Dahil sobrang dami nga ng gusto kong i-kwento sa Japan trip ko kaya hinati ko ang blog ko sa dalawang parte. At huwag na nating patagalin pa, narito na ang Part 2 ng aking Japan adventure..
Pananim – Kapag sinabi mong Japan, ang una mong maiisip agad ay ang busy na syudad at mga high tech na kasangkapan. Pero isa pang side na bihira makita ay ang kanilang yamang agrikultura na mas tanaw mo lalu sa ibabaw, gaya na lang nitong view na ito kapag ikaw ay nasa eroplano.
Parking – Hindi uso ang motor sa Japan, mas sikat dito ang mga bisekleta. In fact, may designated parking talaga para sa mga bike. Gaya nitong pic na ito. Di ko nga lang sure kung bakit yung ibang bike eh nakatumba na. 😀
Payong – Yung ibang mga restaurant nila may mga plastic sa entrance, na gagamitin mo para sa payong mo. Dun mo isusuksok ang payong mo para iwas tulo sa loob.
Stranded – Nung pauwi na ako galing Disneyland, nagka problema yung train. May umusok daw (not sure kung yung train mismo or yung railway), basta stop operation lahat ng connected train stations malapit sa Disneyland. Na-stranded ako sa station na yun for 5 hours, before ako nagdecide na maglakad na lang for more than 1 hour sa nearest train station.
Pero during nung pagka stranded namin na yun, wala akong nakita or narinig na naghuramentado man lang or gumawa ng eksena. Sobrang disiplinado ng mga Japanese. As in nakatayo lang sila dun sa may labas ng machine (kung saan tina-tap yung card para makapasok sa train station na ‘yun) at matyagang nakapila. Walang umaalis sa pila at walang sumisigaw or nagrereklamo. Umalis na nga ako sa pila after 1 hour, pero yung iba nandun pa din talaga.
Pila – Ito pa ang isang nagpabilib sa akin sa mga Japanese. Pati kapag magtatanong lang sa opisyal or representative ng train station, nakapila pa din. Kung dito sa atin yan, malamang yung officer na yan napapalibutan na ng mga nagtatanong kung ano nang nangyari. Pero nung mga panahong yan, kahit stranded na yung mga tao ng ilang oras, kalmado pa din sila. At talagang pipila sila para lang magtanong. Salute talaga sa pagiging disiplinado nila.
Samurai – naranasan kong humawak ng samurai sa isang temple nila sa Japan. Feeling ko talaga para akong myembro ng 47 Ronin. Heheh.. Sa mga hindi nakaka alam, ang 47 Ronin ay isang Japanese movie na pinagbibidahan ni Keanu Reeves.
Shibuya – the most busiest crossing in the world! Iba ang feeling kapag tumatawid sa crossing na yan. Dati napapanood ko lang ito sa pelikulang Tokyo Drift, ngayon nakita ko na mismo. Check niyo pala itong 2 min. scene nila sa Shibuya crossing, sobrang astig!
Sniper – Nagulat ako na sobrang popular pala talaga ng Shibuya crossing. Photographers and videographers are all around the corner. Kita niyo yung may bilog na yan, mga nagpi-picture yan. Kumukuha ng top view. Pati sa ibang building sa paligid ng crossing na yan, ganyan ang eksena. Para kang napapalibutan ng mga snipers.
Billboards – Sample yan ng mga billboard na makikita niyo sa Shinkuju area, or dun sa red light district nila. Hindi yan basta ordinaryong billboard lang, mga escort/service provider yan na lantaran ang pag-a advertise. At kung mapapansin niyo mga lalaki yung nasa billboard diba? Kase marami din palang mga babae sa Japan ang naghahanap ng mga serbisyo ng mga lalaki. Take note, hindi gays ah, straight girls daw ang mga kliyente ng mga lalaking yan.
At gusto niyo ba i-translate ko yung isa sa mga nakasulat sa billboard? Ang sabi diyan, “Good looking is my occupation.” Deyyymmmmm! Hahaha. (Insert thug life shades and the song “The Next Episode” playing in the background)..
Kulang na lang pumalakpak ako nung narinig ko yun sa nag tour sa amin. Nakangiti ako habang umiiling. Deyyymmm talaga! Whoooh, lakas! 😀
Tinignang ko yung reaction ng ibang mga girls (from different country) na kasama namin sa tour that night kung impress ba sila sa mga billboards na ‘yun. Mukhang “meh” lang eh, parang so-so lang. LOL..
Kayong mga girls na nagbabasa nito, do you find those men attractive? And willing to pay ba kayo for their services?
Don Quijote – dito ako namili ng mga pasalubong. Marami din daw kaseng murang items dito. Nasa anim na palapag yata yung branch nila sa Shibuya, at sa pinakataas na palapag dun ka na makakakita ng other weird stuff. Hindi ko na pinicturan lahat, pero check niyo yung susunod na picture.
Laruan – ayan si Ate Girl, mukhang seryoso sa pagpili ng bibilhin niya. Hahah.. I guess normal lang yata sa Japan makakita ng ganyan klaseng mga paninda. Kung dito siguro sa Pinas yan, makakarinig siguro ako ng “Ano ba naman yan?!” or di kaya expressions like “Yuck”, or “Eeww”. Dun kase normal lang yung ganyan eh. No judgement zone sila dun. Sana ganun din tayo dito.
By the way, baka isipin niyo bakit ko pa isinama ito. Ang mensahe lang naman na meron sa larawan na ito ay bagamat conservative ang karamihan sa mga Japanese, pagdating sa ganitong mga bagay ay hindi sila nagiging mapanghusga. Yun lang naman, natuwa lang ako sa hindi nila pagiging hipokrito pagdating sa ganitong bagay.
Shopping stores – nagulat ako sa shopping area ng Tokyo, wala sila masyadong mall pero tingnan mo naman itong picture na ‘to, limang palapag yung Forever 21. Grabe diba? Halos lahat ganyan dun, isama mo pa dyan yung other brands like Uniqlo, H&M, atbp.. Haven talaga para sa mga mahilig mag shopping dyan.
Tokyo Disneyland – sa mga wala pang idea diyan, nasa taas ang presyuhan ng entrance sa Disneyland at Disneysea. Kaya eto, hanggang labas na lang muna ako. Next time na lang siguro ako papasok dyan, para may dahilan pa para bumalik uli. 🙂
Kanal – ito na daw yung pinaka kanal sa Japan, may isda! Hahah.. Sa atin ilog na yang ganyang kulay, pero sa kanila kanal lang yan. May mga koi at iba pang klase ng isda. Kung medyo gipit ka, kuha na lang ng isda dyan tapos ihawin mo. LOL
Beer – Na-try ko yung beer na yan na Strong beer, na every month ay may bagong flavor na nilalabas. At literal na “strong” talaga sya, lalu na sa gaya kong hindi naman talaga mahilig uminom.
Vendo machine – sobrang nagkalat ang mga vendo machines sa Japan. Kada kanto yata may nakikita ako. Lahat halos naka vendo na – pambili ng ticket sa train, entrance sa ibang temples, pang order ng mga pagkain sa restaurant, atbp. May mga vendo machines din akong nakita for burger, fries, ice cream, etc.. Sabi ko nga paano na lang kaya kung kada kanto dito sa Pinas puro vendo machines din. Naku, sigurado ako after 2 days wala ng laman yun. Or worse, baka yung buong vendo na mismo ang mawala. Hahaha..
Traditional Resto – nakakatuwa din na masubukan ang traditional restaurant sa Japan, yung naka-Indian sit lang talaga kayo habang kumakain. Lakas maka-Japanese talaga. Medyo mahal lang ang bayad sa “ambiance”, pero worth it naman. Aksidente lang namin itong nakita ni Sensei. Nagkamali lang talaga kami ng floor na pinuntahan, hahah.. Pero tumuloy na kami nung nakita namin na ganito ang set-up ng resto nila.
Excess Baggage – Oh, sa mga nagpa-planong pumunta ng Japan dyan make sure pasok sa weight limit yung bagahe niyo. If not, magbabayad lang naman kayo ng 2,800 JPY in every excess of 1 KG. Mahirap kase talaga pag may excess baggage sa buhay, kaya tanggalin na natin yan. LOL.. Sa CebuPac pala yan na price, not sure lang sa ibang airline.
Friends – Its always nice to meet new and old friends kapag nasa ibang lugar ka. Eto ang nilu-look forward ko lagi sa mga trips ko, yung makameet ng locals and other travelers. Hope to see you again guys sa mga future travels ko.
*****
OBSERVATION
– Sa lahat ng bansang napuntahan ko, ito yata ang first time na nakita kong ang mga bagahe sa conveyor ay nakasalansang talaga ng maayos. As in alam mong inilapag siya with care and in order. Hindi gaya dito sa atin na mukhang binalibag yung bagahe mo.
– Habang nasa train ako nakakatuwang pagmasdan yung mga bahay, parang yung bahay lang na nakikita ko sa palabas na Doraemon. Parang lahat kamukha ng bahay nila Nobita.
– May CR ang mga convenient stores nila.
– Kung galing ka ng Pinas tapos Japan agad ang napuntahan mo, sigurado malilito ka sa mga trains nila, lalu na kapag nasa Tokyo station ka at Shinjuku station (world’s biggest train station). But since nakapag Singapore at Taiwan na ako, hindi na ako masyadong nahirapan.
– Kung ang MRT natin isa lang ang platform tapos nasa left and right yung train (like sa Shaw Blvd station), sa Japan minsan may 6 na platform. So it means 10-12 trains yun na magkakatabi. Ang dami nun diba?
– Ang MRT pati natin ay isang level lang ng underground kung saan dumadaan ang train. Sa Japan, may station akong napuntahan na ang underground ay tatlong level! Sa unang level, ibang ruta. Pag bumaba ka sa isa pang level, iba na namang set of trains yun. Malilito ka talaga sa dami.
– Hindi photobomber ang mga Japanese. Maraming instances kapag kumukuha ako ng picture, talagang hihinto sila para matapos yung pag picture mo.
– Pansin ko puro mga naka iPhone ang karamihan ng mga Japanese. Actually I’m expecting na maraming naka Sony sa kanila dahil sa Japan galing yun (just like how Koreans supporting Samsung brand and Taiwanese to HTC). Siguro dahil mababa na talaga ang sales ng Sony?
– Isa pang napansin ko ay maraming naka sneakers sa kanila kahit mga babae. At ang brand na madalas makita ko ay New Balance, Chuck Taylor and Nike, respectively. Siguro dahil puro lakad talaga sa Japan?
– Kapag may ubo o sipon ang mga Japanese, nagsusuot sila ng mask. Eto ay para hindi sila makahawa sa ibang tao.
FUNNY MOMENTS
– Naka silent pala ang mga phone ng mga tao kapag nasa train sila. Kaya pala nung sumakay ako ng train from the airport going to my hostel, napatingin sa akin yung katabi kong Japanese na babae nung tumunog yung phone ko.
– Dati hindi ko ma-distinguish ang isang tao kung Japanese ba or Korean. Pero sa pag-stay ko sa Japan, madali ko nang nai-spot ang mga Koreans. Gawa ba ito ng pagnood ko (pinilit lang po nila ako, LOL) ng mga Kdrama?
– Napansin ko na ang daming mga naka bangs na Japanese girls. One time nga sa train, yung isang helera ng upuan puro magkakatabing random na babae na puro naka bangs. Astig! Sayang nga lang hindi ko na-picturan. 😀
– Prinepare ko na talaga ang sarili ko na mahal ang mga bilihin sa Japan, lalu na ang mga pagkain. Kaya sa lahat ng bansang napuntahan ko, dito lang talaga ako nagbaon ng mga tinapay para pagkain ko tuwing breakfast ko or di kaya midnight snack ko. May mga dala na akong Gardenia. Hahah..
Sobrang na-enjoy ko yung Japan trip ko kase petiks mode lang. At sa lahat ng travels ko, dito lang talaga ako hindi nag-alarm sa umaga (except lang syempre nung last day ko going to airport). Gigising ako kung kelan ko gusto, at aalis ako pag trip ko na. As in sobrang chill lang ng mga tour ko sa Japan.
Ayoko na kase maging mala Amazing Race uli ang biyahe ko gaya nung nag SG-KL ako. Kaya I made sure this time hindi na rush ang pag travel ko. Madalas ngang alis ko sa hostel ko is 11 AM or 12 noon na. Chillax lang talaga, hindi minadali.
Natutunan ko sa biyahe na ito na mas mae-enjoy mo ang isang lugar kapag hindi mo minamadali ang mga lakad o itinerary mo. Minsan wala na ‘yan sa dami nang napuntahan eh, kundi yung moments at quality time na inilagi mo sa lugar na iyon.
Ika nga ni Robert Wilson, “If you slow things down, you notice things you had not seen before.”
Lubos talaga ang ligaya ko na makarating ng Japan, kaya I thank God for all His blessings and for giving me this opportunity to enjoy life. And I hope kayo din, na makarating din kayo sa mga lugar na gusto niyong puntahan, at i-enjoy ang buhay — kase hindi tayo nabuhay para magtrabaho…. bagkus, nagtatrabaho tayo para mabuhay.
“A journey is best measured by moments, not miles.”
Carpe diem!
God bless everyone..
RELATED ARTICLE:
Leave a Reply