Two (2) months ago ay ipinagdiwang ko ang ika-unang taon ko dito sa blogosphere. At dahil masaya ako na nakaabot ako sa unang taon ko sa mundo ng blogging, at dahil na rin sa mga taong na-meet ko dito, ay nagpa-contest ako kung saan kailangan lang nilang mag-comment kung ano sa mga blog post ko ang nagustuhan nila at bakit.
(See: Happy 1st Anniversary + Tips Para Sa Mga Babaeng Gustong Mag-solo Travel + Pa-Giveaway Ni Mayor)
Originally, ang winner ay makakatanggap ng Neck Pillow with Eye Mask, Fragrance Diffuser, at 2 packs of Hershey’s Kisses Chocolate. Sa kabutihang palad, meron namang pumatol sa pa-contest ko. 😀
Lima silang sumali – si Aila, Grace, RheaSilient, Aysa at Krishel. Mahirap pumili kung sino ang winner sa kanila, so binase ko na lang sa kung sino ang naunang nag-comment ng kanyang entry o sagot sa pa-contest.
At ang nanalo ay walang iba kundi si……… Aila! 🙂
Kaso parang gusto ko din bigyan na din ng regalo yung iba pang nag-join, kaya ayun, isinama ko na din sila sa pa-giveaway ko. Yung natitira pang apat (4) na sumali ay makakatanggap ng acoustic/bamboo speaker, na pina-customized ko pa.
Pinili ko yang acoustic/bamboo speaker kase bukod sa nakakatulong na tayo sa ibang katutubo natin, eh nakakatulong na din tayo sa ating kalikasan kase environment-friendly ang speaker na ito. Hindi bonggang regalo, pero galing naman yan sa puso ko. Heheheh.. Sana ay makatulong yan sa pakikinig niyo ng music. #SuportaLokal
Sa mga winners, wait niyo na lang ang PM ko sa inyo para mapadala ko na yan sa inyong mga tahanan. Baka next week na siguro, kase mamayang gabi ay flight ko na papuntang Taiwan. Wohooo! 😀
So ayun, muli salamat sa lahat ng mga greetings, at syempre sa lahat din ng lumahok. Mabuhay kayo. 🙂
Carpe diem!
God bless everyone..
Uy ang ganda bamboo speakers! Nakasama pa ako haha salamat Jheff!
Hehehe.. You’re welcome, Aysa. Ipapadala ko na lang kay Jas. Magkikita naman kayo diba?