Last month lang ay galing akong Calatagan, Batangas para huminga ng konte. This time, hindi naman ako masyadong stress, pero mukhang si Lhory naman ang gustong huminga. Work related yata. Heheh..
Ewan ko ba, lately napapansin ko kapag may gustong huminga sa mga kakilala ko, eh ako ang nilalapitan para mag-set ng byahe or gala. Ayaw ko sana mag-organized ng mga ganyang lakad eh. Ang hirap kase, kelangan i-consider mo lahat ng suggestions and scheds nila at dapat mapagtagpo mong lahat yun sa gitna.
Pero mukhang nasanay na din ako. Kaya eto, pinanindigan ko na. 🙂 So ayun, nag-aya ako sa mga gustong sumama. Supposedly ay anim dapat kami. Kaso may mga conflicts na nangyari, kaya in the end ay kaming tatlo nila Rhea at Lhory ang natuloy.
Dalawa ang pinagpipilian naming lugar, either Mindoro or Marinduque. Pero sa bandang huli, Marinduque ang nanaig. And why not? Pare-pareho kaming hindi pa nakakarating ‘dun.
Tinaguriang “Heart of the Philippines” ang Marinduque dahil hugis puso daw ito. At kung makikita niyo sa mapa ng Pilipinas ay nasa bandang gitna siya, same sa kung saan nakalagay ang ating puso.
Idagdag ko na din pala, ang Marinduque ay isa sa mga lugar sa Pilipinas na pinakamababa ang crime rate. Oh diba, ang astig nun?! Sana sa buong Pinas ganyan. Haayyyss…
Isang linggo bago ang byahe namin, ay walang puknat ang ulan. May dumaan kaseng bagyo kaya hindi nagpakita si haring araw. Kaya nagdadalawang-isip ako kung tutuloy pa ba kami o hindi.
Pero malakas ang pakiramdam ko na sa mismong araw ng alis namin ay gaganda na ang panahon. At ayun nga ang nangyari, nakisama ang panahon sa amin. Thank you, Lord. 🙂
Nagkita-kita kami sa Buendia terminal para sumakay ng JAC Liner bus papuntang Dalahican port (Lucena). Pagdating ng port, sasakay naman kami ng RORO papuntang Balanacan port (Marinduque). At mula doon ay sasakay pa kami ng van, and then jeep, papunta sa destinasyon namin, sa Poctoy White Beach.
Isa din pala sa mga dahilan kung bakit Marinduque ang napili namin ay dahil hindi pa pala nakakasakay ng barko ang dalawa kong kasama. Kaya masaya akong maging parte at makita sila na finally, natupad na din ang kanilang pangarap na makasakay ng barko. 🙂
Mga bandang hapon na kami dumating ng Poctoy White Beach. Hindi kami nag-book online ng matutuluyan, kaya dun na kami mismo naghanap. May dalawa kaming resort na pinagtanungan, kaso fully-booked na.
Mabuti na lang at ang Rendezvous Beach Resort ay may last available room pa. P3,500 per night ang air-conditioned room for 4 pax, pero natawaran namin ng P1,800 lang! Parang sa Divisoria lang kung magtawaran noh? Hahaha..
Di ko nga alam na yung babaeng kausap ko eh asawa pala mismo nung may-ari ng resort. Bata pa kase ang itsura niya (28 years old daw ayon sa aking bubwit, LOL), at nakapambahay na damit lang. Kaya akala ko talaga nung una caretaker lang siya. Mabuti na lang at mabait si Mrs. Owner, binabaan niya talaga ng husto yung price.
Medyo pagod kami sa byahe nung day 1 namin kaya maaga kami natulog. Nung day 2 na talaga namin inenjoy yung lugar. After mag breakfast, ligo na agad sa dagat. Medyo malaki ang alon, pero safe pa din naman para liguan.
After namin maligo at makipag buno sa mga alon, nag lunch na muna kami tapos pahinga saglit. Pagdating ng hapon, balik uli kami sa beach. Sakto may dala akong hammock, perfect humilata at mag relax sa napakagandang view. Sinamantala na din namin ang pagkakataon para mag picture-picture.
Nung dumilim na, syempre hindi namin papalagpasin ang pagkakataong yun para mag stargazing. Hindi na namin pinicturan pa ang mga nagniningning na bituin sa langit. Hinayaan na lang naming mabusog ang aming mga mata.
Napakasarap humiga sa buhangin habang pinagmamasdan ang kalangitan sa gabi, at ang alon ang nagsisilbi naming background music.
Priceless.
Parang ayaw na naming umalis sa pagkakahilata. Parang walang problema at walang ibang iniisip.
Kinabukasan ng umaga ay umalis na kami pabalik ng Maynila, bitbit ang magagandang alaala at ngiti sa aming labi.
Truly, the best things in life are free.
*****
Nais ko lamang pala i-promote dito yung karinderyang kinainan namin for 3 days. Ito ay ang Ate Bata Canteen, na ang motto ay “Turo Niyo, Luto Ko.” Kahit anong luto pwede niyo i-request, as long as meron siya at kaya ng powers niya. Hahah.. Sobrang baba lang ni Ate Bata maningil, tapos yung kanin nag-uumapaw pa.
Hindi ko lang siya na-picturan, pero hindi na po siya bata. Yun lang talaga ang tawag sa kanya. 😀 At sa tagal ko nang nagta-travel, first time yata ito na bago umuwi pabalik ng Maynila ay sumadya pa talaga ako sa pinagkainan ko para lang magpaalam. Mabait kase si Ate Bata at masarap din magluto. Kaya kung pupunta kayo ng Marinduque, sa kanya na kayo kumain.
Isa pang gusto kong i-promote ay ang tinuluyan naming Rendezvous Beach Resort. Napakabait nilang mag-asawa – yung misis na nagbigay sa amin ng mababang presyo sa kwarto na tinuluyan namin. At yung mister naman niya na nag-alok ng libreng pamamasyal sa Marinduque. Pumayag din siyang hingin namin yung isa sa mga libro niya, yung book ni Francis Kong. Basta, ang bait nilang mag-asawa.
*****
How to get to Poctoy White Beach, Marinduque:
1. Ride a bus from Cubao or Buendia terminal (JAC Liner) bound to Dalahican Port (Lucena) – 4 to 5 hrs
2. Ride a RORO (roll-on-roll-off) bound to Balanacan Port – 3 hours
3. From Balanacan Port, ride a van going to Sta. Cruz, alight at Sta. Cruz Church – 1 hour
4. Ride a jeepney going to Torrijos, alight at Poctoy White Beach – 1 hour
Cost:
Bus: P219
RORO: P186-P260 (Starhorse or Montenegro)
Van: 80
Jeep: P45
Terminal fee: P22-P30
THINGS TO REMEMBER:
- Huwag kayong sasakay ng bus na biyaheng Lucena lang, kase hanggang Grand Terminal lang yun, which is 30 minutes away pa sa port. Dapat yung may signage na Dalahican mismo ang sakyan niyo.
- Iba-iba ang schedule ng barko sa port ng Dalahican at Balanacan. Kaya tumawag muna kayo sa office ng Starhorse o ng Montenegro shipping lines para matantya niyo yung oras ng byahe niyo.
- Mas maganda at malinis ang CR ng Starhorse shipping lines. Sila lang din yata ang barko going to Marinduque na may higaan (gaya nang nasakyan naming Starhorse IX).
- Huwag kayong pupunta ng Marinduque ng holy week, kase yun ang peak season nila. Bukod sa maraming umuuwi para magbakasyon, kasabay din ng holy week ang Moriones Festival. Kaya pahirapan ang pagsakay ng bus at barko.
RELATED ARTICLE:
Travel Video | Marinduque In One Minute
Carpe diem!
God bless everyone..
Leave a Reply