“Giving Back” sa Aking Kaarawan

“No one has ever become poor by giving.”

It’s been a while! Halos makalimutan ko na yung password ko sa blog na ‘to sa tagal kong hindi nakapagsulat. Haha. Buti na lang may notes ako ng mga passwords ko sa lahat ng email at iba’t-ibang online accounts.

So ayun, napasulat ako dahil it’s my birth month! Wohoo! Mukhang marami nga kaming nagce-celebrate ng birthday kapag November eh. Bakit kaya? Dahil ba malamig kapag February? Haha.

Anyway, maikli lang itong blog na ‘to. Gusto ko lang i-share na nung araw ng birthday ko eh nagsagawa kami ni Rhea ng parang donation drive. Nag-prepare kami ng food, then pinamahagi namin ito sa mga homeless or yung mga nasa kalsada.

Matagal ko na talagang gustong gawin ito. Yung instead na ipanghanda mo ng bongga, eh ishe-share ko na lang sa mga nangangailangan at nagugutom sa kalsada. Mabuti na lang din at nakisama ang panahon, dahil weeks before namin gawin ito eh panay ang ulan at bagyo.

Nung una, inisip namin na kotse ang dalhin para mas marami kaming mabitbit. Pero along the way, na-realized namin na mukhang mas okay na motor ang dinala namin dahil una, mas madali sumingit lalu na’t inabot na kami ng rush hour.

Pangalawa, mas madali mag u-turn or bumalik. May instances kase na huli na namin nakikita yung mga bata sa gilid ng kalsada kaya nalalagpasan namin. Mabuti na lang nakamotor kami kaya madaling balikan. At ikatlo, mas madali iabot yung mga pagkain kapag nakamotor lang. As in dukot lang sa bag, then abot. Sa kotse kase mukhang mas hassle ‘yun gawin.

In less than 1 hour yata ng pag-iikot ay naubos na agad yung mga dala naming pagkain. Mukhang bitin pa nga kase may time na dinumog kami (check the video). Pero at least next time may idea na kami kung gaano karami ang dadalhin namin, kung magkano ang budget at kung saan ang mga ruta. Kase nung ginawa namin ito as in nangangapa pa kami eh. At least next time alam na namin ang diskarte.

Isinulat ko ito sa blog ko hindi para magyabang, bagkus eh makapag-inspire sa inyo to do the same as well. Not necessarily na mamigay din ng ganito, pero yung makatulong lang ng kahit konte sa kapwa. To share the blessings. Kailangan natin ito ngayon lalu na ngayong panahon ng pandemya at sa mga sunod-sunod na sakunang naranasan natin.

Masayang makita ang taong tinulungan mong nakangiti. Iba yung feeling na nakakatulong ka sa kapwa. Itigil muna natin yung mga ka-negahan sa paligid natin. Hindi na ‘yan mawawala eh. It’s up to us kung magpapadala tayo sa mga ‘yun. Choose your own battle, ika nga.

Yung mga uncontrollable things, wala na tayong magagawa diyan. Maiinis lang tayo if we dwell on those things. So why not do something good na lang, like helping others, ‘di ba?

So ‘yun lamang po. Salamat sa pagbabasa and advance Merry Christmas sa lahat. 🙂

https://youtu.be/9eMkU5pk2L0

“We can’t help everyone, but everyone can help someone.”

Hakuna Matata!

God bless everyone.

– Jeff

Shades of Wanderer signature

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

%d bloggers like this: