Is Boracay Too Crowded?

Dear future anak/apo, 

 

Crowded na nga ba ang Boracay ngayon? Yan ang madalas kong naririnig sa tuwing binabanggit ang lugar ng Boracay.

Isama nyo pa dyan ang “Party dito, party doon. Lumot dito, lumot doon.” Ilan lang yan sa mga not-so-positive description nila ng Boracay.

Kaya naging dilemma ko din ang pagpunta sa Boracay dahil nga sa mga naririnig kong ganyan. Pero syempre Boracay pa din yan eh, at dahil hindi pa ako nakakapunta doon gusto ko din makita sya ng personal.

So last year, I was able to booked a flight to Kalibo via AirAsia for P399, round trip! Yes, round trip na yun. Aayaw ka pa ba sa ganyang presyo? 😀

Pagdating ng Kalibo airport, kelangan nyo pang sumakay ng van papuntang Caticlan. Mga 2hrs din mahigit ang byahe. Pagdating ng Caticlan (Jetty Port), sakay naman ng boat papuntang Boracay. Mga 10-15mins na byahe yun.

After ng boat, trike naman ang sinakyan ko going to D-Mall. Another 10 minutes uli. So mula bahay namin hanggang sa hostel ko sa Boracay, naka limang sakay ako (taxi – airplane – van – boat – tricycle).

Gabi na ako dumating sa Boracay, kaya kinabukasan ko pa siya masisilayan. Kinaumagahan lumabas nako para magbreakfast. Pag labas ko ng hostel ko nagulat ako, akala ko nasa Korea ako. Ang daming Koreans eh. 😀

Sabi ng ibang lokal na nakausap ko doon, kapag summer daw usually majority ng mga turista doon ay mga Kano, or yung from Western countries. After ng summer, ang majority naman ng mga turista ay from South Korea at China na.

Hindi ko na naitanong kung bakit ganun ang trend. Pero curious din ako kung bakit eh. Kayong mga nagbabasa ngayon, baka may idea kayo? Paki comment na lang sa comment box para maliwagan tayong lahat. 🙂

 

Okay, so eto ang mga komento ko sa Boracay:

* Powder-like Fine Sand – Totoo nga yung sabi nila, sobrang pino ng buhangin sa Boracay. Kaya pala maraming nag-uuwi nito. Pero ngayon yata sinisita na nila yung mga naglalagay ng buhagin sa bote para iuwi. Di na rin ako nag-uwi, law abiding citizen ako eh. Next time na lang siguro. 😀 By the way, malumot pala sa Boracay, pero usually naglalabasan lang ang mga ito from March to June. Pero after ng ganung season, maaliwalas na uli ang beach at ang tubig.

* Outdoor and Water Activities – Swak ang Boracay para sa outing ng pamilya o magkaka-barkada. Marami silang outdoor and water activities. Personally I tried helmet diving at yung pag ride sa ATV. Aside dun, meron din silang island hopping, parasailing, banana boat, scuba diving, mermaid lesson, jetski, freediving, kite boarding, zipline, etc…

* Night Life – Kung sa umaga beach ang bida sa Boracay, sa gabi yung party-party naman ang bida. Hindi ko alam kung positive or negative ito para sa iba. Siguro kung yung tinutuluyan nyo eh katabi ng mga diskuhan, malamang downside siguro yun para sa inyo. Pero sa akin since ang work ko ay graveyard shift (for 10 years), means sanay ako na gising sa gabi. Kaya okay sakin yung may night life kahit papaano para pwede pa din makapag hang-out.

* Interaction with other tourist and fellow travelers – Dahil nga sa puno ang Boracay ng mga turista, magandang chance din ito para makakilala ka ng kapwa mo biyahero. In my case, na-meet ko dito si Kaori na taga Mexico. Nagkakilala kami through Couchsurfing. Sa mga wala pang idea kung ano Couchsurfing, inexplain ko sya sa blog na ito, Lessons I Learned In My Kota Kinabalu Trip.

Nakaka-inspire ang kwento ni Kaori, after nya mag-ipon ng $10,000 (or 500,000 PHP sa atin), umalis sya ng Mexico para mag-travel. Sarap pakinggan ng story nya. Sa ibang blog ko na lang siguro yun ikukwento. So aside from Kaori, may iba pang mga traveler din akong na-meet at naka hang-out. Just be open lang and friendly para madami kang maging kaibigan.

 

Boracay
My mexican friend, Kaori..

 

Boracay Helmet Diving

Boracay Helmet Diving
Helmet Diving

 

So back to the question, is Boracay really crowded? Siguro sa panahon ngayon kung saan laganap na sa buong mundo ang pangalan ng Boracay, at isama mo pa dyan ang kaliwa’t kanang promo fare ng mga airlines natin, at kung ikukumpara mo siya 10 years ago, I think masasabi ko na maybe YES, medyo crowded na nga ang Boracay ngayon.

Familiar ka ba sa Laboracay? Sabi ng friend ko na makailang beses ng pabalik-balik ng Boracay, hinding-hindi na daw siya uli pupunta ng Boracay kapag May 1 or kapag Laboracay. Sabi nya sobrang dami daw ng tao, yung tipong kapag naglalakad ka sa beach front parang kada hakbang mo ilang balikat daw ang masasagi mo. Halos wala ng space.

At lahat din ng kainan puro pila. Kahit mga karinderya, may pila. Tapos after ng Laboracay, kinabukasan daw nagkalat ang samut-saring basura. Kaya sa pamunuan ng Boracay, sana pag-isipan nyo kung worth it pa ba yang Laboracay nyo. Oo, dagsa ang turisya sa panahon na yan, pero ang basura nyo dagsa din. Sana mabasa nyo itong blog ko. (Kaya guys, paki share na lang sa kanila. Hehehe..)

But on the bright side, magagawan naman ng paraan yang “crowd issue” na yan eh. Hindi naman kase all-year round ay matao ang Boracay. Ang peak season lang naman ng Boracay ay every summer (March to May) at kapag December. Kaya kung gusto mo umiwas sa maraming crowd, iwasan mo lang din yung months na peak-season sila.

Another tip is pwede ka rin pumunta sa iba pang beach. Aside sa Boracay, may iba pang beach na pwedeng puntahan kung saan wala masyadong tao.

Isa na dyan ay ang Puka Beach. Ito daw ang second longest beach sa isla. Pwede nyo siya mapuntahan via tricycle or habal-habal. Mga 15 to 20 minutes away lang from D-Mall. Ang buhangin dito ay di kasing-pino tulad sa Boracay, pero natuwa ako sa lugar na ito kase kakaunti lang ang tao nung pumunta ako. Nakapag-relax ako dito at na-enjoy ko yung view.

Aside from Puka Beach, pwede nyo rin puntahan ang iba pang beaches gaya ng Diniwid, Bulabog, Ilig-Iligan at Punta Bunga.

 

Puka Beach
Puka Beach

 

Puka Beach
Relaxing at Puka Beach

 

Boracay
Hole shot.. 🙂

 

Boracay crowded
Enjoying the sunset

 

* * * * *

Ano nga ba ang natutunan ko sa biyahe na ito? Yung sa topic na “crowded” na daw ang Boracay, or yung hindi na daw magandang lugar para makapag-relax, I guess nasa tao na yun kung paano mo ina-appreciate yung lugar at kung paano ka nga ba magiging at peace.

Sa experience ko, I should say na masaya at relaxing ang limang-araw na pag-stay ko sa Boracay. Kahit maraming naglalakad sa beach, na-enjoy ko pa din yung sunset. Umupo lang ako sa buhanginan at nagmasid-masid lang sa paligid. Mas nag-focus ako sa nature kesa sa mga tao.

And instead na pansinin natin yung mga dami ng taong kasabay nating lumalangoy sa dagat, bakit hindi yung kaputian ng buhangin at linaw ng tubig ang pagtuunan natin ng pansin? We should be thankful na binigyan tayo ng Diyos ng ganitong lugar sa bansa natin.

So again, Boracay maybe a bit crowded now – but by just following the mentioned tips above, and combining it with a positive outlook in life, I’m pretty sure you will enjoy your stay in Boracay, just the same I enjoyed it.

Carpe diem! God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 7

  • As spokeperson ng mga koreans, after summer sila nag boboracay kasi dun pa lang mag start ang summer nila sa korea (hula ko lang ito haha). As ambassador of space, makakarating ito sa pamunuan ng boracay😁

    • Hahaha.. Salamat sa tips kahit hula lang. And thanks in advance na rin sa pagpaparating sa pamunuan ng Boracay.. 😀

  • I absolutely love your blog and find nearly all of your post’s to be exactly I’m looking for.

    Would you offer guest writers to write content for you personally?
    I wouldn’t mind creating a post or elaborating on a number of the
    subjects you write related to here. Again, awesome web site!

    • Thanks! I’m open for guest writers. But I do hope this is not a spam comment. 😀 If its not, then you can send me an email so we can talk about it.

  • IDK but Boracay, still, is my favorite beach here in the Philippines. El Nido is much prettier but my heart still wanted to go back year-on-year in this place. HAHA. Not sure, pang-sampu ko na yata in the next two weeks. Just been there last month. HAHA.

    • Hindi halatang favorite mo siya ah? Hehehe.. I love Boracay as well. And if given the chance, babalik uli ako dun. Ginawa ko lang yung blog na yun kase yung iba jina-judge agad yung Boracay kahit hindi pa naman nila napupuntahan. Maganda ang Boracay, at sana mapanatili natin yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: