Thailand is also known as the “Land of Smiles” because Thais do smile, or yim, a lot. But behind that good reputation, there are also lots of not-so-good things that we hear about Thailand.
“Madaming scammers dyan.”
“Tatagain ka sa presyo ng mga Tuktuk driver.”
“Delikado maglakad dyan sa gabi.”
“Traffic!”
“Nangongontrata din mga taxi dyan gaya dito sa Pinas.”
Sounds familiar? Ilan lang yan sa mga madalas kong marinig tuwing nababanggit ang Thailand. Pero hindi yun naging hadlang para bisitahin ko pa din siya kase isa talaga ang Thailand sa bansang gusto kong puntahan, or ika nga, isa sa mga bucket list ko. Nyeaaammm!
So nung nag-piso fare ang Cebu Pacific at nakita kong 2,100 PHP lang ang round trip to Bangkok, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Booked na agad! I booked for 5 days and 4 nights.
Usually kapag nagbabasa ako ng mga forums at mga blogs about Thailand, laging kadikit ang mga side-trip to Vietnam or Cambodia, or if not nagta-tri city pa sila or Indochina trip. Pero sabi nila masyado daw malaki ang Thailand para pagkasyahin lang siya sa 2 days or 3 days na pagbisita.
Sa mga temples pa lang, napakarami na daw na pwedeng puntahan. Kukulangin ang 2 days mo para mapuntahan ang lahat ng iyon. Kaya para mas ma-enjoy daw ang Thailand, at least 4 or 5 days ka mag-stay.
Pero kung 2 or 3 days lang talaga ang kaya mong mailaan na time sa pagpunta sa Thailand, then puntahan mo na lang siguro yung mga importanteng lugar.
*****
WHERE TO STAY
Isa ang Khao San Road sa may pinakamurang accommodation sa Bangkok, kaya tinawag din itong Backpacker’s Haven. Kilala din ang Khao San Road sa night life dahil maraming mga bars and restaurants dito, pati na din mga street foods. Malapit na din ito sa mga temples gaya ng Grand Palace, Wat Pho at Wat Arun. Ang downside lang is malayo ito sa mga train stations.
Isa pa sa may murang accommodation ay ang Silom Road. Ito ang financial district ng Bangkok. Maraming mga malls sa area na ito at malapit din ito sa train station kaya mas convenient mamasyal.
BUDGET/EXPENSES
Mura lang ang mga bilihin sa Bangkok, at ang mga sumusunod ay sample ng mga pwede niyong maging gastusin:
- Accomodation – Nagri-range ang per day sa 250 PHP (shared room), 500 PHP (hostel private room) at around 800 PHP – 1000 PHP (budget hotel room).
- Meal – Sa mga street foods, nandyan ang Pad Thai (40 THB), Chicken/Pork Rice (50 THB), Pork/Chicken Noodles (50 THB), Tom Yum Noodles (100 THB).
- Train – around 15 to 50 THB
- Taxi – flag down rate is 35 THB
SAMPLE ITINERARY:
Day 1 – Temples
Grand Palace (Temple of the Emerald Buddha)
Wat Pho (Temple of the Reclining Buddha)
Wat Arun (Temple of Dawn)
Siriraj Medical Museum
Khao San Road (for nightlife)
Day 2 – Ayutthaya Tour
Wat Yai Chaimongkon
Wat Phra Si Sanphet
Wat Mahathat
Wat Chaiwatthanaram
Day 3 – Food, Shopping, Malls
Damnoen Saduak Floating Market
Chatuchak Weekend Market
MBK
Siam Square
Ratchada Night Market
*****
THINGS TO REMEMBER:
- Ang mga Thais ay meron ding parang “Po” gaya sa ating mga Pilipino. Ang mga lalaki dapat “krap” (pronounce as “khap“) ang sasabihin sa dulo, at kung ikaw naman ay babae dapat “kha” naman ang gamit mo.
- Let say ang greetings sa kanila ay “Sawaddee”, kung ikaw ay lalaki dapat Sawaddee khap. At kung babae ka naman Sawaddee Kha.
- Mapasalamat ang mga Thais kahit sa maliliit na bagay. Nasa kultura na yata nila na mahilig sila mag thank you. So don’t forget to thank them as well, Khob Khun Khap (if you’re a boy) or Khop Khun Ka (if you’re a girl). Formal na thank you yun. Kapag informal naman or sa mga magkakaibigan, pwede rin Khöb chāi nã (pronounce as Khob Chai Na).
- Ang letter R nila minsan letter L ang pag pronounce nila. Gaya ng Khao San Road, nagiging Khao San Lod. Or yung Ratchada nagiging Latchada.
- At ang letter S nila or anything na may S sound, ang pagpronounce nila ay parang letter T. Gaya ng Grand Palace, ang pronounce nila dyan “Grand Palat”. Or yung passport ay nagiging “patpot”. Kaya baka malito ka. Ang hirap makipag usap sa kanila kase hindi masyado nag-eenglish.
- Kapag talagang may kelangan kang sabihin sa kanila tapos hindi nila maintindihan, use Google Translate. Too bad naalala ko gamitin ito nung ika 3rd day ko na. Heheh..
- Kung sa Suvarnabhumi airport kayo, merong money changer sa baba ng airport. Look for Super Rich or di kaya Happy Rich. Magkatabi lang yang dalawang yan. Sila ang may pinaka magandang rate kaya naman pinipilahan sila ng mga tao.
- Use Grab instead of taxi kapag medyo malayo ang iba-byahe mo sa Bangkok. Mag taxi ka lang kapag from airport to your hostel, kase hindi tumatanggi sa metro ang mga taxi na galing sa airport dahil pwede mo sila i-report. Naka-register kase yan sila sa airport.
- Ang tamang pag pronounce ng pad thai ay silent “d”. So ang tunog niya ang parang “pa-tay”. 😀
- Kung malapit lang ang destination mo at ayaw mo maglakad, mag motorbike ka na lang, or yung parang habal-habal sa atin. Sila yung mga naka orange vest, tapos may picture at identification sa likod nila.
- Yung Tuktuk, sakyan mo lang for experience. Minsan kase mas mahal pa sila sa taxi. At magkasundo muna dapat kayo ng driver sa bago ka sumakay, kase baka mabigla ka sa isingil sayo pagbaba mo.
- Masasarap ang mga street foods nila. Hindi sila yung tipong gaya sa Pinas na mura na marumi pa. 😀 Normal kase na pagkain ng mga Thais ang street food, kaya expect nyo na malinis at masarap siya.
- Maraming floating market sa Bangkok. Ang dalawa sa pinakasikat ay siya ring pinakamalayo. Ang Damnoen Saduak Floating Market ay around 100kms, at ang Amphawa Floating Market naman ay around 90kms.
- Kung kulang kayo sa oras, pwede kayo sa malapit lang na floating market like Taling Chan, Khlong Lat Mayom at Bang Nam Pheung Floating Market.
- Marami din kayong pwedeng puntahan na night market. Na-try ko ang Talad Neon Market at Ratchada Night Market. Between the two, sa Ratchada ako mas nag-enjoy.
- Kung hindi pa kayo nakapunta ng Cambodia, try niyo pumunta ng Ayutthaya. Less than 2 hours siguro na byahe mula Bangkok. Madaming mga temples dun na kagaya din ng sa Cambodia. Sa lahat ng pinuntahan ko sa Thailand, isa ang Ayutthaya tour sa nag-enjoy ako ng husto.
- Bawal ang naka short, naka sleeveless at butas-butas na pants sa mga temple. So make sure to wear proper attire. Pero in case gusto mo talaga ng mga ganyang kasuotan, may mga damit naman na pwedeng bilhin or rentahan sa labas ng mga temple.
- Don’t offer shake hands esp. kung lalaki ka at ikaw ang unang mag-ooffer nito sa babae, kase hindi ito ang nakagawian nilang greetings. Ang pag greet nila sa isa’t-isa ay nilalagay nila both their open palms together at chest height, and then bow slightly, or wei kung tawagin sa kanila.
- Don’t lose your temper. Ang mga Thais ay kilala sa pagiging mahinahon. Sa kalsada nila bihira ang mga bumubusina at mga road rage kase pasensyoso sila. Na-experienced ko yan nung pumara ako ng taxi, ang tagal ko nakikipag-usap sa driver kase hindi kami magkaintindihan at hindi kami magkasundo sa presyo. Nung tumanggi ako at isinara ko na yung pinto para maghanap uli ng ibang taxi, nagulat ako na ang haba na pala ng pila ng sasakyan sa likod ng taxi. Ni hindi man lang sila bumusina, inantay talaga nila kaming matapos mag-usap. Kung sa Pilipinas yun, malamang hindi lang busina aabutin namin, baka may mura pa. 😀
*****
SAMPLE PICTURES:
*****
Conclusion:
Balikan natin yung mga nabanggit na not-so-good about Thailand. Scammers? So far wala naman nanloko sa akin. May nag-overcharge lang siguro sa Ayutthaya para sa isang simpleng padasal sa buddha, pero scam wala naman. I think sa ibang lugar siguro baka meron, but I am talking about my own experience here.
Tuktuk driver? Wala namang nanaga sakin na tuktuk driver. Basta maayos lang pakikipag-usap mo at marunong ka tumawad, walang magiging problema. Besides, kung hindi kayo magkasundo sa presyo pwede ka namang humanap ng iba. Actually nag-enjoy pa nga ako sa pag sakay sa Tuktuk kase yung driver na nasakyan ko parang driver ni James Bond (Pierce Brosnan) sa Visa commercial noon. 😀
Delikado maglakad sa gabi? Pinaka maaga ko yatang uwi sa hostel ko ay 1am. Alas-dos hanggang alas-tres ng madaling araw nasa galaan pa ako pero wala akong kaba na nararamdaman kapag naglalakad ako kahit alanganing oras.
Traffic? Yeah, parang nasa Maynila ka din. Pero marami naman silang iba pang transportation gaya ng mga trains nila na BTS (Skytrain) at MRT. Pwede ka din mag taxi, mag tuktuk, mag motorbike, at pwede rin by boat. Maraming means of transportation sa Bangkok.
Taxi na nangongontrata? Eto na-experienced ko mismo ito, especially kapag rush hour. Mahirap kumuha ng taxi na papayag sa metro kapag rush hour na. Solution? Grab Car. Siguro naka 7 or 8 na beses akong nag Grab dun at napakabilis lang mag-book. At napansin ko lahat yata ng Grab na nasakyan ko, yung mga driver eh mismong owner nung kotse.
Kita mo mismo sa suot nila at mga gamit nila na big time sila. Kaya no need to worry kase mababait sila. Ang nakakatuwa pa minsan nakadepende sa edad at personality nila yung sasakyan.
Yung binatang driver na nasakyan ko, naka Honda Jazz tapos may magandang mags at medyo lowered yung sasakyan. Yung isang magandang babaeng driver naman na nasakyan ko, naka Honda City tapos yung cellphone Samsung S7 yata, tsaka handbag niya kahit wala akong alam sa handbag, alam kong mamahalin din. LOL. At si manong naman na napaka desente ng suot at may magandang relo, Toyoto Fortuner naman ang dala. Kaya ang sarap mag Grab dun. Gone are the days na magdudusa ka sa paghahanap ng taxi. Salamat sa teknolohiya! 🙂
Lessons to ponder:
Ang natutunan ko sa pagpunta sa Bangkok ay dapat huwag natin husgahan or i-generalize agad ang mga tao or yung mismong bansa nang dahil lang sa mga negatibong naririnig natin. Gaya na lang nung mga taxi driver na nangongontrata, nang dahil ba dun pwede mo nang sabihin na masasama or manloloko lahat ng mga tao sa Thailand? Hindi diba? Parang sa Pinas lang, may mga mapang-abuso ding taxi driver minsan pero hindi ibig sabihin nun ay manloloko na lahat ng Pinoy at pangit na ang bansang Pilipinas.
Napakagandang bansa ng Thailand, pero dahil may naririnig kang hindi maganda, eh hindi ka na rin pupunta? Bakit hindi mo i-try muna? Hind ba’t mas maganda kung ikaw mismo ang maka-experience?
For the conclusion, let’s just appreciate and enjoy all the positives and stop wasting time looking at the negative things. 🙂
Philippians 4:8 “Finally, brothers, whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is commendable, if there is any excellence, if there is anything worthy of praise, think about these things.”
Carpe diem! God bless everyone..
RELATED ARTICLE:
Ikaw na ng tirador ng piso fare hahahaha!
Mas naririnig ko yung Talad Neon Market pero mas maganda ba ang Ratchada Night Market? Pareho yan d ko pa napuntahan. Kumain ka ng insekto?
Gaganda ng shots sa temple pero si reclining buddha kinulambuan na nila sira na?
Bago pa lang ang Talad Neon Market, wala pang 1 year. Pero mas malaki kase at mas maraming pagpipilian sa Ratchada kaya mas gusto ko dun. Tapos may mga bands pa na tumutugtog, kaya sulit ang pagpunta dun.
Yung insects hindi ako nakakain kase plano ko sa last night ko siya kakainin para in case sumakit ang tiyan ko at least kinabukasan flight ko na. Kaso nung last night ko ubos na pera ko eh. Medyo hikahos nako nun kaya higpit sinturon na. 😀
Wala bang cover dati yung Reclining Buddha sa Ayutthaya? Hindi ko din sure eh. Baka nilalamig siguro kaya nagkumot na. Hahaha..
Uu walang cover yan nung andyan kami. Baka magka pneumonia kaya nag kumot na ahahahahahaha!
Noted yang Ratchada. Makabalik nga ng Bangkok gusto ko talaga ang mga night market😊
Oo, sa panahon daw ngayon bawal magkasakit. Hehehe.. Ako din, trip ko din ang mga night market. Tara, balik tayo! 😀
Tara! Libre mo ko nung insekto! Hahahahaha!
Looks like you enjoyed your stay in Thailand.
Yeah, I really did enjoy. 🙂 Thanks for dropping by.
Di pa ako nakakapunta sa SG na pinuntahan mo tapos nag-Thailand ka na agad haahha jetsetter ka talaga Kuya Jheff.
Ang insightful ng post na to, babalikan ko to kapag dumating ang oras na pupunta akong Thailand haha
Aba, pwedeng hashtag yun ah? #Jefsetter.. Pwedeh! 😀
Sige, basta pag pupunta ka na sa mga lugar na napuntahan ko, if my questions ka ask mo lang ako anytime.
Omg ang dami mo nang pwedeng hashtag! hahahaha magsettle na tayo sa #JHEFFsetter hahaha
Hahaha.. Oo nga eh, dami ko ng hashtag. Pero gusto ko yan, #Jheffsetter.. 🙂
Khöb chāi nã, chirikong kwayla. Hahaha. Ang amazing nung sobrang patient nila na hindi man lang bumusina. Jusko, naimagine ko nga pa’no kapag sa Pinas ‘yun, malamang ‘di lang busina ang natanggap mo. Mamaya makikita mo viral ka na din sa facebook. HAHAHA
Hahah.. Naku oo nga, nakakahiya yun pag naging viral. Mahirap ma-cyberbully. 😀
At in fairness, winner yung butsikek mo ah.. Heheh..
Your story-telling style is witty, keep doing what you’re doing!
Clap2x!!
Hahah.. Thanks mate!
Jheff ngayon ko lang nabasa to hehe, bet na bet ko pinoy na pinoy tagalog kung tagalog hehe,
Heheh.. Salamat at nagustuhan mo ang pagkakasulat nito sa Tagalog. Sana dalas-dalasan mo na din ang pagbabasa dito kase pipilitin kong huwag ito maging boring, gaya ng ibang website na binabasa mo.. LOL
I want to ride a Tuktuk again, next time. 🙂
Street foods are the best!