Cagayan de Oro – White Water Rafting | 15 Things To Remember

Dear future anak/apo, 

 

Cagayan de Oro or CDO is located in northern part of Mindanao in Misamis Oriental and also known as the City of Golden Friendship. Sa pangalan pa lang, mukhang friendly na yung mga tao. 🙂

When you search on the internet for the top things to do in Cagayan de Oro, number one madalas sa listahan ay ang White Water Rafting nila. Approximately 22 kilometers yung river na ito, na nasa gitna ng Cagayan de Oro and Bukidnon.

At first, parang ayoko isama sa itinerary ko itong white water rafting sa kadahilanang hindi naman ako marunong lumangoy. 😀 Marunong ako lumangoy pag abot pa ng paa ko yung lupa sa ilalim. Pero pag lagpas tao na, aba, ibang usapan na yun. Hahah.

Whenever I see videos of people doing water rafting, parang nakakatakot siya tingnan. Mukhang delikado gawin. Pero dahil nasa Cagayan de Oro na lang din ako, bakit hindi ko subukan? Besides, I heard a lot of good feedbacks about CDO’s white water rafting, so I finally decided to challenge myself and try it.

So mga 3 days before prior to my arrival sa Cagayan de Oro, tumawag na ako sa Kagay Whitewater Rafting para magpa-reserve. Isa ang Kagay sa mga operators ng white water rafting sa CDO, at isa din sila sa suggested operator ng TripAdvisor. Hindi pwede ang walk-in, so dapat tumawag muna kayo for reservation.

 

Eto ang mga rates nila as of this writing:

  • Lower Section / 14 Rapids (Beginner) – 1200php, 2-3hrs River Run
  • Mid Section / 24 Rapids (Advance) – 1800php, 3-4hrs River Run
  • Upper Section / 14 Rapids (Expert) – 2000php, 2-3hrs River Run

 

Inclusions:

  • Jeepney transfer (hatid-sundo kayo)
  • Helmets
  • Life vests
  • Paddles
  • Pictures and Video (Add-ons)

 

Things to remember:

  • Yung rapids na nakasulat dyan, it means yan yung malalakas na alon na madadaanan nyo. Hindi naman kase buong 3 hours eh puro rapids ang madadaanan nyo. Majority ng dadaanan nyo ay payapa naman, hindi lang nakikita sa mga pictures. 😀
  • Hindi kailangan marunong ka lumangoy para mag-join dito. Like in our case, yung mga kasabay ko sa boat hindi rin marunong lumangoy. Hindi yun problema kase may life vest naman kayo at guide na aalalay.
  • Mas malalaki ang rapids pag high tide at pag umuulan.
  • Dalawa lang ang schedule ng white water rafting ng Kagay, isa sa umaga (7:30am) at isa sa hapon (12pm).
  • Mas less ang init kapag yung 12pm sched ang kinuha nyo kase makakapag start kayo around 2pm na (2 hours on pick-up, briefing, travel time), so yung araw pababa na kaya hindi na masyado mainit.
  • Sa Beginner hindi pa masyadong malalaki ang rapids. Sa Advance at Expert medyo malalaki na rapids dyan.
  • Kung solo traveler ka gaya ko, no problem. Basta tawag ka lang sa Kagay few days ahead para mahanapan ka nila ng kasabay mo sa boat.
  • Bring water proof bag para may lagayan kayo ng gamit nyo. Make sure din na itali nyo ito sa boat niyo para secure at hindi mahulog during rapids.
  • Pero para mas safe, pwede rin iwan nyo na lang yung gamit nyo sa sasakyan ng Kagay. Madami ng camera at cellphone ang nahulog during white water rafting, at mahirap na ito ma-recover. So para safe, wag na lang kayo magdala ng mga importanteng gamit sa boat.
  • Kung may action cam kayong dala, make sure lagyan nyo ng floater yan para lumutang kahit malaglag.
  • Pwede rin kayo mag-request ng helmet na may helmet-mount na para pwede nyo din doon ilagay yung action cam nyo.
  • Regarding sa pictures and videos, don’t worry kase may taga kuha kayo (sosyal!) 😀 May isa pang separate na boat na susunod sa inyo. Ang role lang niya ay kuhaan kayo. So pag nasa rapids na kayo, kalma lang. Remember, may camerang nakatingin sayo. 🙂
  • Huwag kalimutang mag sunscreen or sunblock kase more or less 3 hours kayong nasa boat. Pwede rin magsuot ng rash guard. Or kung gusto mo i-flaunt yung body mo, pwede rin naka 2-piece. 😉
  • Kapag nahulog kayo sa boat, huwag mag panic. May briefing naman muna bago kayo sumakay ng boat. Ituturo sa inyo ng guide nyo lahat ng mga safety precautions at mga dapat gawin during rafting.
  • Last but not the least, huwag pasaway! Sumunod kung ano ang instruction ng guide nyo (usually sila yung nakaupo sa likod ng boat). Paddle Forward, Paddle Backward, Stop, Paddles Up, etc.. Ilang lang yan sa mga maririnig nyo sa guide nyo. Again, huwag pasaway. Dapat as one kayo, bawal ang magkanya-kanya sa boat.

 

*****

So for the conclusion, I must say na sobrang saya ng experience ko sa white water rafting! Grabe, adrenalin rush at its best! I’m so glad that I didn’t hesitated to try this.

If you’ll ask me if I’m going to try it again? My answer is definitely YES! Kakaibang experince toh guys, so try nyo din. Hindi kayo magsisisi. 🙂

I also like to commend our guide, Kuya Cookie, very funny guy. He was cracking jokes for the whole duration of our water rafting (roughly 3 hours). Grabe, ang daming baong jokes! Hindi nauubusan. Hahaha. Mas sumakit pa panga at tiyan ko kakatawa kesa pag sagwan. No dull moment talaga

And also to Kuya Cookies’ partner, Levy (lady guide), thanks for the wonderful experience as well. And oh, i love the way you smile.. 🙂

LESSONS TO PONDER: Don’t be afraid to try something new. Who knows, that might be your unforgettable experience. 🙂

 

White Water Rafting CDO
Briefing before we start, courtesy of Kuya Cookie

 

White Water Rafting CDO
Kuya Cookie and Levy (at the back)

 

CDO White Water Rafting
Paddle forward!

 

CDO White Water Rafting
This is how calm the water is kapag walang rapids. Picture taking time! 🙂

 

CDO White Water Rafting
High five!!!

 

CDO White Water Rafting
Laughing out loud sa mga jokes ni Kuya Cookie. Nakanganga pa yung iba samin sa sobrang halakhak.. 😀

 

CDO White Water Rafting
Rapids splashing straight into my face! Wohhoo! 😀

 

NOTE: This is the video clip of our white water rafting. Sa 0:53 nalaglag yung guide namin na si Kuya Cookie, and instead na maging tense, nagtawanan pa kaming lahat.. 😀

 

You can also check the travel video of my Cagayan de Oro and Bukidnon Adventure.

Carpe diem! God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Comments 27

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: