Manuel Uy Beach Resort: Kung Paanong Ang 3 Oras Na Byahe Ay Naging 7 Oras

Whew!

Gusto lang naman talaga naming huminga, or take a breather ika nga. Well actually, ako lang talaga at si Lhory ang gustong huminga. Naghanap na lang kami ng karamay. LOL

Medyo stress ako sa work kaya gusto kong mag quick get-away muna. Habang si Lhory naman ay stress yata ang puso, kaya ayun gusto din magpakalayo.

Kaya inaya ko ang mga taga TFIOB kung sino ang gustong sumama, at ang nagconfirm ay sina Rhea at James.

So nag-usap kaming apat kung saan kami hihinga, at napag desisyunan naming mag overnight beach na lang (camping), at ito ay sa Manuel Uy Beach Resort sa Calatagan, Batangas.

Ang Manuel Uy ay katabi lang ng Stilts (Maldives of the Philippines, daw). Medyo nagiging kilala na siya ngayon dahil mas affordable ang presyo niya kumpara sa katabing resort.

So nung araw na nang alis namin, nagkita-kita kami sa may Mcdo sa Pasay Rotonda. Sabi kase sa mga blogs na nabasa namin, meron daw sakayan dun ng bus papuntang Calatagan. Dumating kami dun ng 1:00 PM. 

Nung pagpunta namin sa bus terminal, dun pa lang namin nalaman na wala na pa lang sakayan ng bus dun papuntang Calatagan. Lumipat na daw sa bagong bus terminal sa may Buendia.

Hindi pala updated yung mga blogs na nabasa namin. So kayong mga travel blogger dyan, update update din ng blog ‘pag may time ah? LOL. Biro lang. Basta sa ngayon, tingin ko itong blog ko na ang updated so far. Hahah..

So ayun na nga, walang bus. 1 point. Not a good start kako. Kaya no choice, nag-booked kami ng Grab papuntang Buendia. Meron din naman daw mga van going to Calatagan sa likod ng Kabayan Hotel, kaso dahil malaki ang dala naming mga bag, kaya bus talaga ang gusto naming sakyan.

Nakarating kami ng Buendia around 1:40 PM na. Pumunta kami sa DLTB terminal, at sakto may Calatagan na signage kaming nakita. ‘Pag lapit namin, ayun, puno na. Hindi kami umabot.

Kako kung alam lang sana namin na walang sakayan sa Pasay Rotonda, edi sana sa Buendia na kami mismo nagkita-kita, at umabot pa sana kami sa bus na yun. Pero sabi nga ni James, eh ‘wag na daw namin isipin yun. Tama nga naman, past na eh.

So ayun, nakaka 2 points na kami. Pero okay lang. Antay na lang kami ng susunod na bus. After almost an hour, finally, may dumating ng bus na pa-Calatagan. Pinuno muna yung bus bago umalis. Nakaalis ang bus sa terminal ng 2:45 PM.

Since Saturday ‘yun kaya medyo naipit kami sa traffic. Pero keri lang, at least nakasakay na kami. Kaso eto na, after more than 2 hours sa byahe, tumirik ang bus na sinasakyan namin. Nag-overheat daw.

Tsk, tsk. Nakaka 3 points na kami sa aberya.

Kaya nagsibaba na kaming mga pasareho. Di ko na alam kung anong lugar yun, basta ang alam ko lang malayo pa yun sa Batangas. Mga 5:00 PM kami na-stranded.

Sabi nung konduktor ng bus, antayin na lang daw namin yung next na DLTB na byaheng pa-Calatagan. Yung ibang mga pasahero, mainit na yung ulo. Eh sino ba namang hindi iinit ang ulo dun, eh ang sarap na ng pwesto namin sa bus, tapos ganun ang mangyayari.

Pero so far nakikita ko naman sa mukha ng tatlo kong kasama na okay pa naman sila. Hehehe.. Nakatulong din siguro na yung isa pang grupo na katabi namin ay panay lang ang tawanan kahit na stranded na kami.

Makalipas ang isang oras, wala pa ring DLTB na byaheng Calatagan ang dumadaan. Kaya yung katabi naming grupo, gumawa na ng paraan. Nung may dumaan na jeep, kinausap na nila at kinontrata.

3,000 pesos daw papuntang Calatagan, sabi ni manong driver. Lahat kaming stranded ay nagkasundo na mag ambag-ambag na lang makarating lang sa aming destinasyon.

Hindi na talaga namin maantay yung bus. Kaya kinausap namin yung konduktor na ibalik sa amin yung pamasahe namin, pero nagmatigas sila. Ayaw nila ibalik sa amin yung binayad namin.

Kesa makipagtalo pa, hinayaan na lang namin. This time nakaka 4 points na kami. LOL. Nakaalis yung jeep around 6:00 PM na.

 

DLTB bus
Eto yung DLTB bus na sinakyan naming nag-overheat, nagpabilad sa’min sa araw, nagpa-antay ng matagal, at higit sa lahat hindi binalik yung bayad namin. Plate #UYB 933, DLTB Bus# 565. Yung lalaki sa pinaka left, yan yung konduktor. Sa mga nakakakilala, paki report sa kinauukulan. LOL

 

Medyo mabagal ang takbo ng jeep. Pero okay lang, at least may pag-usad na. Kesa naman kanina na nakatunganga lang kami.

Nakarating kami sa boundary ng Lemery at Nasugbu around 7:15 PM. Bumaba muna kami saglit para mamalengke. After 15 minutes larga na uli.

Bandang 8:45 PM huminto ang jeep na sinasakyan namin. Nasa Matabungkay na kami nun. Ayaw na kami ihatid ni manong driver sa Calatagan, kase ang akala yata niya eh sa Lian, Batangas lang ang usapan. Baka daw hindi na kayanin ng jeep niya yung layo, baka daw mag-overheat na.

So may konteng diskusyon uli. Another delay na naman. Pang 5 points na kako ito. Kinukumbinsi din kami ng mga taga roon na sa Matabungkay na lang daw kami maligo at huwag na daw sa Calatagan.

Pero lahat kaming mga pasahero ay firm sa desisyong tumuloy pa din sa Calatagan kahit gabi na. Nakiusap na lang si manong driver na magdagdag na lang daw ng additional P500 para ihatid kami mismo sa Manuel Uy.

And luckily, galante yung isa sa mga pasareho (manager yata ng 7-Eleven). Siya na ang sumagot ng additional P500. So ayun, tumuloy na kami sa byahe.

Nakarating kami ng Manuel Uy Beach Resort mga bandang 9:30 PM na. Nag-set na agad kami ng tent para makapag hapunan na. Jutoms na kami, sobra.

After dinner, sinimulan na ni James ang kanyang recipe na GinSi, or Ginebra with calamansi. Hindi daw kase yun masakit sa ulo, kaya yun ang inihanda niya para sa gabing yun.

Masarap pala mag-usap ng seryoso kapag may kasamang gin sa gitna niyo. Hehehe.. So ayun, inenjoy namin ang gabi sa masasayang kwento at palitan ng mga opinyon.

Wala man kami sa libong halaga na hotel, pero libo-libong mga bituin sa langit naman ang natatanaw namin habang nakahiga sa buhanginan.

 

*****

 

Despite sa lahat ng mga nangyari or misadventures, wala ni isa man sa amin ang nagsabing hindi naging maganda yung araw namin o naging malas ang byahe namin. Basta para sa amin ang lahat ng mga nangyari nung araw na ‘yun ay puro positibo lang.

Nakakatulong din talaga siguro kapag ang mga kasama mo ay positibo din. Kahit yung grupo na nakasama namin sa jeep (mga emplyeado ng 7-Eleven), buong byahe ay nagtatawanan lang din sila.

Minsan sa perspective lang talaga yan. Kung sa umpisa pa lang ay nagpaapekto na agad kami sa nangyari, malamang hindi namin talaga mae-enjoy ang araw na ‘yun. So kahit halos buong araw ng Sabado ay bumibyahe lang kami, still, lahat kami ay positibo pa din. Kaya ang resulta, na-enjoy namin ang aming paghinga. 🙂

Sa sobrang enjoy namin, hindi na nga kami halos nagpicture-picture eh. Eto lang ang kuha namin..

 

Manuel Uy
Picture muna bago umuwi..

 

 

Manuel Uy Beach Resort
Napakalinaw na tubig..

 

 

*****

Okay, back to travel blog style..

 

HOW TO GET TO MANUEL UY BEACH RESORT:

If coming from Pasay/Manila,
1. From Pasay Metropoint, ride a van going to Calatagan, Batangas (Fare: 180 PHP) or from Buendia terminal, ride a DLTB bound to Calatagan, Batangas (Fare: 168 PHP)
2. Drop-off to Calatagan Public Market.
3. Ride a tricycle going to Manuel Uy Beach resort. Fare: P50.00/person

If coming from Bacoor, Cavite:
1. From SM Bacoor, ride DLTB bound to Nasugbu/Lian (fare: Php135)
2. Alight at Lian Public Market. Ride a jeepney bound to Calatagan (Fare: 40 PHP)
3.  Alight at Calatagan Public Market. Ride a tricycle going to Manuel Uy Beach resort. (Fare: 50 PHP per person or 200 PHP for one-way)

 

OTHER EXPENSES: 

Entrance: 200 PHP
Tent Rental: 500 PHP
If you have your own tent, pay only 150 PHP
Table and Chair Rental: 250 PHP

Motorcycle Parking: 20 PHP
Car Parking: 100 PHP

 

THINGS TO REMEMBER:

  • Low tide sila kapag bandang hapon na. As in “low” talaga, yung tipong isang kilometro ka na hanggang tuhod pa din. LOL
  • Magdala na kayo ng pagkain niyo kase walang mabibilhan dun. Merong sari-sari store, pero malayo.
  • Maraming tao kapag weekend, kaya kung ayaw niyo ng crowded much better kung weekdays kayo pupunta.
  • Blockbuster minsan ang pila sa shower room at CR. Pero enjoyin niyo lang yung pila. Pasasaan pa’t mauubos din yun.
  • Magtayo kayo ng tent sa ilalim ng puno, kase pagdating ng tanghali, sobrang init.
  • Hanggang 4:30 PM lang yata ang last na byahe ng bus bound to Manila, so agahan ang pag-alis sa Manuel Uy kung day tour lang kayo.
  • At higit sa lahat, huwag sasakay sa siraing bus (DLTB, ahem!)

 

P.S. Until now hindi pa din ako sure kung talaga bang tatlong (3) oras lang ang byahe mula Buendia hanggang Calatagan gaya ng mga nakasulat sa ibang travel blogs. So kung plano n’yong pumunta din sa Calatagan, Batangas, i-expect niyo nang mahigit yan sa tatlong oras, lalu na kapag mag-o overheat yung bus na masasakyan ‘nyo. Bwahahaha..

 

Carpe diem!

God bless everyone..

 

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

DLTB bus
🙂
Manuel Uy
Manuel Uy Beach Resort
Shades of Wanderer signature
undefined
🙂
undefined
0
3
3
4
8
3
6
%d bloggers like this: