Ayala Triangle Gardens | May Oras Pa

Isa sa mga nakagawian ko nang gawin simula nung nakaraang taon ay ang maglakad-lakad muna sa palibot ng Ayala Triangle Gardens bago ako pumasok sa opisina. Halos kapitbahay lang kase namin ito. Kung medyo mahaba pa ang free time ko bago magsimula ang shift ko, minsan yung kahabaan ng Ayala Avenue ang nilalakad ko. Matik ‘yan, parang naging routine ko na ang magpaikot-ikot sa Ayala Triangle bago sumabak sa stressful na trabaho. Ang maglakad habang pinagmamasdan ang mga puno’t halaman, samahan mo pa ng musika na pinatutugtog mo habang nakasalpak sa tainga mo ang headphones, ay tunay ngang nakaka-relaks para sa akin. Masarap pati huminga at lumanghap ng sariwang hangin sa berdeng kapaligiran. Bukod sa paglalakad-lakad, nakakatuwa din pa lang mag-obserba ng mga tao sa paligid ng Ayala Triangle Gardens. May iba na nagpi-picnic sa damuhan, may mga naglalaro, may nagja-jogging, may nag-eensayo ng karate, may nagyo-yoga, may nagre-review ng mga aralin, may nagtatawanan, may nag-eemote, atbp.. Narito ang ilang mga eksenang nakuhanan ko sa aking cellphone.  
Harding tatlusok ni Ayala
Mga batang naglalaro ng football. Di hamak na mas masayang laruin ito kesa sa mga games natin sa smartphone.
Mga magkakaibigang naglalaro ng Pinoy Henyo..
Ipinapasyal ang alagang aso..
Si ate na payapang nagbabasa ng libro..
 
Si kuya na mahimbing na natutulog…. na nakadekwatro pa.
Nagpa-practice ng photography..
 
Flair bartending naman ang trip dito ni kuya..
May mga soloista din, pero minsan talikuran lang sila. Gaya nito, malay natin sila pala itinadhana, diba? Haha..
 
Mga foreigner na nagva-vlog. Todo explain si kuya dyan habang kinukuhanan siya ni ate. Nakailang take din sila niyan..
At syempre, hindi mawawala ang mga mag-jowa sa paligid. Sana may forver sila. Hahah..

****

Labinglimang taon na akong nagtatrabaho sa Makati, at last year ko lang na-appreciate ang lugar na ito, maging ang iba pang nasa paligid ng aming gusali. Sa maniwala kayo’t sa hindi, yung Manila Peninsula Hotel nga eh, araw-araw kong nadadaanan ‘yun pero hindi pa ako nakakapagpa-picture dun kahit isa. Ano ba nga ang gusto kong tumbukin sa blog na ito? Usap-usapan sa opisina namin na ilang buwan na lamang mula ngayon ay malilipat na ako, at ang iba ko pang mga kasama sa isang branch namin sa bandang South. Panibagong pakikisama, bagong environment. Ang branch namin na ‘yun ay nasa gilid lang ng highway. Sa madaling salita, walang lugar dun na katulad ng Ayala Triangle Gardens. Wala na akong malalanghap na sariwang hangin, at ang berdeng kapaligiran ay mapapalitan na ng usok galing sa mga sasakyang dumaraan. Bakit kung kailan nagsisimula na akong i-enjoyin ang mga bagay-bagay sa paligid, saka naman ito biglang ilalayo sa akin? Pero hindi ako nagrereklamo. Handa akong harapin kung ano man ang nag-aantay sa akin sa bagong lugar na aking lilipatan. Malay natin, baka may mga bagong oportunidad na nag-aantay sa akin doon. Sa labinglimang taon ko sa opisina namin sa Makati, naging comfort zone ko na ito. Panahon na siguro para lumabas ako sa kahon na ‘yun at i-explore pa ang ilang mga bagay. Pero hindi naman talaga tungkol sa paglipat ko o ang Ayala Triangle ang gusto kong ibahagi dito. May mga napagtanto lang ako sa sitwasyon ko. As cliche as it may sound (oh ayan, i-Englishin ko na ah), most of the time we only appreciate things when we lose it or until its gone. In my case, hindi pa naman siya “gone”. Makakapaglakad-lakad pa din naman ako sa Ayala Triangle ng ilan pang mga buwan. Kaya ninanamnam ko na siya. At mas lalu ko pa siyang naa-appreciate ngayon kase alam kong hindi ko na siya magagawa uli gaya ng dati. Makakadalaw pa din naman ako anytime sa Makati, pero syempre yung habit ko ng paglalakad-lakad para ma-recharge ay hindi ko na magagawa ng madalas. Ikaw, may mga bagay ba sa buhay mo na importante pala sayo pero binabalewala mo lang? May mga kaibigan ka ba o mahal sa buhay na hindi mo napapansin masyado or naa-appreciate? Hindi pa naman siguro huli ang lahat, brad. Pero aantayin mo pa ba? Kaibigan, tara lakad tayo.. Hakuna Matata! God bless everyone. – Jeff
“You always know what you have, you just never think you would lose it.”

Leave a Reply

Comments 2

  • Ayala Triangle ko, miss ko na ang aking nightly run dito. Haysst. Lamo, mula ng nadiscover ko un, lagi ko ninanamnam ung pgrarun ko dun. Lalo na pg December. Masayang masaya ko na nkikita mga ibat ibang ilaw na ngsasayaw.
    Kaibigan, tara! Lakad tayo. Bibili ko ng mataas na chocolate ice cream sa Family Mart. Dun sa may ilalim ng arko, sa stairs sa gitna ng stocks exchange- gusto ko dun umupo.
    Napakamemorable kse sakin dun.
    Tapos pipiktyuran kita sa me baba ng Manila Peninsula, ang background – ung dalawang grand na hagdan na ngsasalubong at me tubig na bumabagsak. Ngiti ka ha!
    Klik!!Sisingilin kita ng singkwenta pesos. After 30 minutes, bibigay ko sau ang nadevelop na blow-up piktyur na me plastic pa. Ang saya- saya diba?

    • Mukhang magandang negosyo yang naisip mo ah? Ide-develop yung picture tapos nakalagay sa plastic? Pwede! Heheh.. Tara kaibigan, lakad tayo! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

🙂
undefined
🙂
undefined
0
3
3
4
8
6
0
%d bloggers like this: