MT. DAGULDOL
San Juan, Batangas
Major jump-off: Brgy. Hugom, San Juan
LLA: 13°40.380N 121°19.160E, 672 MASL (+ 672 m)
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 5 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3
Hindi ito ang unang beses na namundok ako, pero ito ang unang beses na isusulat ko siya sa blog. Kaya excited ako, at sana kayo din. 🙂
Nakakatuwang isipin na nagsimula lang ang lahat sa plano kong mag-invite lang ng dalawa o tatlo ka-tao para mailibre ko ng kape bilang selebrasyon ng aking kaarawan, mga ilang buwan na ang nakakalipas. Tapos naging eyeball na, then nasundan pa ng mas malaking meet-up. Hanggang sa ito na, outing na talaga ng TFIOB na sinimulang mapag-usapan nung December 2017 pa.
So ayun na nga po, last week napag desisyunan ng group na umakyat ng bundok. Weeks before ng akyat, nagbotohan muna kung anong bundok ba ang aakyatin namin. Marami kaming mga lugar na kinonsider, but in the end, ang Mt. Daguldol ang nagwagi.
Si Jas ang nag-asikaso sa pag-contact ng organizer, at ako naman ang namahala sa pangongolekta ng pera. Again, contact person na naman uli ako. Actually ayoko talaga na parang ako yung laging punong-abala sa lahat. Pero wala eh, someone has to step up. So ayun, ako uli ang taya, at mukhang nasasanay na din yata ako. LOL
Bali 15 kami lahat-lahat — 12 ay from TFIOB at yung 3 ay mga friend ni Jas. Meet-up place namin ay sa Robinsons Forum (Pioneer), around 1:00 AM.
Nakarating kami ng jump-off area around past 4:00 AM, sobrang aga pa. Sarado pa nga yung registration sa aga ng dating namin eh. Kaya breakfast muna kami. Yung iba naglugaw, pero ako nagkanin ako (kanin is life!). Tom Jones na ako eh, tsaka need ko ng carbo para sa akyatan.
Around 5:30 AM nag-prepare na kami para umakyat. Syempre start muna dapat with a prayer (hindi dapat mawala toh), na pinangunahan ni Marts. After ng prayer, eto na start na ng akyat. Lahat nakangiti pa at fresh na fresh pa ang mga itsura namin.
Tinanong namin yung guide namin kung mga ilang oras bago marating yung summit. Ang sagot sa amin, “Mga dalawang-oras ho.” Yup! Da-la-wang-o-ras “daw”. Hahah..
Well, sa pacing siguro nila kaya ng dalawang-oras. Pero sa mabagal na pacing namin, at unli pahinga and photo-ops, naku, sigurado yung dalawang oras na yan baka wala pa kami sa kalahati. LOL
Tsaka based sa mga past experiences ko sa pag-akyat ng bundok, wala pa yata akong naalala na na-hit namin yung sinabing target time nung guide para marating yung summit. More often than not, hindi talaga yun nasusunod.
At dahil dun nakagawa ako ng computation. Usually yung time na sinabi ng guide, i-multiply mo yun sa 1.5 or 2, yun ang exact time na mararating nyo ang summit. For example, sinabi niyang 2 hours lang ang akyatan, i-expect mo nang aabutin kayo ng 3 & a half to 4 hrs bago nyo marating ang summit. In our case, inabot kami ng apat (4) na oras. Hehehe
Pagdating ng summit, kaunti lang ang naging time namin para makapag pa-picture as a whole group, kase nga biglang umambon ng malakas. Nung umambon na, biglang nagkulasan silang lahat! Ewan ko ba, takot yata sila dumami. LOL
Pero ramdam kong hindi yun matutuloy sa ulan kase hindi naman ganun kadilim ang ulap. Gusto ko sanang sabihan sila na huminahon muna, kaso wala na eh, nagtakbuhan na lahat. Nag-panic na. Kumaripas na ng takbo pababa yung iba. Hahaha..
Sayang, ang dami ko pa naman sanang ka ek-ekan na ipapagawa sa kanila para sa gagawin kong video. Pati yung mandatory “Pawer” napurnada din. 😀 Pero di bale, ire-reserba ko na lang yun sa susunod na climb. 🙂
Nung nawala yung ambon, nagsibalikan din naman yung iba. Kaya lang hindi na kami kumpleto kase nakababa na yung iba papunta dun sa kubo na binilhan namin ng halo-halo. So ayun, kanyan-kanyang pic na ang nangyari.
So after ng picture taking sa summit, nagsimula na kaming bumaba. Akala ko magiging madali na lang ang pagbaba, pero hindi rin siya naging ganun kadali dahil napakaputik ng daan.
Hindi rin nakatulong na nahati na yung group. Tatlo kaming naiwan sa summit. Ako, si Rhea at si Grace ang pinakahuling bumaba.
What do you expect? Isang photographer, videographer at isang model ang naiwan. So i-expect nyo nang susulitin talaga namin yung oras sa taas. Hahaha.. Kayo na bahalang mag-isip kung sino sa aming tatlo ang model. LOL
Nung pababa na kaming tatlo, hindi ako mapalagay kase nga kelangan kong alalayan ang dalawang binibining kasama ko. Siguro kada apat o limang hakbang ko nililingon ko talaga sila, kase napakaputik talaga. Maraming instances na muntik na kami mag-slide.
Si Grace nga hindi na ngumingiti kase masakit na yung paa. Gusto ko na nga kargahin sa likod ko eh. Hahah.. Pero ang totoo, nakakaranas na ako ng konteng pulikat nun. Hindi ko lang pinapakita sa kanilang dalawa kase nga baka panghinaan din sila ng loob. 😀
Nung bandang kalagitnaan na ng pagbaba namin, nakita namin sila Marts, Lani at Genny na nag-aantay sa amin. Sinadya nilang magpaiwan muna para antayin kami. Sa wakas, may kasama na kami nila Rhea at Grace. Anim na kami, plus isang guide. Medyo kahit papaano ay napalagay na ang loob ko.
After ng mahigit isang oras, finally, nakababa na din kami. Nakita namin yung iba naming kasama na kumukain na, at ang ulam ay yung adobo na niluto ni Genny — na sa sobrang sarap ay muntik ko nang makalimutan ang pangalan ko. (Thanks sa Adobo, Genny!)
Pagkatapos kumain ay naligo na kami sa kalapit lang na beach. Pero ewan ko kung beach ba talaga siya kase para siyang batuhan na nilagyan lang ng tubig. LOL.. Parang mas marami pa nga yung bato kesa sa buhangin eh. At bukod dun, medyo mababa na yung tubig. Nakaka 300 meters ka na pero hanggang tuhod pa lang yung tubig.
Pero okay lang, ang purpose lang naman nun ay makapag lublob lang saglit, tapos banlaw na, bihis, and then alis. Naging mabilis na ang byahe namin pauwi. Around 9:30 PM nasa Sta. Rosa na yata kami, at dumating kami ng Boni mga past 10:00 PM na. Kanya-kanyang ng paalam sa isa’t-isa, at kulasan na uli.
*****
Lessons to ponder:
“Bakit nga ba natin ginagawa ito?”
Yan ang tanong ni Genny kay Rhea nung pababa na kaming anim. Medyo nagtawanan lang kami, pero walang sumagot. So sa blog na ito, sasagutin ko siya.
Kung mapapansin niyo, usually mas matagal pa yung oras na ginugugol natin sa pag-akyat at pagbaba ng bundok compare sa pag-stay sa mismong summit.
Pero kahit ganun, bakit nga ba marami pa ding namumundok? As cliche as it may sound, pero naniniwala talaga ako sa kasabihang “It’s not about the destination; it’s about the journey.”
Sa case na ito, yung summit ang destination; at yung paglalakbay sa pag-akyat at pagbaba ay yung journey. Oo, masaya makarating ng summit. Pero ang totoong kasiyahan talaga kapag umaakyat ka ng bundok ay yung paglalakbay nyo.
Sa paglalakbay nyo marami kayong pagsubok na nararanasan — may pinupulikat, may nadudumihan, napuputikan, may hinahapo, etc.. But through adversity ang samahan ay lalu pang tumitibay at mas lalung nagiging close ang isa’t isa.
Yun ang masaya pag namumundok, yung camaraderie ay nabubuo. Yung mga instragrammable photos ay bonus na lang. Pero ang importante talaga ay yung samahan na nabuo.
Isa pa sa mga natutunan ko ay kahit gaano pa kahirap ang ginagawa mo, as long as masaya ka sa mga kasama mo, nagiging madali lang ang lahat. 🙂
Masaya ako na nabuo ang bloggers group na ito (TFIOB). At nilu-look forward ko na marami pa kaming bundok na mapuntahan, at lalo pang tumibay at lumago ang samahan. This is definitely not the last, guys!
Carpe diem!
God bless everyone..
RELATED ARTICLE:
Nawa ay makasama na ako sa susunod kuya hahaha
Tiyak na yan! Garantisado.. 🙂
So sino yung model? Hahah.
Namimiss ko na kayo. Haha. #clingy
Yung walang hawak na camera, sya yung model. Heheh..
Naniniwala din ako diyan. The best relationships are developed during the journey dahil nandiyan ang mga trials na susubok sa tunay mong karakter. If you overcome the trials of your journey, then the destination becomes more beautiful than you could ever imagine.
Naniniwala din ako diyan. The best relationships are developed during the journey dahil nandiyan ang mga trials na susubok sa tunay mong karakter. If you overcome the trials of your journey, then the destination becomes more beautiful than you could ever imagine.
“If you overcome the trials of your journey, then the destination becomes more beautiful…”
Yun! Natumbok mo sir! Yan yung gusto kong sabihin eh. Di ko lang alam kung paano i-deliver. Hahaha.. Thanks sa pag share. 🙂
ginagawa ito para may picture sa summit haha
Hahaha.. Given na yun. Pero syempre hindi lang yan lagi. Heheh..
Nice hehe. wala akong ibang masabi haha
Hahah.. Thanks pa din sa pag-daan.. 🙂
Sana makasama kami next time ❤️
Oo nga Meg, sana next time makasama ka na namin. 🙂
Kilala ko yung model! Haha
Hahaha.. Alam na this..