“Mura na, marumi pa.”
Pamilyar ba sa’yo yang linyang yan? Saan ba natin madalas naririnig yan? Kung ako ang tatanungin mo, madalas kong marinig yan sa mga street foods natin sa Pinas.
Hindi ko naman sinasabing lahat ng street foods sa Pilipinas ay madumi. Madami pa din namang malinis dyan. Pero may mga ilan talaga na alam nating medyo madumi. Ayan ah, nilagyan ko na ng “medyo” para di masyadong harsh. 🙂
Kaya nga may tinaguriang “Hepa Lane” sa Maynila eh, kase daw yung pagkain dun kapag minalas ka pwede ka nang magka Hepatitis. Nagkakatalo na lang kung A or B ang makukuha mo, depende sa nakain mo at sa resistensya ng bituka mo.
Pero in fairness, pinalitan na ngayon ang pangalan niyan. “Happy Lane” na siya ngayon at hindi na Hepa Lane. I just hope na hindi lang sila sa pangalan happy, sana pati yung mga taong kakain dun ay maging happy din.
Anyway, hindi naman dun ang topic ko ngayon. Ang blog post na ito ay about sa street foods ng Bangkok, Thailand. Two (2) months ago kase ay nagpunta ako ng Bangkok, at alam naman nating kilala ang Bangkok sa mga street foods.
Kaya hindi ko talaga pinaglagpas ang street foods nila. Lahat yata ng makita kong kakaiba sa paningin ko at mukhang katakam-takam ay sinusunggaban ko.
Umpisahan natin nung dumating ako ng Suvarnabhumi Airport. Dumating ako ng 9:00 AM, and since 1:00 PM pa naman ang check-in time ko sa hostel, kaya tumambay muna ako sa food court nila. Light meal lang muna ako, kaya eto ang inorder ko..
In fairness masarap siya. Magandang panimula sa unang araw ko sa Bangkok. Sarap humigop ng sabaw habang mainit-init pa. Verdict: 8/10
Kwento ko lang din pala experience ko habang kumakain ako sa food court. Natatawa ako tingnan yung ibang mga kumakain ng kanin dun. Kapag Westerners, tinidor ang gamit nila kapag kakain ng kanin. Chopstick naman ang gamit ng mga Chinese, Japanese at Koreans. Kapag may nakita kang kutsara ang gamit, tapos nakita mong nanghihingi pa ng extrang sabaw, malamang Pinoy yun. LOL.. Mabuti na lang walang nagkakamay dun.
Pagdating ko sa hostel ko, dun na ako kumain ng lunch ko. Eto ang inorder ko..
Nakalimutan ko na ang pangalan, basta parang calamares siya tapos binudburan ng bawang at nilagyan ng sauce. Masarap din siya, pati yung parang dahon-dahon inubos ko din. Price is 130 THB. Verdict: 8/10
Singit ko lang din uli, mukhang sikat din pala ang San Miguel na beer sa Bangkok. Eto karatula sa labas ng kinainan ko..
After kumain, naglakad-lakad ako sa paligid ng hostel ko. May nadaan akong coconut ice cream! Sakto, pantanggal umay. Kung sa Pinas uso ang dirty ice cream, sa Bangkok coconut ice cream ang madalas makikita mo sa kalsada. Verdict: 9/10
Habang kumakain ako ng coconut ice cream, naglakad-lakad uli ako. Hindi ko pa ubos yung ice cream, may nadaanan uli akong mukhang masarap na street food. Kaya ayun, order uli!
Gusto ko pa sana i-try yung ibang flavor. Pero kelangan kong magpigil, kase first day ko pa lang. So hinay-hinay muna. Verdict: 9/10
Kinagabihan pumunta ako sa Ratchada Night Market nila. Dun na ako nag-dinner. Sa lahat ng night market na napuntahan ko sa Bangkok, dito ako nag-enjoy. Kase bukod sa napakalaki niya at mura ang mga bilihin, may mga banda pang tumutugtog.
Sa picture nung Fish Mawl Soup mukhang nakakatakam eh. Pero nung natikman ko medyo di ko sya masyadong trip kase yung sabaw masyadong malapot. Hindi na-meet yung expectations ko. Nadale ako sa picture. 😀 Verdict: 4.5/10. Sa Thai Milk Tea naman medyo nakabawi. Verdict: 7/10
Bago umuwi, naghanap ako ng pwedeng i-take out na dessert. Eto ang aking natagpuan..
Di ko natanong yung pangalan niyan, pero para siyang nakatupi sa barquillos tapos may egg at parang icing yung palaman sa loob. Konte lang yung tamis na malalasahan mo. Kumain din ng ganyan si Drew Arellano sa show niya eh, kaya ginaya ko lang din. Price is 35 THB. Verdict: 6/10
Side story uli, ang laki pala ng mga probiotic drink sa Bangkok, or yung parang Yakult sa atin. Eto yung sample na mabibili mo sa 7-11..
Nung second day ko, since may Ayutthaya tour ako kaya ang aga ko gumising. Nag breakfast ako ng 4:45 AM sa isang resto katapat ng hostel namin. Eto inorder ko..
Gusto ko yung pagkaka-fried nila kase ang crispy talaga. At plus din sa akin na tinadtad siya ng onion. Parang galit nga yata sila sa onion sa dami eh. LOL.. Verdict: 8/10
For my lunch, buffet lang naman sa isang cruise ang peg ng lolo nyo. Oha, sosyal! Kasama kase yun sa package ng Ayutthaya tour ko. Medyo pricey nga lang, pero sulit yung tour at yung buffet sa cruise..
Yung fries dyan nag-uumapaw. So kung adik sa french fries, matutuwa ka sa buffet na yan. Pati mga cakes and cupcakes ang dami din. Pero ang pinaka gusto ko sa lahat ng kinain ko dyan ay yung Tom Yum Soup nila (upper mid ng pic). Napakalasa niya. Spicy ng konte, pero alam mo yun, tamang sipa lang. Saktong-sakto! Ito ang isa-suggest ko talagang i-try niyo kapag nagpunta kayo ng Bangkok. Kaya ang hatol ko sa Tom Yum Soup.. Verdict: 10/10
Nung dinner, sa kalsada na lang uli ako kumain. Literal na yun ang gawain ng tao dun. Patok kase talaga ang street foods dun. This time, I tried their famous Pad Thai (pronounce as Pa-Tay).
Napaka swerte ko yata sa food nung 2nd day ko sa Thailand. After ko masiyahan sa Tom Yum na kinain ko nung lunch, etong Pad Thai naman nagpa-wow sa akin. Sa lahat ng Pad Thai na natikman ko sa Pinas at sa Bangkok, dito sa Pad Thai ni Manong ako pinaka nag-enjoy. Promise! Sa kanya yung the best Pad Thai na natikman ko! Kung pwede lang ako mag-take out ng madami para iuwi sa Pinas, ginawa ko na. Kaya kung magagawi kayo ng Khao San Road, yang si Manong ang hanapin nyo. Verdict: 10/10
Sa 3rd day ko, sa hostel muna ako nag breakfast. Eto ang inorder ko..
Mas mahal pa talaga sa 100 THB yan. Discounted lang ako kase dun ako naka check-in. Heavy breakfast eater ako eh, kaya gusto ko rice talaga sa umaga. Pero since wala silang rice meal sa umaga, kaya ayan bread na lang muna. Verdict: 7/10
For my lunch, eto naman ang kinain ko..
Eto pa ang isang dapat matikman nyo. Napakasarap nitong noodles soup na ito! Sa may Khao San area din ito.. Verdict: 10/10
Nung gabi, pumunta naman ako sa Talad Neon Night Market. Hindi ko na na-picturan yung Hainanese Chicken Rice na kinain ko, pero itong ininom ko na lang ang hahatulan ko.
Magandang idea yung ganitong concept, kaya patok siya. Pili ka na lang kung injection or dextrose ang gusto mo. 😀 Verdict: 8/10
Sa Ikaapat na araw ko, nagdecide ako na huwag na mag-breakfast sa hostel ko. Kaya naglakad ako sa labas ng hostel namin at ito ang aking nadaanan..
Yang mga pagkain na yan ang typical na breakfast meal nila na may rice. Ang sarap kainin nito kase mainit-init pa, talagang lulutuin sa harap mo. Verdict: 9/10
After ko mag breakfast, pumunta naman ako sa Taling Chan – isa sa mga floating market nila. Hindi siya kasing laki ng Damnoen at Amphawa na madalas dayuhin ng mga turista, pero pwede na rin kung gusto mo lang naman makita at ma-experience ang floating market. Eto kase ang pinaka malapit na floating market sa Bangkok.
Napakaraming pagkain na pagpipilian, pero eto lang ang sinubukan kong kainin..
Ang mga ingredients niyan ay rice flour, pandan leaves, coconut milk, sugar & salt. Parang nagtatalo yung tamis at alat, so parang alanganing dessert siya. Pero satisfied naman ako sa lasa niya. Verdict: 8/10
Ang panulak ko naman diyan is another Thai Milk Tea. Gusto ko talaga matikman ang iba’t-ibang timpla ng Thai Milk Tea nila..
After ko sa Taling Chan, lumagari naman ako papuntang Chatuchak Weekend Market. Dun na ako nag-lunch. Eto ang inorder ko..
Medyo mahilig ako sa spicy foods, kaya kahit tanghaling tapat yan ang inorder ko. Medyo maanghang siya, pero malalasahan mo pa din yung chicken. At hindi siya tinipid sa manok, kaya two thumbs up siya sa panlasa ko. Verdict: 10/10
After ko kumain ng spicy, syempre dapat hanap naman tayo ng matamis.
For the popsicle, my Verdict: 7/10.. Sa Straberry Yogurt naman, Verdict: 8/10.
Yung dinner ko is Pad Thai uli, pero hindi kasing sarap kagaya nung kay Manong sa Khao San Road. So hindi ko na siya ifi-feature pa dito. So dumako na tayo sa ikalimang araw ko. Ito ang breakfast ko..
After nito ay kelangan ko ng pumunta ng airport kaya madalian na ang pagkain at paghigop ko ng sabaw. Medyo napaso pa tuloy ako. Verdict: 8.5/10
Nung nasa airport na ako at tapos nang makapag check-in, dun na din ako nag-lunch. Eto ang natipuhan ko..
Medyo nadismaya ako sa Fish Noodles na yan. Matabang yung timpla nila eh. Sayang yung order ko, ang mahal pa naman. Dapat talaga nag Tom Yum na lang ako. Nadale na naman ako sa magandang picture. Looks can be deceiving talaga. At hindi lang sa pagkain applicable yan, pati sa tao din. 😀 Verdict: 5/10
DISCLAIMER: Lahat ng verdict na binigay ko ay base lamang sa aking sariling panlasa. Maaring ang 10 para sa akin ay 6 lamang para sa inyo. So again, caveat.. 🙂
*****
Lessons to ponder:
Sa limang araw na pag bisita ko sa Bangkok, masasabi ko na ang street foods nila ay talaga namang Mura Na, Masarap Na, Malinis Pa! No wonder kilala talaga sila sa mga street foods nila.
Ang mga Thais talagang normal na pagkain kase nila ang mga street foods, yung tipong kapag wala silang luto eh lalabas na lang sila ng bahay at sa mismong kalsada na lang kakain, kaya siguradong malinis. Kahit nga mga turista dun, kapag bumili ng street food sa kalsada na rin kinakain. Either nakatayo lang, nakaupo sa gilid-gilid, or habang naglalakad.
Napagtanto ko na hindi pala lahat ng pagkain sa mamahaling restaurant ay masarap. At hindi rin porke mura ang isang pagkain or sa tabi-tabi lang ito nabili ay hindi na ito masarap. In fact, yung masarap na Noodles Soup at Pad Thai na natikman ko sa Bangkok ay sa kalsada ko binili. Mas nadismaya pa ako nung natikman ko ang mga yun sa mamahaling restaurant.
Hindi natin kelangan maging marangya para lang maging masaya sa buhay. Hindi rin natin kailangang kumain ng mamahaling pagkain para lang masabi na tayo ay masagana sa buhay. Maraming tao sa mundo ang nagugutom at walang makain, kaya ipagpasalamat na natin sa Diyos kung ano ang nasa hapag kainan natin, mahal man ito o mura. Okay ba yun mga Bayaw? 😉
Carpe diem! God bless everyone..
P.S: I am not a food blogger, but Bangkok’s street food is too good and too enjoyable to pass up. So ano guys, pwede na bang food blogger? 😀
RELATED ARTICLE:
TRAVEL VIDEO: The Beauty of Bangkok, Thailand
Ang daming pagkain! Paborito ko ang tom yum! 10/10 indeed! Pero hinahanap ko saan ang picture ng tom yum inubos mo wala man lang picture ahhahahaaha!
Nakapunta na ko sa isa sa hepa lane sa manila.. sa recto malapit sa isetan ang saya ng sawsawan ng fishball! Ang daming nakikisawsaw! wahahahahaha!
Uy, may picture yung Tom Yum dun ah? Nandun sa gitna, sa pinakataas. Di ko lang na-arrange ng maayos yung mga plates kase gutom nako nyan. Gusto ko na lumafang.. 😀
Ah oo, sa may Recto dami din diyan. Pati pawis minsan humahalo na din sa sawsawan! Wohoo! Pawer! 😀
Binalikan ko hahahahaha ang liit naman mas malaki pa yung halaman! Hahahahaha!
Pero puede ka na maging food blogger yung tom yum lang ang issue ko ang layo ng picture wahahahahaha!
Nung time kase na nagpicture ako niyan, hindi ko pa natitikman yung Tom Yum, kaya hindi siya yung center of attention. Huli ko na nalaman yung worth niya nung natikman ko sa kalagitnaan ng pagkain ko. Heheh..
Tsaka wala din akong planong i-blog ito. Kaso napagtanto ko na ang dami ko palang kinain sa Bangkok, kaya ayun isinulat ko na rin. 😀
Ang saya naman!! Parang gusto ko rin itry ‘yung banana pancake tsaka ‘yung pad thai. Never pa ‘ko nakatikim ng ganun!!!
Kung wala ka pang time pumunta ng Thailand, kahit sa Pinas ka muna tumikim ng Pad Thai. Halos same din ang lasa, pero yun nga yung timpla nung kay Kuya yung ni-highlight ko kase so far yun ang pinakamasarap na Pad Thai na natikman ko. Yung Banana Pancake matitikman mo din yan soon.. 🙂
Hey, nagutom ako sa dami ng kinain mo. Hehehe! Parang ang sosyal nung coconut ice cream nila for a street food huh.
P. S. – Ang gandang basahin ng site mo sa mobile! Very smooth ang interface!
Oo, lakas makasosyal nung coconut ice cream. Pero para lang din dirty ice cream na nilagay sa coconut. Heheh..
Thanks! Smooth ba ang interface? Hindi kaya dahil wala pa masyadong laman? 😀
I love street foods as well!
LODI. andami kong takam, sobra. Hindi ako mahiig sa mga street food pero kapag nakikita ko naakit ako. Ang this feature craves me more to the moon and back lol. Ramen, soups pati iyang “patay” na iyan, magkikita din kami niyan. 👀 ikakamusta pa kita. Hahah.
Kapag nasa Bangkok ka, di mo talaga mare-resist ang mga street foods. Kaya sigurado “Patay” kang diet ka.. LOL
Wow!
Mahilig ako sa streets foods and infact kagabi lang may naka bumped in ako at napagkasunduan naming mag street foods.
Pero ngayong nabasa ko to medyo iwas iwasan ko na pag kain nun..
Nice one idol
Marami pa din namang malinis na street foods eh. Basta ang importante in moderation lang.. 🙂
Kahanga-hanga ka tlga sir. Hindi q alam kelan ako mgkakapera para mktravel abroad. Kasali ang Thailand sa bucket list ko!
Mura lang mag-travel sir basta abang ka lang sa mga piso fare promo ng mga airline. Yun ang nagpapamahal eh. Yung pagkain at tutuluyan mo sa bansang pupuntahan mo madali na lang diskartehan yun. Basta yung murang airfare lang talaga dapat ang unang targetin.
Street foods are the best!
Any recommendations of good restaurant?