Ikalawang Taon Sa WordPress + Tipid Travel Tips On My Podcast

Happy Second Anniversary, Shades of Wanderer!

Akalain mo ‘yun, naka-dalawang taon na din pala ako sa mundo ng blogging. Lately, hindi na ako masyadong nakakapagsulat, pero hindi pwedeng iwan ito kase masarap pa din talaga ang magsulat.

Actually, medyo late na ng konte itong blog post na ‘to kase may mga pinagdaanan lang these past few months, kaya medyo na-busy si mayor. But I’m okay now, happy and contented. Wow, pang Miss U. Hahah.

Anyways, bilang ito ang aking ikalawang taon sa mundo ng blogging, tatalakayin natin ngayon ang topic na madalas itanong sa akin bilang isang traveler.

Paano ba maging budget traveler?

Paano maka-score ng piso-fare? 

Sa dalawang tanong pa lang na ‘yan ay malawak na ang pwede nating mapag-usapan, kaya minabuti kong talakayin ‘yan sa aking…….. Podcast! 

Yup! I’m into podcast na din po. Bago-bago pa lang din naman, mga magdadalawang buwan pa lang siguro. And since 2nd anniversary ko naman, I guess this is the right time para ma-share ko na sa madla ang podcast ko.

Nung una kase parang ayoko po siya i-share, kase hindi pa ako confident sa mga pinagsasabi ko. Hahaha. Pero so far naman sa 10 episodes na nagawa ko, may mga magagandang feedbacks naman akong natanggap kahit papano.

May ilang mga bloggers na akong na-interview at sila pa nga actually ang unang nag-share ng podcast ko sa blogs at social media accounts nila kesa sa akin. Never pa kase talaga akong nag-share. At mukhang masaya naman sila, kaya naisip kong panahon na din siguro para ako naman ang mag-share at ipagsigawan sa mundo na may podcast na ako! Wohooo! 😀

Kung paano at bakit ko sinimulan ang podcast ay malalaman niyo sa first and second episode. Dun naman sa mga tips and tricks about traveling, you can check that on my 10th episode.

Nais ko nga palang magpasalamat kay Chams at kay Kat dahil sila ang nag-suggest at nagbigay sa akin ng idea para i-discuss yung dalawang topics na nabanggit ko kanina.

 

*****

 

Naka-embed sa baba yung episode about sa travel tips and piso-fare tricks. Pero in case hindi gumana yung link, pwede niyo po i-try sa Anchor, RadioPublic, Spotify, Google Podcast, Apple Podcast, Breaker or Overcast.

May Facebook page na din po pala ako, search niyo lang Coffee Na Lang Dear. Kung may topic pa kayong gustong i-suggest or kung may mga katanungan kayo, message niyo lang po ako sa FB page ko.

Enjoy listening! 🙂

 

 

Hakuna Matata!

God bless everyone.

– Jeff

 

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: