Mahilo Sa Ganda Ng Iloilo

Iloilo Miag-ao Church

 

Matagal ko nang gustong makapunta ng Iloilo. Ang Tatay ko kase ay taga Bacolod, at mula nung maliit pa ako ay madalas na ako magbakasyon doon. Pero never pa talaga ako nagkaroon ng chance makatapak sa Iloilo kahit na katabi lamang ito ng Bacolod.

So finally, sa huling buwan ng taong 2017, naisakatuparan ko din ang plano kong pagbisita sa Iloilo – with side trip na din sa Guimaras. Eto na ang huli sa listahan ng mga biyahe ko sa taong ito, kaya excited ako.

Na-booked ko ang Iloilo flight ko via Cebu Pacific sa halagang 615 Pesos lang (Piso Fare). Nag-add na lang ako ng 515 Pesos para sa baggage. Minsan kase marami talaga tayong dala-dalang bagahe sa buhay natin. LOL

A month before ng flight ko, nag-email si CebuPac na may pagbabago daw sa time ng pag-alis ko. Instead na 8:30 AM, naging 2:00 PM na. Medyo bitin na yun kung hapon na ang dating ko ng Iloilo, so sayang yung unang araw.

Mabuti na lang kapag may flight changes sa CebuPac, may option ka to rebook your flight sa kung anong araw at oras ang komportable sayo; reroute sa ibang lugar na gusto mo; or refund kung hindi uubra sayo yung first 2 options.

Sa case ko, nagpa-rebook ako ng 1 day earlier of my original flight schedule. Magpapa-reroute din sana ako, instead na Iloilo ang point of entry ko, gagawin ko sanang Roxas para naman makapunta din ako ng Capiz. But in the end, nag-stick na lang uli ako sa Iloilo as my point of entry and exit.

 

WHERE TO STAY

Kung medyo tight ka sa budget at hindi ka naman maselan, isa sa mga sikat na pwedeng tuluyan sa Iloilo ay ang Ong Bun Pension House. Pwede kayong mag-booked sa kanila via Traveloka. I got mine for 384 PHP for single/fan room.

Shared bathroom nga lang sila, pero malinis naman at marami. Yung mga receptionists nila ay mababait at matulungin. Yung wifi sa room ko medyo mahina, pero sa lobby sobrang lakas. I can watch Youtube videos in 1080p nang walang lag – isama mo pa dyan yung mga kasabayan kong nanonood din ng Youtube sa lobby. Maganda din ang location nila dahil madaming jeep na dumadaan sa labas, at halos katapat lang din nila ang Robinsons Iloilo.

Meron din silang aircon room kung medyo mainitin kayo. Ako kase mataas ang tolerance ko sa init, so okay lang ang fan room sa akin. Hindi ko din kelangan ng sobrang laki at magarang kwarto kase buong maghapon ay nasa labas naman ako. Sakto na yung maliit lang na room, at least hindi ka aalog-alog. 😀

 

Ong Bun Pension House
Ong Bun Pension House

 

Ong Bun Pension House
Single Room with fan – pang isahang tao lang talaga

 

Ong Bun Pension House
with cable TV

 

 

PLACES TO VISIT IN ILOILO

Napakaraming old churches sa Iloilo, kaya isinama ko sila sa itinerary ko. Nakakatuwa lang pagmasdan ang mga lumang simbahan at nakakamangha sa kung paano nila itinayo ang mga ito kahit wala pang semento noong unang panahon. Eto ang mga simbahan na napuntahan ko:

 

Molo Church
Molo Church

 

San Joaquin Church.
San Joaquin Church

 

Jaro Church
Jaro Church

 

Miag-ao Church.
Miag-ao Church

 

Isa pa sa mga bagong atraksyon ngayon sa Iloilo ay ang Stairway to Heaven na matatagpuan sa Garin Farm, sa San Joaquin, Iloilo. Kakailanganin mong akyatin ang hagdan na may 456 steps para marating ang tuktok. Magandang paraan ito para maka-burn ng calories. 😀

Sa mga ayaw naman mapagod, don’t worry kase may golf cart sila na pwede mong sakyan. Kelangan mo lang magbayad ng 90 PHP kung paakyat, at 60 PHP naman kung pababa.

Pagdating mo sa taas, mayroon ka munang madadaanang parang tunnel. Pagpasok mo dun, napakadilim muna ng paligid. Pero tuloy ka lang sa paglalakad hanggang sa may matatanaw ka ng liwanag. Oo, liwanag! Mula sa dilim, unti-unting lumiliwanag. Para ka talagang papunta na sa kabilang buhay. 😀

At pag labas mo sa madilim na tunnel na yun ay bubungad sayo ang mga anghel na estatwa na tumutugtog. At literal na may tugtog dun, yung “Hallelujah” na kanta ang paulit-ulit na maririnig mo sa paligid.

Sobrang liwanag talaga kase puro puti lang ang makikita mo. Puti ang langit pati ang buong paligid. Kaya payo ko lang sa mga pupunta, magdala kayo ng sunglasses, lalu na kung mga tanghali kayo pupunta kase ang sakit sa mata ng liwanag. Eto ang mga sample pictures sa Stairway to Heaven:

 

Stairway To Heaven Garin Farm
Lubusin mo na ngiti mo dito sa baba, kase mamaya hingal kabayo ka na. LOL

 

Stairway To Heaven Garin Farm
Nakaka 400 steps nako. Konte na lang..

 

Stairway To Heaven Garin Farm
Paglabas mo ng tunnel, eto na ang bubungad sayo.

 

Stairway To Heaven Garin Farm
at the background is the Holy Trinity

 

Stairway To Heaven Garin Farm
For as the heaven is high above the earth, so great is His mercy toward them that fear Him.” Psalm 103:11 (KJV)

 

 

PLACES TO VISIT IN GUIMARAS

Ang Guimaras ay 15 minutes away lang from Iloilo via boat, kaya huwag kalimutang isama ito sa itinerary nyo. Ang mga maari nyong puntahan ay ang mga sumusunod:

1. Holy Family Hills
2. Mango Research Facilities (NMRDC)
3. Trappist Monastery
4. Plantation Ravina Area
5. Guisi Lighthouse
6. San Lorenzo WindMill
7. Rayment Beach Resort

Nag-hire na lang kami ng tricycle para sa day-tour ng Guimaras. Sa mga nais magpunta ng Guimaras, maaari nyong kontakin ang aming tour guide na si Kuya Joel Guileño sa numerong 0926-763-3190 / 0909-380-9752. Mabait at magaling na tour guide/photographer si Kuya Joel. Na-feature na din siya dati sa KMJS.

Eto mga sample pictures ng aking Guimaras trip:

 

Guisi Lighthouse
Salamat kay Kuya Joel sa kuhang ito..

 

Guimaras Rayment Beach Resort
“Kelan kaya ako matututong lumangoy?” 😀

 

Guisi Lighthouse
Guisi Lighthouse

 

Guimaras
Thanks again to Kuya Joel for this shot..

 

*****

Lessons to ponder: 

Supposedly ang flight ko dapat papuntang Iloilo ay 8:15 PM. Pero na-delay siya ng 1 hour. Not a good start, kako. Pero sige lang, one hour lang naman. Keri na yan.

Pagdating ko ng Iloilo airport, medyo maulan. Nung pagkakuha ko ng bag ko sa conveyor, napansin ko na basa yung bag. Naulanan siguro nung inilabas na sa eroplano at inihatid papuntang conveyor. Buti na lang hindi basa yung mga gamit ko sa loob. Keri na yan.

Nung papunta na ako sa Ong Bun para mag walk-in (hindi ako nakapag-booked online sa first day ko sa Iloilo kase nga I arrived one day early), ang sabi fully-booked na daw. Itinuro naman sakin ng receptionist kung saan may malapit na alternative hotel. Pwede naman daw lakarin na lang.

So habang naglalakad ako sa labas hatak-hatak ang maleta ko, bigla namang umulan. Imaginin nyo yung itsura ko na naglalakad sa madilim na lugar, nauulanan, tapos medyo naliligaw pa. Kako pag fully-booked pa rin yung pupuntahan kong hotel, sa kangkungan talaga ako nito pupulutin. LOL

Sa wakas nakita ko din yung hotel, Budget Inn ang name. Sa pangalan pa lang alam mong mura lang. Nung tinanong ko yung price, ang sabi 1200 ang 12hrs. Ano?! 1200? Eh katumbas na yun ng 3 days ko sa Ong Bun eh. Muntik nakong mapa-mura! Buti na lang di ko gawain yun. So na-keri ko naman.

Since wala na rin naman akong choice, kaya pinatulan ko na. Nung umakyat na ako, pagpasok ko ng room nakita ko walang TV. Kaya bumaba ako (sira ang phone nila) para iinform yung receptionist. Kaya ayun, kumuha pa sila sa kabilang room ng TV.

So okay na noh, nung naikabit na yung TV pag-on ko wala namang signal yung cable. So baba na naman ako uli. Inayos naman nila so ayun meron ng cable. Nung kasarapan na ng higa ko, napansin ko wala pa lang remote. Pero hindi… hindi nako bumaba. Pagod na ako sa biyahe at kelangan ko nang magpahinga. So sige, kahit walang remote, keri na yan.

Sabi ko sa sarili ko bago matulog, mukhang lahat ng nangyari sa first day ko eh hindi maganda. Not a good start talaga. But I will not let all those things to affect me and dictate or ruin my whole vacation. I just prayed to God na magiging maganda ang bakasyon ko simula sa pag gising ko kinabukasan hanggang sa pagbalik ko ng Maynila.

True enough, yung mga sumunod na araw ay sobrang naging masaya at favorable sa akin. In short, sobrang naging maganda at sulit ang bakasyon ko. Napagtanto ko na huwag na natin dapat sayangin ang oras natin sa mga bagay na hindi naman natin kontrolado. Bagkus ay magpatuloy na lamang tayo at ituon na lang natin ang ating atensyon sa mga bagay na kontrolado natin.

Ika nga ni Mandy Hale, “Instead of obsessing over the things you can’t change, focus on what you can.” Sa madaling sabi, keri lang! 😉

 

Carpe diem! God bless everyone..

 

“Forget the former things; do not dwell on the past.” Isaiah 43:18 NIV

 

 

RELATED ARTICLE:

Travel Video | Iloilo-Guimaras Adventure

 

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 11

  • OMG! Ang ganda sobra lalo ng yung Stairway to Heaven. Parang sa ibang bansa lang.
    As for your trip naman, I think happens sometimes na nangyayari yung iniexpect natin but we can always change it, or make the most of it. Glad you enjoyed. ☺

  • Ramdam ko ang hirap mo nung first day sa hirap na pinagdaanan ko ngayon bago makacomment dito. #Lamoyan. Wahahaha. Patience patience…

    Anyway, once pa lang ako nakapuntang Guimaras pero di ko alam na may ganyan kagandang langit! Waaaaaaa… Very good pati ang tour guide/photographer mo! Ang husay!

    • Tama yan, patience lang. Hehehe.. Next time puntahan mo din ang Iloilo, tapos mag side trip ka sa Bacolod. 🙂

      • Been to Ilo-ilo I guess a decade ago. Bacolod din parang 2013 pa yata. Sarap ng food dun! Pero bilang isang kaladkarin, literal na sumusunod lang ako sa mga kasama ko. Hahaha. Onti na lang talaga magmamatapang na ako bumyahe mag-isa. Wahahaha. Sana magawa ko this 2018.

        • Magandang challenge yan kung magawa mong makapag-travel ng solo this year. Kahit for the purpose of experience lang. Basta pag-isipan mo muna, tapos pag ready ka na inform mo ko, baka may matulong ako kahit konte. Heheh..

  • Wow gustong gusto ko sana maka bisita jan sa pilgremage..

    Sana someday magkaroon ako ng chance na maka punta jan..

    Nice one sir

  • Muntik nakong mapa-mura! Buti na lang di ko gawain yun.” — aray ko. sorry na kuya hahaha

    • Hahaha.. Uy, hindi ako judjer ah? Maganda na may balance sa mundo. May mga nagmumura, at meron ding hindi. Boring yata pag lahat hindi nagmumura. Hahaha..

  • I will tell my buddies to go to this website. Thanks for this blog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: