Travel Guide: Kalanggaman Island

Dear future anak/apo,

 

Eto na yung sequel ng Tacloban trip ko. After ng MacArthur Landing Memorial at San Juanico Bridge, ang Kalanggaman Island ang isa pang lugar na dinadayo sa Leyte dahil sa malinaw na tubig at magandang sandbar nito.

Located sya sa Palompon, Leyte. From Tacloban airport, it will take you 3 to 4 hours ride via van. Wala ng hintuan yun. So kung maihiin ka gaya ko, bago sumakay sagarin mo na yung wiwi mo para bakante ang pantog mo. 😀

Since galing ako sa hostel ko, sa Abucay terminal na ako sumakay ng van. 150php ang pamasahe going to Palompon. Pagdating ng Palompon, punta kayo sa Palompon Liberty Park para magbayad sa boat and other fees.

From Palompon Port, mga isang oras ang byahe ng boat papuntang Kalanggaman Island.

 

Kalanggaman IslandWelcome to Kalanggaman Island! 

 

 

Travel Tips:

– Bago ang Kalanggaman trip nyo, mga 3 days ahead tumawag na kayo sa Eco Tourism Office nila para magpa-reserve. Limited lang ang pwedeng magpunta sa island, so make sure to call them ahead of time.

– Eto ang number ng Eco Tourism Office nila, (053) 555-9731, 0998-555-1421, 0926-816-4005/07.

– Walang kuryente sa isla, kaya siguraduhin na kargado ang mga powerbanks nyo.

– Umigib or bumili na kayo ng tubig pambanlaw sa Palompom Port pa lang kase ang tubig sa poso ng Kalanggaman ay tubig alat din. Applicable ito especially sa mga mag-o overnight.

– Kung balikan or day tour ka lang, pwede rin na pagbalik ng Palompon Port ka na lang mag banlaw. May paliguan sila sa Eco Tourism Office nila, at libre lang yun. Tiisin mo na lang muna yung alat sa katawan mo gaya ng ginawa ko. 😀

– Bumili na din kayo ng pagkain nyo sa Palompon kase walang tindahan sa isla.

– Kung grupo or marami kayong magkakasama, pwede kayong mag rent ng boat. Ang boat yata na 15 person ang capacity is 3000php.

– Kung solo ka naman gaya ko, maki-join ka na lang sa ibang group. Tapos hati-hati na lang kayo sa bayad.

– In my case, ang nakasama ko sa boat ay pitong magbabarkada, isang pamilya (tatay, nanay, anak), magjowa, at ako. Oh diba, pinaramdam talaga nila sakin na mag-isa lang ako. LOL

– Pagdating sa isla, pwede ka mag-rent ng tent or cottage. Sa mga magre-rent ng tent at hindi marunong mag set-up, wag mag-alala kase yung mga nagpaparenta na mismo ang magtatayo nito para sayo. 😉

– Agahan nyo ang pagpunta sa Palompon kase pag peak season, minsan bago magtanghali nagkakaubusan na ng bangka.

– Sa mga day tour lang, ang mga van pabalik ng Tacloban ay hanggang 3pm to 4pm lang. Kaya dapat mga after lunch alis na kayo sa isla para abutan nyo pa yung mga van.

– Maganda daw kung babyahe ang boat nyo ng 6am going to Kalanggaman, kase madalas may makakasabay daw kayong mga dolphins.

– Ang CR dati sa Palompon ay hindi pa masyadong develop. Pero as of this writing, I think na-renovate na nila ito at mas maayos na ang itsura ngayon.

– Malakas ang current sa gilid ng sandbar. May mga signage naman dun kung saan bawal at kung saan pwede mag-swim. Sundin nyo na lang for your own safety.

– Wait nyo muna mag low tide sa hapon or early in the morning para mas kitang-kita yung sandbar. The best ang kuha pag litaw talaga yung mahabang sandbar, “instagrammable” daw (thanks Leigh for the term, LOL).

– Bago umalis ang boat nyo papuntang Kalanggaman, bibigyan nila kayo ng trash bag para doon ilagay ang mga kalat at basura nyo. Kaya pakiusap lang, kung pwede gamitin nyo yun. Kase ang dami ko pa din nakikitang kalat dun sa gilid-gilid like bottles of mineral water, mga balat ng chichirya, etc.. Libre na nga yung trash bag eh, hindi pa gagamitin. Sana naman maging responsable tayo sa paligid at kalikasan natin.

Eto breakdown ng mga nagastos ko for day tour:

Van (RT) – 300php
Boat (RT) – 300php
Lunch (rice/puso, chicken, mineral water) 50php

TOTAL: 650

Oha, very affordable! 🙂

In case mangailangan kayo ng tulong regarding sa pagpapa-reserve ng bangka, pwede nyong kontakin si Kuya Ruel sa 0927-371-6407. May sarili syang bangka, pwede kayo mag-rent sa kanya. Kung hindi naman available yung bangka nya, tutulungan na lang nya kayo maghanap ng mare-rentahan just in case pahirapan maghanap ng bangka. Siya ang tumulong sakin para maisingit ako sa ibang grupo na nag-rent ng boat. Ni-refer lang din sya sakin ng friend kong si Leo Nhor (Hi mam!).

 

For the conclusion, masasabi ko na nag-enjoy talaga ako sa Kalanggaman trip ko. Kahit day tour lang ako – yung pagka prestine ng lugar, yung hindi masyadong crowded, ang malinaw na tubig at maganda nyang sandbar, how can you not come back? 🙂

Isa sa mga favorite kong travel quotes ay, “It’s better to see something once than to hear about it a thousand times“. At naramdaman ko talaga yun nung nakarating ako sa Kalanggaman. 🙂

Sa susunod na balik ko dito mag-o overnight na ako so I can experience and capture the sunset/sunrise there, at para makapag night shot uli ako. And for sure hindi na ako solo nun. 🙂

 

Carpe Diem! God bless everyone.

Shades of Wanderer signature

 

Lazada Philippines

Leave a Reply

Comments 15

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: