Hello Dot Com World!

Sakto, first day of the month of July, I launched my first ever dot com website! I’m quite new here, so I guess I’m still on the honeymoon stage. 😀

Having my own domain/website is a mixed emotion for me. Excited at happy ako, and at the same time malungkot din.

Happy and excited kase bago lang ito para sakin. New experience and new learning. Iba pala kapag may sarili ka nang website, ang dami mo pang dapat aralin. Mga plug-ins, SEO, Google Analytics, etc… Pero maganda kase mas may control ka na sa mismong website mo.

Malungkot kase iba pa din ang interaction ng mga bloggers sa free WordPress eh. Mas madaling maglike, reblog at mag-follow ng mga posts dun. Pati yung palitan ng masasayang comments, iba eh.

Actually, pinag-isipan ko din ito kase nabasa ko yung isang blog post ni Doc Eamer, yung Why I Chose To Let You Go. Nung nabasa ko yun, sabi ko dito na lang siguro ako sa free WP.

But then one of my friend, nung nalaman niyang meron akong blog, ayun niregaluhan ako ng domain name. Yup, binilhan niya ako ng domain name – gaya ng name na gamit ko sa free WordPress which is yung Shades of Wanderer. Sa NameCheap siya bumili, at ako na lang daw ang bahalang mag-avail ng host.

Pinag-isipan kong mabuti kung itutuloy ko ba o hindi. Pero since nandyan na at binigay na sakin on a silver platter, kako sige i-go ko na ito. Wala naman siguro masama kung susubukan ko din magkaroon ng sariling website.

May mga advantages din naman ang pagkakaroon ng sariling domain/website. Number one dyan is pwede mo ito ma-monetize. Pwede ka kumita through Google Adsense. Pwede ka na rin maglagay ng mga affiliate links mo, sell ad space, or sell merchandise and other products.

Nagba-buy and sell na din naman ako through online for 9 years now, so I think pwede rin makatulong ang website para ma-market yung ibang products ko. Maganda din gawing portfolio ang isang website, either sa career na tatahakin mo, or kung anong services ang plano mong i-offer.

And lastly, isa pang naisip kong dahilan ay para matulungan din yung kakilala ko na maisulong yung adhikain/kawanggawa nya. Saka ko na siguro sasabihin kung anong kawanggawa yun kapag nailagay ko na dito sa mismong website ko.

Yan ay ilan lamang sa mga dahilan kaya tinuloy ko na yung pag avail ng sarili kong domain at host. At dahil mabusisi din pala sa umpisa ang pagkakaroon ng sariling website, eto ang mga notes to remember na gusto kong i-share sa mga nagbabalak din mag dot com in the near future.

1. Pwede pa rin kayo makipag-interact sa mga followers nyo and other bloggers sa free WordPress kung mag-aavail kayo mismo ng plan sa WordPress. Sila na bali ang magiging host nyo, they will remove the .wordpress and change it to .com. Yung mga followers, comments at likes nyo ay as is pa din. Downside lang is medyo may kamahalan lang sila ng konte, at hindi ka din yata basta-basta pwede maglagay ng ads, like Google Adsense, etc..

2. Kung gusto nyo naman makatipid sa annual fee nyo, you can avail your domain name sa ibang provider (not WordPress). Like in my case, sa NameCheap galing yung domain name ko. Usually from $0.99 to $10+ a year lang ang singil nila.

3. Kapag may domain name ka na, hanap ka naman ngayon ng magandang web host. Linawin ko lang sa iba pang hindi nakaka-alam, ang domain name at host ay magkaiba. Kumbaga ang domain name ay parang kotse, yung host naman ay parang garahe. Sa host mo ii-store yung mga data na kelangang i-save at ilagay sa website mo. In my case, kay CoffeeMags ako nag-avail ng web hosting, based na rin sa recommendation ni Doc Eamer. Thanks Doc! $1 a month lang ang singil ni CoffeeMags, sobrang mura nyan compare sa ibang host. At Pinoy ang owner nito, so support lokal na din. 🙂

4. Don’t worry kung marami ka ng followers, likes and comments sa free WordPress mo. Pwede yun lahat i-migrate ng host mo. Pwede rin na ikaw na mismo ang gumawa nun by just using a plug-in called Jetpack.

5. Kapag na-set up na ang website mo, pwede ka na magdownload ng iba’t-ibang mga plug-ins. Ang SEO, Google Analytics, atbp.. ay magagamit mo para matulungan kang dumami pa ang traffic sa website mo.

Ayan na muna siguro mga tips ko. Baguhan pa lang din naman ako sa ganitong larangan, kaya medyo nangangapa pa din.

Before I end this post, I just want to thank those people na naging kasangkapan para maisakatuparan ko ang mga ito. Thanks kay Sir Jayson Santos at kay Space sa pagsagot ng mga tanong ko regarding website. By the way, WordPress ang host nila, so pwede nyo rin sila tanungin if gusto nyong kumuha ng plan sa WordPress.

Salamat din kay Doc Eamer for answering all my queries and for recommending CoffeeMags. To my friend who bought my domain name, who know who you are. Thank you sayo.

Sa isa pang friend ko, si Marc, na gumawa ng aking bagong logo. Salamat din. 🙂 Eto ginawa nyang logo para sakin:

 

shadesofwanderer.com dot com

Kay Marc din ako nagpagawa ng logo sa isang sideline business ko, mga four (4) years ago. Until now yun pa din ang gamit ko and no plans of changing it. Kung gusto nyo din magpagawa sa kanya, email nyo lang ako so I can give you his contact details.

And last but definitely not the least, I want to thank God for giving me the resources, the knowledge, and the people around me to come up with my own website. Maaaring maliit lang ito sa iba, but then we should be thankful sa lahat ng bagay, maliit man yan or malaki. 🙂

So ayun po. Naway makita ko pa din ang mga comments nyo sa comment section, and please subscribe po through email for more updates. Thank you!

Carpe Diem! God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

Lazada Philippines

Leave a Reply

Comments 17

  • Yey! Welcome to dot com world! Ang saya nyan wag malungkot ☺️ Enjoy the journey! Ang ganda ng logo kumukuya kim. Nag iba lang ung notification tsaka need pa enter ng name at email address pag mag comment bat ganun?

    • Thanks Space! 🙂 Ayan na, nag dot com nako gaya ng sabi mo. Mala matang-lawin lang ba yung logo? Hehehe.. Ganun yata talaga pag website na mismo, need yata talaga i-input pa yung name at email address. Iba kase yung host eh. Sa inyo kase WordPress mismo ang host. May nag-alert sayo through email about sa new post ko?

      • Oo may alert sya from wordpress.com pero pag click ko ng link dun sa email iba na, di ako naka log as spacekoto, need ko pa mag create ng account ulit ganun tapos need mag confirm. Basta magulo ako mag describe hahahaha! Sige mag follow ulit kasi wala akong picture dito hahahaha!

        • Ah, ganun pala. Hindi pala sya gaya nung sa WordPress na makakapag-reply ka agad. Need pa pala mag sign-in, create account ek-ek.. Yun pala ang isa din sa advantages pag WP ang kinuhang host. Now I know.

          • Ah kaya pala ako naka-receive ng alert sa wordpress kasi may mention ganern. Salamat sa mention dahil dyan nadagdagan ako ng 3 followers ang saya lang 😆

          • Kahit yata walang mention makaka-receive ka pa din ng alert. Not sure though, malalaman natin pag nag post ako uli. Comment ka na lang if ever mag-alert para malaman ko. 🙂

  • naks congratulations sa iyong dotcom!

  • Wow! Ang dami kong mention. LOL! You’re welcome bro! God bless sa dot com! May online store ka ba? Let’s collaborate! Hehe! I have http://liliwtsinelas.com/ 🙂 Nga pala, I suggest, maglagay ka rin ng post mo sa wordpress na mayroon ka nang dot com. I checked your WP wala pa kasi. 🙂

    • Thanks sa pag welcome. 🙂 Yah, may online store din ako pero FB lang gamit ko. Hindi ko pa sila ginagawan ng website. Sige, gawa din ako ng blog post sa WordPress ko para ma-inform sila na dito na pumunta.

  • Hey Jeff, congratulations on your new site! You own it, enjoy it! Milestone talaga sa blogger ang pagkakaroon ng sariling domain and hosting so I can relate sa excitement!

    A work that has a good purpose is truly enriched. Thanks sa pag-share ng talent and life lessons through your stories.

    Salamat din sa mention! Glad nakatulong yung pagsagot ko sa mga questions mo.

  • Woah! Nakakainggit! 😀 In the future, mada-dot-com ko rin yung akin. 🙂 Congrats po! 🙂

  • My partner and I absolutely love your blog and find almost all of your post’s to be precisely what I’m looking for.

    can you offer guest writers to write content for you?
    I wouldn’t mind composing a post or elaborating on a lot of the subjects you write about here.
    Again, awesome web site!

  • Ayon sa kasaysayan, real estate ay napatunayan upang maging isa ng ang pinakamahusay na-gumaganap na mga pamumuhunan sa mga klase.Bilang real estate mamumuhunan sa ating sarili, namin na ginugol ng taon sa pamumuhunan sa pamamagitan ng ang tradisyonal na mga diskarte, lamang upang makita ang maraming ng mga kita mula sa mga pamumuhunan kinakain up sa pamamagitan ng kawalan ng kaalaman, ang mga hindi kinakailangang mga overhead, at middlemen na idinagdag maliit na halaga.Fed up gamit ang lumang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, kami nagsimula ###### sa simpleng ideya na gamitin ang teknolohiya upang muling tukuyin kung paano ang mga tao na invested sa real estate — pagbaba ng mga gastos, pagpapabuti ng kalidad, at palawakin ang pag-access.Nahaharap kami sa aming patas na bahagi ng nag-aalinlangan, kabilang ang mga propesyonal sa industriya na sinabi sa amin na ang aming ideya ay imposible.
    Lumiliko out, sila ay mali.Ang ideya ay simple ngunit makapangyarihan.
    Kumuha ng isang mataas na kalidad na investment klase at gumawa ng mga ito magagamit sa sinuman sa pamamagitan ng isang simple, mahusay, at transparent na mga platform. Sa pera, inilalagay namin ang aming mamumuhunan una, tagal ng panahon.Maligayang pagdating sa hinaharap ng pamumuhunan!

    • Halata namang spam ‘tong message mo at mukhang gumamit ka pa ng translator. Hahaha. Pero dahil nag-effort ka pa, sige hahayaan ko ito sa aking blog pero lahat ng mga links mo pinagtatanggal ko na. Salamat sa pagbisita. Hahaha..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: