Batanes Of The East? No, Its Dingalan.

Dear future anak/apo,

 

Some says its “Batanes of the East”. But no, I prefer to call it “Dingalan”, coz’ it has identity of its own. Yah, maybe the view is somewhat similar to Batanes, pero hindi dapat maging anino lang ng Dingalan ang Batanes.

Kaya nga nabuo yung term na Dingalan Syndrome dahil sa angkin nyang ganda. So next time na makapunta kayo dito at tinanong kayo ng mga kaibigan nyo kung saan kayo napadpad, just say, “Sa Dingalan”. 🙂

Okay, so mag-start nako sa kwento. This travel was only planned three (3) days prior. Oh diba, iba talaga pag biglaan ang plano kase natutuloy. Minsan yung matagal ng plano yun ang hindi natutuloy eh.

Anim (6) kami sa byahe na ito – ako, si Jet (ka-bundok at katakbuhan ko), si Boy (officemate ko), at ang asawa nya at dalawa nilang chikiting.

Usually may mga travel packages ka ng makikita online na nagri-range sa 1500 pesos for a 2 days 1 night sa Dingalan. But since si Jet ay may kakilala sa Dingalan, kaya nag DIY na lang kami.

These are the places to visit:

  • White Beach
  • Lighthouse
  • Mountain View
  • Lamao Cave
  • Tanawan Falls

– From Five Star Cubao Terminal, ride a bus going to Cabanatuan (fare is 185php). Travel time is around 3 and a half hrs.

– Pagdating ng Cabanatuan terminal, may mga van sa tapat papuntang Dingalan (fare is 100php). Inabot kami ng 30mins bago mapuno. May nabasa ako sa ibang blog na inabot daw sila ng almost 2hrs bago mapuno yung van. So take note of this, para makapag-adjust kayo sa itinerary nyo. Travel time is 1 and half hours.

– Then sakay uli ng trike going to Feeder Port (20php)

– Sa Feeder Port na kayo sasakay ng boat papunta sa White Beach. Take note, yun lang ang pangalan ng resort. So don’t expect na mala-Boracay ang sand dun. Travel time is 15 minutes.

– In our case, may contact na kaming bangkero/guide, si Kuya Kulot. Kakilala sya ni Jet, kaya sya na ang kinontak namin. Eto ang contact # nya, 0930-692-7558. Maasikaso si Kuya Kulot, at alam din ang tamang mga angle pag picture taking na, especially pag nasa Mountain View kayo.

– Si Kuya Kulot na din ang guide namin sa iba pang mga destination. Usually ang bayad sa kanila is 200 per destination. Sa buong group nyo na yun. Halimbawa ang gusto nyo lang puntahan is Mountain View at Lighthouse, 400php lang ang bayad nyo sa kanya. Lahat ng guide dun same lang sila ng rate lahat. Eto nga pala si Kuya Kulot while taking picture sa iba pa nyang guests. Bangin na yung paligid ng tinatapakan nya, pero wala lang sa kanya yan. Partida, naka yapak lang sya..

Dingalan Aurora_1

 

– Pagdating sa white beach, hindi na kami nag-rent pa ng tutulugan. Nag tent na lang kami. Rent will cost 200php para sa pang-isahang tao. Pwede rin kayo mag-rent ng cottage. Yung ibang traveler sa cottage lang din natutulog.

– Sa food naman, kay Ate Neneng kami nagpaluto. Siya na ang nag-asikaso ng kakainin namin. Kakilala din sya ng friend kong si Jet. Grabe, ang bait nyang si Ate Neneng. 🙂 You can also contact her kung gusto nyong mag-rent ng cottage nya or magpaluto ng pagkain. Eto numbers nya, 0909-031-6069 / 0909-834-4677 / 0906-940-5733.

– Another thing, walang ATM sa White Beach, so bring enough cash.

– And one more thing, generator lang ang gamit nila dun. So make sure you have your power banks with you. Pag na-lowbat na power banks nyo, ipa-charge nyo na lang kay Kuya Kulot tapos iwan nyo na lang. Balikan nyo na lang after ng tour nyo.

– May zipline na din sila dun. Mga 3 months pa lang daw yun sabi ni Kuya Kulot. Syempre hindi ko pwedeng palagpasin yun.. 🙂 Price is 200php lang.

Dingalan Aurora_zipline

 

– Meron din palang assistant minsan si Kuya Kulot. Ang name nya ay si Rizaldy. Easy to remember diba? 😀 On our way to Mountain View, may madadaanan kayong may malaking ugat ng puno na pwede nyong lambitinan.

– Pero si Rizal, may kakaibang talent. Kaya nyang lumambitin dun patiwarik gamit lang ang kanyang mga paa. Sabi ni Kuya Kulot wala pa daw ibang guide sa Dingalan ang nakakagawa nun, tanging si Rizal pa lang. Syempre hindi namin pinalagpas yun, kaya nagpa-picture na din kami sa kanya while doing the stunt..

Dingalan Aurora_2

– Medyo nahirapan si Rizal dyan. Nabigla yata kase on-the-spot eh. Lol.. Tsaka kaming guests pa lang daw ang nakapagpa-picture sa kanya while doing that. Nice! 🙂 So dahil natuwa kami, inabutan naman namin sya ng konteng pang meryenda dahil pinaunlakan nya ang aming hiling.

– So kung plano nyo ding magpa-picture ng ganyan sa kanya, sana naman wag TY lang. Kita namin hirap nya eh. Di lang halata sa picture kase nakangiti sya at nakapamulsa pa.. 😀

– Ang Lighthouse ay maganda puntahan pag sunset, while yung Mountain View naman ay pag sunrise.

Light House_Dingalan

 

– Regarding nga pala sa CR nila, wag din kayo masyado mag-expect kase hindi pa masyado develop yung lugar. Actually, mas gusto ko pa nga minsan yung ganun kase minsan yung pagiging develop ng isang lugar means more turista. At pag marami ng turista, ayun na, start na sa pagdami ng basura sa paligid. Sorry, hindi ko naman nilalahat. Pero marami pa din talagang mga traveler ang walang disiplina.

– Sa pagpunta nyo naman ng Tanawan Falls, mula dun sa drop-off point nyo, kelangan nyo pa maglakad ng mga more or less 15 mins. Dun na din kayo magbabanlaw sa drop-off point nyo. May mga bahay dun na may banlawan, for only 20php kada tao.

– On your way to Tanawan Falls, may madadaanan kayong lugar na may malaking bato. Pwede kayo umakyat dun saglit at mag-picture taking. Maganda ang view dun. Eto yung pic ko sa itaas..

Dingalan_rockies

 

– At bago ko nga pala makalimutan, ang last trip ng van going to Cabanatuan is hanggang 2pm lang.

– In our case since sampu (10) kaming gina-guide ni Kuya Kulot, nag-rent na lang kami ng van dun for 1200php. Bali P120php each lang. Not bad. Anytime yun na gusto naming umalis. Tatawagan na lang namin yung driver pag malapit na kami matapos magbihis at mag-ayos.

– Yung driver na yun ay ni-recommend lang ng isa sa mga trike driver na sinakyan namin papuntang Tanawan Falls. So ask nyo na lang dun kung may kakilala silang pwedeng rentahan na van just in case medyo hapon na kayo makauwi.

Eto yung breakdown ng mga expenses ko..

  • Bus – 185 x 2 = P370
  • Van – 100 + 120 = P220
  • Trike = P70
  • Food = P350
  • Tent = P200
  • Boat = P100
  • TOTAL = 1,310php

– Yung sa boat kaya P100 lang kase marami kaming kasama sa boat, so yung P800 hati-hati na lang. Sa food naman discounted na yan, courtesy of Ate Neneng and Ate Lenny of Sheldane Travel and Tours.

So ayan, I hope makatulong itong blog na ito sa pag visit nyo sa Dingalan, Aurora. Below is my short clip of my travel experience in Dingalan.

Carpe Diem! God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

 

 

 


Leave a Reply

Comments 6

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: