Procrastinate pa more! Hahaha..
Supposedly kase pang huling hirit sa tag-init sana itong post na ‘to. Ang kaso super late na bago ko ito nagawa, so paano na? Unang hirit sa tag-lamig na lang ba ‘to? Hahah.
Hindi pati nakatulong yung paglalaro ko ng Mobile Legends. Bukod sa nakaka-ubos na ng oras, nakakasira pa ng mood kapag natalo ka sa rank game. Tapyas ang stars mo. LOL
Anyways, ang importante nagawa ko na siya ngayon. Better late than never ika nga.
Just want to share itong byahe ko sa Siargao late last year. Sobrang malapit sa puso ko ang lugar na ito dahil taga dito ang aking mahal na Ina. At sa ilang beses kong pagpunta ng Siargao, never ko pa ito naikot talaga ng husto.
Kase nga naman usually kapag alam mong taga dun ka lang, hindi ka interesadong libutin yung lugar eh. Kaya this time I made sure na ma-explore ko na yung iba pang lugar sa Siargao.
How to get there:
- Ang pinakamadaling way makapunta ng Siargao is by plane, which is Manila – Siargao flight. Ang kaso ito din ang pinakamahal.
- So kung gusto mo makatipid, pwede mong gawing route ay Manila – Cebu (by plane), then Cebu-Surigao (by ship), and then last is Surigao – Siargao (by ferry).
- In my case, ang ruta naman na ginawa ko ay Manila – Butuan (by plane), then Butuan – Surigao (van), then last is Surigao – Siargao (by ferry).
You can choose any of the three (3) options depende sa budget niyo or sa trip niyo. Kung ayaw niyong mapagod, definitely piliin niyo yung first option.
Kung gusto niyo namang makamura at makapag ikot-ikot pa sa Cebu (dahil sa gabi lang ang biyahe ng barko going to Surigao), you can use option number 2.
Kung trip niyo naman na mas mabilis ang biyahe compare sa option 2, and at the same time gusto niyo ng mas mura, then yung option 3 ang piliin niyo.
Things to remember:
- Kung gusto niyong mas mabilis ang biyahe from Surigao to Siargao, ang sakyan niyo ay fastcraft (350 to 450 PHP). 1 hour and 30 minutes lang ang byahe.
- Pwede din kayo mag RORO, mas mura siya (100 to 180 PHP) kaso ang biyahe ay aabutin ng 3 to 4 hours.
- Ang General Luna ang madalas talagang puntahan sa Siargao dahil nandito talaga ang magagandang waves. May mga surfing spot din naman in other parts of Siargao, pero sa General Luna kase whole package na ang mga alon na nandoon. Meron para sa beginner, intermediate at para sa mga advance.
- Mag rent kayo ng motor/scooter. Sobrang laki ng General Luna. Akala ko nung una para lang siyang Boracay na kaya mong lakarin from Station 1 to Station 3. Hindi pala, sobrang laki niya na para makagala ka ay kakailanganin mo talaga ng motor.
- Ang pag-rent ng motor o scooter ang nagri-range from 350-450 a day. Sulit na ‘yun kase makakagala kayo kahit gabi. Mahihirapan na kayo maghanap ng tricycle kapag alanganing oras na.
- Ang mga gasolina na mabibili sa General Luna ay usually nakalagay sa bote ng softdrinks (1 liter) na nakadisplay lang sa tabing kalsada or tindahan. Kung babyahe kayo at alam niyong gagabihin kayo, make sure na full tank na yung motor niyo kase mahirap na humanap ng mga nagtitinda ng gasolina kapag alanganing oras na.
- Tutal nasa Surfing Capital of the Philippines ka na, abay dapat lang na subukan mo ding mag-surf! Ang one (1) hour na surfing ay nagri-range from 400-500. Kasama na dun ang instructor at surfing board.
- Kung gusto mo ng taga picture sayo habang nagsu-surf ka, maraming nag-aalok dun. Usually ang singil nila is 200-300 per hour, depende na lang sa pakikipag-usap niyo.
- Cellphone niyo ang gagamitin sa pagkuha sa inyo. Kahit hindi waterproof ang phone niyo, huwag kayo mag-alala kase eksperto na ang mga taga kuha ng picture/video dun. Kapag may paparating na alon, inaangat lang nila yung kamay nila para hindi mabasa yung phone. At kapag malaki talaga yung alon, minsan sinasabayan na din nila ng talon para sure. Hahah.
- Sabi ng mga taga dun, mas maganda daw mag-surf sa umaga kase mas malaki ang alon. Nung nag-try kase ako, sa hapon ako nagpunta eh kaya medyo pa-lowtide na. Mas madali daw makatayo sa surfboard kapag maganda ang alon.
*****
*****
Months before ng biyahe na ito, ako at ang aking pamilya ay may pinagdaraanang pagsubok. Kaya akala ko hindi na matutuloy ang trip na ito. Mabuti na lang at habang lumilipas ang mga buwan ay unti-unti nang umaayos ang lahat.
Habang nasa Siargao ako, na-realized ko na ang buhay ay para lang din pagsu-surf. Ang mga alon ang nagsisilbing mga pagsubok sa buhay natin. Matutumba tayo ng ilang beses, masasaktan, madidismaya, magkakaroon ng doubts, fears, etc..
Pero sa tulong ng Diyos, at sa suporta ng mga mahal natin sa buhay, ang mga problema ay malalagpasan din natin. Gaya sa surfing, after ng mga hirap na dinanas mo ay mararanasan mo ding makatayo at maging masayang muli.
Huwag tayong susuko mga kapatid, lavern lang! Hindi lang ‘yan para sa inyo, kundi reminder ko din sa sarili ko.
Hanggang sa muli! 🙂
“You cant’ stop the waves, but you can learn to surf.” – John Kabat-Zinn
Carpe diem!
God bless everyone..
P.S. May podcast nga din pala ako about Siargao. Pwede niyo pakinggan while driving or habang nagco-commute. Yung iba pang info about Siargao binanggit ko po sa podcast. Enjoy listening and please subscribe.. 🙂
Leave a Reply