe.” – Roger Ailes

 

Carpe diem!

God bless everyone..

 

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: