Siyam na taon na ang nakararaan, nakaharap ako sa PC ko at gumagawa ng reports nang lapitan ako ng ka-officemate at ka-batch kong si Rolicys, o kung tawagin namin ay si Batang.
Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang makipag kwentuhan.
“Jeff, nakakalimang taon na tayo dito sa kumpanya. Kalahati na lang ang bubunuin natin para maka-sampung taon tayo. ‘Pag nagkataon, pareho na tayong aakyat sa stage para awardan ng singsing.” Banggit ni Batang sa akin habang nakangiti.
“Oo nga eh, parang ang bilis ng panahon. Nakalimang taon na agad tayo.” Tugon ko kay Batang.
“Tingin mo Jeff, aabot ka pa dun?” seryosong tanong sa akin ni Batang.
“Hindi na siguro. Hindi ko nakikita ang sarili ko na aabot ng sampung taon dito sa kumpanyang ‘to. Hindi ko naman din pangarap yang mga award na yan eh. Siguro by that time baka nasa abroad na ako, or di kaya baka may sarili na akong negosyo.” Tugon kong muli kay Batang habang kinukuha ang aking tumbler para uminom.
Pagkatapos kong masambit ang mga salitang ‘yun ay hindi na nagtanong pang muli si Batang. Tumango na lamang siya sa akin habang hinahalo ang bagong timpla niyang kape.
Alam kong pangarap ni Batang na magkaroon ng ganung mga award dahil sigurado akong nakikita niya ang sarili niyang magre-retiro sa kumpanya namin. Ang Tatay at Tiyuhin niya ay sa kumpanya din namin nag-retiro, kaya alam kong yun din ang pangarap niya. Pero hindi na lamang niya ‘yun binanggit sa pag-uusap namin.
*****
Tatlong taon matapos ang pag-uusap namin na ‘yun ng aking ka-officemate, ay naging magka-duty uli kami. Sabado ‘yun ng gabi, kaming dalawa lamang ang nasa opisina ng mga panahon na yun dahil nasa field na yung ibang mga kasama namin.
Sa mga oras na ‘yun ang topic namin ay hindi na patungkol sa mga loyalty award ng opisina, kundi patungkol sa katatapos lang na company sportsfest. Nanalo siya ng award sa sinalihan n’yang laro, ang tug of war.
Masayang-masaya siya kase sa pitong-taon niya sa kumpanya, ‘yun pa lang ang first time niyang makadalo sa sportsfest. Nakakatuwa daw palang sumali sa ganung mga activities. At sinabi niya na next year isasama na daw niya ang mag-ina niya para mas enjoy daw.
Pagkatapos namin magkwentuhan ay bumalik na uli ako sa desk ko, and as usual, humarap na naman sa PC para gumawa ng reports. Siya naman ay nasa bandang likuran ko at nanood muna ng TV habang nagpapahinga.
Matapos ang pinapanood niyang palabas sa TV ay tumayo na siya. Nagulat na lang ako na may biglang lumagabog na malakas.
Lumingon ako sa likod para tingnan kung ano ang nangyari. Laking gulat ko nang makita ko ang officemate ko na nakahandusay na sa sahig. Nakadilat at tirik ang mga mata, pero humihilik siya ng napakalakas. Para bang naghahabol ng hininga.
“Batang! Batang! Anong nangyari sa’yo?! Batang!” Pauulit-ulit kong sinisigaw ang mga katagang ‘yun habang ginigising ko siya at inaalog.
Hindi ko alam kung anong first aid ba ang dapat gawin sa ganun. Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko rin naman siya kayang buhatin dahil malaking tao siya at may katabaan din. At hindi ko rin alam kung paano hihingi ng tulong dahil nasa 11th floor kami.
Nagdasal ako sa Panginoon para i-guide ako kung ano ang dapat gawin. After ko magdasal, biglang sumagi sa isip ko na humingi ng tulong sa katabing kumpanya namin. Baka kako may tao na pwedeng makatulong.
Tumakbo ako palabas ng opisina namin at pinuntahan yung isang kalapit na kumpanya na nasa 11th flr lang din. Kinatok ko ng kinatok, at may lumabas na guwardya. Humingi ako ng tulong sa kanya at dali-dali siyang pumunta sa opisina para tingnan si Batang.
Ginawa na ng guwardiya ang mga paunang lunas na dapat gawin sa ganung sitwasyon, pero hindi pa din bumubuti ang kondisyon ni Batang. Kaya’t bumaba na siya sa ground floor para humingi ng tulong sa building security.
Umakyat ang mga security ng building namin at isinakay siya sa wheelchair (wala silang stretcher). Sakto namang dumating na din ang dalawa pa naming kasama, at sila na ang sumama kay Batang para maihatid sa ospital.
DOA.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang officemate ko. Isang napakalungkot na balita na kumalat agad sa iba pang branches namin.
Ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa pangyayaring ‘yun. Nasaksihan mismo ng dalawang mata ko kung paano mag-agaw buhay ang isa sa mga malapit kong ka-opisina.
*****
Dalawang taon matapos ang pangyayaring ‘yun, umabot na ako sa ika-10th year ko sa kumpanya. Awardee na ako.
Tuwing Christmas party ay may awarding na nagaganap. Ina-awardan ang mga naka 10 years, 15, 20, 25 & 30 years sa company.
Sa stage ng Grand Ballroom ng Bellevue Hotel sa Alabang, at sa harap ng mahigit isang libong empleyado, tinawag ang pangalan ko. Iniabot sa akin ang singsing at cash.
Handshake sa mga boss, sabay ngiti sa mga photographer.
Magkahalo ang emosyon na nararamdaman ko habang nasa stage na ‘yun. Masaya ako na nakatanggap ako ng ganung award mula sa opisina. Pero at the same time, malungkot ako dahil hindi ko kasama ang ka-batch ko na si Batang.
*****
“How ironic noh? Kung sino pa yung tao na pinangarap na makarating sa stage na ‘to, siya pa yung hindi umabot. Tapos ako na hindi ko naman pinangarap yung ganito, eh umabot ako.” Banggit ko yan sa sarili ko habang pinagmamasdan ko yung singsing na inaward sa akin, na may nakaukit na logo ng kumpanya sa ibabaw at pangalan ko naman sa ilalim.
Marami ang mga awardees taon-taon kaya walang speech na nagaganap. Kaya ito, dinaan ko na lang sa blog. Pero kung mag-i speech ako ng mga panahon na yun, ito ang sasabihin ko…
“Batang, alam ko pangarap mo itong award na ito. At alam kong karadapat ka tumanggap ng ganitong award hindi lang dahil loyal ka sa kumpanya, kundi dahil napakasipag mong empleyado at napakamatulungin mong officemate.”
“Kaya itong award na ito ay iniaalay ko sa’yo at sa iyong pamilya. Alam kong masaya ka na sa kung saan ka man naroroon ngayon. Muli, salamat sa mga masasarap na kwentuhan at masasayang alaala.”
*****
Ang aral na natutunan ko sa pangyayaring ‘yun ay matuto tayong magpasalamat lagi sa Kanya kahit na pakiramdam natin na minsan parang hindi natutupad o nangyayari yung mga hinihiling natin.
Ninais kong makapag-abroad noon, pero mukhang dito muna ako gustong ipag-stay ni God. Hindi ko alam kung ano ang purpose Niya, pero sa Kanya ko na ipinagkakatiwala ang lahat.
Bukod sa maayos na trabaho na meron ako ngayon, ipinagpapasalamat ko din ang buhay na ipinagkakaloob Niya sa akin araw-araw.
Next year aakyat na naman ako ng stage para tumanggap ng award sa ika 15th year ko sa company. Again, hindi ko naman hangad na makatanggap ng ganun. A gift of life is always one of the best gift na ibinibigay ni God sa atin araw-araw, kaya i-appreciate natin ito, guys.
Kahit marami tayong hinaharap na problema, masarap pa rin mabuhay.
Hakuna matata!
God bless everyone..
– Jeff
P.S. Ngayon ang ika 6th year death anniversarry ni Batang kaya naisip kong ilathala ang blog na ito.
Paskong umaga, naiyak naman ako sa post na ito.
Ang “Hakuna Matata” ay isang lengwahe ng Central East Africa na
Swahili. Ang “Hakuna” – “ang doon ay hindi dito”; ang “Matata” naman ay
“problema” Hindi ko man nakilala ng personal si Rafiki Rolicys, pero
“Tutaona” (See you later)
Pero dahil Hakuna Matata daw, papalitan muna natin ng ngit ang iyak: “Hata uwe kauzu vipi,
huwezi kujamba wakati unatongoza”
Heheh.. Pasensya na kung naiyak ka sa mismong araw ng pasko pa. Anong language yan? Nag-search ako, about yata sa driving yan.. tama ba? Salamat pala sa pagbisita sa aking blog. 🙂
Ay d mo ba nasearch? Hata uwe kauzu vipi, huwezi kujamba wakati unatongoza
It doesn’t matter how shameless you are, you cannot fart when you are wooing a lady.
Nghanap lng ko ng funny Swahili language para nmn mabalanse ang lungkot. 😊😊
Hahah.. I see. Salamat sa bagong lenggwaheng iyong ibinahagi. Maligayang bagong taon sayo.. 🙂
Spot on with this write-up, I truly think this website needs much more consideration. I’ll probably be again to read much more, thanks for that info.