Dear future anak/apo,
As what I’ve mention on my very first post (What Made Me Decide To Start My Own Travel Blog), I’ve been traveling since 2015 and only this year 2017 I decided to start my own travel blog. Every place that I visit, meron at merong mga experiences and lessons akong natututunan. I want to share all of them here in my blog one by one, little by little. As you can see, I have a lot of catching to do, so let me start sa pag byahe ko sa Kota Kinabalu.
Whenever I travel, I only have two (2) rules:
- I will try their delicacies and foods (haven’t tried exotic yet :D)
- I see to it na may magiging kaibigan akong lokal or kapwa ko traveler
Dun sa second rule ko, madalas bago pa man ako pumunta sa ibang lugar or bansa ay may nagiging kaibigan na agad ako na lokal or traveler din going to the same destination na pupuntahan ko. Nagagawa ko yun by posting to different travel groups in FB, sa mga forums and other sites like Couchsurfing.
NOTE: Sa mga wala pang idea, ang Couchsurfing ay isang website/app kung saan pwede kang makitulog or makitira ng “libre” sa mga kapwa mo traveler. Yup, for FREE! Meron silang feedback system wherein both the host (may-ari ng bahay) and the guest (makikituloy) can give references or naging experience nila sa isa’t-isa. So by reading their profile alone, malalaman mo na kung mapapagkatiwalaan ba sila or hindi.
May mga members din ang Couchsurfing, gaya ko, na ang trip lang ay makipag-meet sa kapwa nila traveler. Kaya ang ginagawa ko nagpo-post na ako 2-3 weeks ahead na I’m planning to visit Kota Kinabalu. So pag may taga KK na nakabasa nun or traveler na dun din ang punta they will send you a private message at ayun na, may instant ka meet-up ka na pagdating mo sa destinasyon mo.
Sa Couchsurfing ko nakilala si Ray. He is Chinese, born in Malaysia and married to a filipina. Kay Ray ko nalaman lahat ng dapat gawin the moment na lumapag ako sa airport ng KK – kung anong sim ang magandang bilhin, saan bibili ng ticket ng bus, saan bababa, saan pwede magpapalit ng pera, etc..
So pagdating ko ng KK, nasa itinerary ko na magkikita kami ni Ray on my first night. Yun ang si-net ko kase yun lang ang bakanteng oras ko na medyo mahaba-haba. But unfortunately, hindi kami natuloy. May biglaan siyang lakad. Although nakabalik sya agad, ang problema hindi naman namin makontak ang isa’t isa.
Kaya medyo inis ako that night. Sayang kako, kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, yung iba ko sanang itinerary eh ginawa ko na din that night.
Anyway, kinabukasan nakapag-usap kami uli ni Ray and decided na magkita uli that night. Dahil nga sinusunod ko yung dalawang (2) rules ko, so sige go na rin. Duty daw sya sa work nya, pero pwede ko daw sya puntahan dun kase sa hostel naman daw sya nagwo-work.
I adjusted my itinerary that day para mapuntahan si Ray. Sabi ko siguro I will talk to Ray ng mga 15mins. lang siguro, after that aalis nako para mag dinner sa labas.
Pagdating ko dun sa hostel, ayun kwentuhan kami ni Ray about sa family nya, sa work nya, atbp.. Habang nag-uusap kami, may isa syang guest na taga France na lumabas ng room, at pinakilala niya ito sa akin. Nagkwentuhan din kami ni Ms. France (sorry, I forgot her name, haha).
While me and Ms. France are talking to each other, maya-maya may dumating na isang pinoy. Guest din sya dun at galing sa galaan. After nya, may dumating pang tatlong pinay. “Oh Jeff, meet your co-filipino.” Banggit ni Ray sa apat na Pinoy na dumating. So ano pa nga ba mangyayari pag nagkita ang Pilipino sa ibang bansa? Chikahan to the max itech! 😀
Habang nag-uusap kami ni Ms. France at yung apat na Pilipino, may dumating pa uling mga guests. Si Chew na taga Malaysia din, Si Kesh from England, Cherry from China and Cristina from Sweden. Ang dami na naming nag-uusap this time. 🙂
At dahil nga ang ingay na namin sa lobby, sabi ni Ray sa amin na tutal naman nandyan na kaming lahat, why don’t we go out as one group daw to have our dinner. Nag-agree naman ang lahat, at sabay-sabay na kaming nag-dinner.
Habang nagdi-dinner kami, isa sa mga Pinay, si Glice, suggested a game to break the ice. I forgot the title of the game. Basta all I remember is that game has worked wonders! Ang ingay namin at ang saya-saya namin. Kami na yata ang pinaka maingay dun sa pinagkainan namin. Thirteen (13) ba naman kaming lahat eh. Puro kwentuhan, tawanan at halakhakan. Eto yung picture namin..
Clockwise: Me (wearing blue), Cherry, Chew, Maylyn, Kesh, Rox, Nancy, Err, Glice, Sebrey, Cristina and Ray
Grabe, sobrang saya ko that night. Parang yun pa ang naging highlight ng byahe ko sa KK, hindi yung mga places na napuntahan ko. Instant friends agad. Basta, sobrang saya naming lahat dyan. 🙂
Sa mga hindi pa nakapanood, again here is the link of the video I made during my KK trip (sa 3:45 – 4:30 of the vid kami nagpakilala isa-isa).
* * * * *
So, ano nga ba ang natutunan ko sa KK trip ko?
Minsan may mga gusto tayo mangyari na hindi natutuloy or natutupad. Gaya na lang nung supposedly meet-up namin ni Ray nung first night ko sa KK. Hindi sya nangyari, at medyo ikinainis ko pa sya.
Little did I know na meron pa palang mas magandang mangyayari. Paano pala kung natuloy kami nung first night ko sa KK? Baka hindi ko siguro nakilala yung mga tao sa picture na yan sa itaas.
So for the conclusion, when things do not go as planned, don’t be dismayed. God has something better for you – better beyond our imagination. So just put your trust in Him, and He will take care of the rest.
“To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven.” Ecclesiastes 3:1-8 KJV
Great post. I miss KK!
Thanks!