Dear future anak/apo,
My last post was about my first travel abroad (Unang Byahe Abroad – Kota Kinabalu). And when we say traveling abroad, it means you have to deal with tight scrutiny from our very own immigration officers.
To those who don’t have experience yet of traveling abroad, when your flight is outside the country, you need to go through Immigration and have your passport stamp by IO, or Immigration Officer.
Pero bago tatakan ng IO ang iyong passport at payagan kang makalabas ng bansa, dadaan ka muna sa masusing imbistigasyon at maraming tanong. Ang Philippine Immigration na yata ang isa sa mga pinakamahigpit na immigration sa Asya, or baka pati sa buong mundo. Yan eh as per sa mga ibang traveler din na nakasalamuha ko. So make sure you have all the supporting documents para in case hanapan ka, meron kang ipapakita.
The documents I brought are the following:
- Passport
- Round trip ticket
- Hotel Voucher (place na tutuluyan mo)
- Certificate of Employment (COE)
- Bank Certificate (not necessarily a requirement, pero naniguro lang ako)
- Company ID
- Printed Itenerary
So nung turn ko na para humarap sa IO, eto ang aming naging pag-uusap:
IO: First time mo mag travel?
Me: Yes
IO: Ilang days ka sa KK?
Me: 4 days
IO: Patingin nga ng ticket
Me: (iniabot yung printed ticket from AirAsia)
IO: Kelan mo ito binooked?
Me: Last year pa po
IO: May tutuluyan ka na dun?
Me: Yes
IO: Saan? Anong name ng hotel?
Me: Sa [name of hostel] po
IO: Patingin nga ng booking confirmation
Me: (iniabot yung printed confirmation)
IO: San ka nagwo-work?
Me: (binanggit yung name ng company)
IO: Gaano ka na katagal dun?
Me: 12 years
IO: May ID kang dala?
Me: Yes (sabay abot ng ID ko na may kasama pang ID lace.. )
IO: Anong gagawin mo sa KK?
Me: Magta-travel lang
IO: Anong mga pupuntahan mo dun? May itinerary ka na?
Me: Yes. Mag city tour at island hopping lang
IO: Okay sige last na, pakitaan mo ko ng picture mo na nasa opisina ka
Me: (Bigla akong natigilan at napa-isip kung meron nga ba akong selfie while working)
Napansin nya sigurong parang napapa-isip din ako, kaya binago nya request nya.
IO: Sige kahit any picture na lang like Christmas party or any company outing
Me: Ayun! Eto meron ako nung Christmas party namin last December. Paki browse na lang (sabay abot ng phone ko sa kanya).
IO: Okay sige (sabay balik sakin ng phone ko, and then stamped my passport).
And then before niya ibalik sakin yung passport, may pahabol pa syang mensahe sakin..
IO: Imo-monitor ka namin ah? (sabay abot ng passport sakin)
Me: Okay, no problem. Thank you
IO: You’re welcome..
Inabot siguro ako ng 10mins sa immigration. Feeling ko yung IO na yun matanong talaga, kase yung ibang pila mabilis lang eh. Medyo kabado lang ako ng konte kase first time, pero confident naman ako kase dala ko lahat ng papeles na kelangan ko.
So sa mga nagbabalak mag-travel abroad, here are the things to remember:
- Be confident. Wag kang papakabog sa mga IO, kalma ka lang.
- Isang tanong, isang sagot. Kung ano lang ang tinanong sayo, yun lang din ang sagutin mo. Wag ka na magdagdag pa ng kung anu-ano kase lalu lang silang magdududa sayo.
- Dress properly. Ipakita mo sa IO na kaya ka magta-travel abroad kase may datung ka. Wag ka naman magbihis na parang mamamalengke lang.
- Bring all the documents. Eto ang pinaka importante sa lahat, yung mga papeles na kelangan. Yung mga inindicate ko kanina na dinala ko, yun na lang din ang dalhin nyo.
Take note, yung mga requirements pwedeng mag-iba depende sa situation mo. Kung wala kang trabaho but you own a business, ibang requirements din ang hahanapin sayo. Same din kung may tutuluyan kang kamag-anak sa abroad, the IO might look for other requirements. Sa sunod ko na siguro i-discuss ang mga yan, but for now ayan na muna.
For the conclusion, kung wala ka namang tinatago at wala ka naman talagang gagawing masama, then wala ka ding dapat ikatakot. Just smile, relax, be confident and calm.
Hanggang sa muli. Enjoy your first travel abroad. 🙂
God bless everyone..
ay kaya pala. Pero pag sa matanda ndaw hindi na masyado. Kahit di ka naman mag tnt tapos may pera klg talaga pang gala kasi kaya kang ipag travel ng parents haha.
Depende din talaga siguro sa officer. Pero kase ang crucial dyan yung first ever travel mo, yan ang maraming tanong. Pag kase marami ng tatak yung passport mo, hindi na sila matanong kahit pa siguro wala kang work. Ako kase nung second travel ko abroad ang tinanong lang sakin kung kelan ang balik ko. Tapos ayun, tatak na agad. Ngiting tagumpay. Hehehe..
naks . iba talaga pag traveler. Ako dito sa Pilipinas marami na akong isla na natravel. Gusto ko itry sa ibang bansa. May business kasi ako. nagbebenta ng puppies kaso wala naman akong business permit. hehe
Ah, tama yan. Unahin mo muna suyurin ang Pinas, tapos saka ka na magbyahe out of the country. Ganun din muna ginawa ko. I tried solo backpacking muna dito sa Pilipinas bago nag solo abroad. Let’s see kung paano didiskartehan yung situation mo. Kase plano ko din business na lang. Kaso yung travel abroad ko nga yung iniisip ko kaya hindi pa ako makaalis sa work.
nag babackpacking din ako dito sa Pinas eh. hehe
Talaga? That’s good.. 🙂 BTW, sent you PM sa FB kanina.
omg. nakakaba pla paano kaya pag online business lang? tsaka freelance agent? bata pba ung nagtanong sayo?
Yun nga eh. Medyo mahirap pag online business lang kase wala kang proof of income eh. Para sa mga IO red flag yun kase iisipin nila baka mag TNT ka.
Siguro yung IO na nagtanong sakin nasa age between 29-35 siguro.
Depende nga yan sa officer. Nung ako naman, wala namang pinagtatanong sa kin na mga ganyan. Inabot ko lang mga documents, then tinatakan na agad yung passport.
Natawa lang ako sa request niyang magpakita ng picture sa office. ‘Pag pala natapat ako diyan, baka magduda yan sa ‘kin. Di kasi ako nagpi-picture sa office. Naisip pa talaga niya yun.
Kahit nung first time nyo mag-abroad sir wala masyado tinanong yung IO sa inyo?
Oo nga eh, kahit ako di rin mahilig mag-picture sa office. Good thing binago nya yung request nya. Until now namumukhaan ko pa din yung IO na yun. Kaya never nako pipila sa kanya.. 😀
Wala din masyado. Nagtanong lang siya about sa origin ng name nung isa kong kasama…medyo di kasi common.
PM mo yung name niya sa Contact page ng blog ko. Para iiwasan din namin. Haha. Thanks!
Hindi ko nabasa sir yung pangalan nya sa name tag nya eh, namumukhaan ko lang. I think mukhang kakailanganin natin ng cartographic sketch.. Heheh..