Dear future anak/apo,
Sa previous blog ko, ikinuwento ko ang experience ko sa byahe ko papuntang Singapore. Since malapit na rin ang Malaysia mula SG, kaya naisipan kong mag side trip na rin dito kahit one day lang.
Pwede ka mag bus, train or mag plane papuntang Malaysia mula Singapore. In my case, I opted for plane kase mainipin ako sa byahe, lalu na sa mga long distance travel via land.
Kapag bus kase, aabutin ito ng 5-7 hours, excluding pa yung pagpila niyo sa immigration sa border ng Singapore at Malaysia. Samantalang ang plane naman ay tatagal lamang ng 45 minutes ang byahe.
Pagdating ko sa Kuala Lumpur International Airport (KLIA), kailangan ko pang sumakay ng train papuntang city. Dalawang klase ng train ang pagpipilian, isang express (KLIA Ekspres) at isang hindi (KLIA Transit).
At syempre gaya nga ng nabanggit ko kanina, mainipin ako sa byahe kaya pinili ko ang sumakay sa KLIA Ekspres kahit na medyo may kamahalan siya. Okay lang kase for experience na din. Tsaka nagmamadali din ako dahil nga one (1) day lang ako sa Malaysia, kaya walang oras na dapat sayangin.
Unang destinasyon ko ay sa Batu Caves. Bubungad agad sayo ang higanteng estatwang ginto ng Hindu God na si Murugan na may taas na 140 ft. Huwag kalimutang magpa-picture dyan kase pang IG din yan.
After ng picture, proceed na kayo sa pag-akyat sa cave. Madali lang naman siya akyatin, mga 272 steps lang naman. 😀 Bukod sa pagsubok na ang pag-akyat sa mga hagdan, pagsubok din ang pag-iwas sa mga unggoy.
Nangunguha sila minsan ng mga gamit ng turista kaya alerto talaga ako lagi. Na-stress ako sa mga unggoy na yan kase baka kuhanin nila yung shades at cap ko. Naalala ko lang yun nung nasa kalagitnaan na ako. Di ko naman mailagay uli sa bag ko kase kapag nakadinig ng tunog ng zipper ang mga yan, iisipin nila may pagkain sa bag mo. Kaya hinayaan ko na lang, at awa naman ng Diyos, nakaakyat at nakababa ako ng hindi nilalapitan ng mga unggoy.
After ng Batu Caves derecho naman ako ng Petronas Twin Tower. Pwede na siyang lakarin mula KL Sentral Station. Pagdating ko dun ang daming taong nagpi-picture taking, ang hirap makahanap ng magandang pwesto, lalu na dun sa pinakadulo ng fountain. Mas kita kase ng buo ang twin tower sa pwesto na yun.
Pero since may wide angle camera akong dala, kahit sa mismong tapat lang ng twin tower (bago mag fountain) ako pumwesto, kita pa din ng buo yung Petronas. Ang saya kase solong-solo ko yung pwesto na yun. Wala akong kaagaw. Selfie all-you-want! Wohooo!
After ng Petronas, pumunta naman ako sa Merdeka Square. Dito din makikita yung may “I ❤️ KL” sign. Dito ako medyo nahirapan. Nahirapan akong hanapin ito kase mali pala ang pag pronounce ko. Ang pag pronounce ko kase ay Mer-de-ka. Mali pala yun, silent “R” pala, at dapat mabilis ang pag pronounce, parang “medico” from the word medicolegal. So ang magiging pronunciation ay parang “medeka skwe”. Basta parang ganun. Hahah..
Naka-tatlong tao na pinagtanungan ko pero hindi talaga nila ako masagot. Hanggang may nakita akong mga estudyante, siguro nasa high school na. Sabi ko, ito sigurado masasagot nito ang tanong ko. Mas bata means updated sa mga instagrammable places. At hindi nga ako nagkamali, alam nga ni ate kung saan ang hinahanap ko. After ng ilang minutong lakaran, nakarating din ako ng Merdeka Square.
After ko sa Merdeka Square, nagtingin-tingin muna ako sa mga bilihan ng mga souvenirs near Masjid Jamek station, tapos balik na uli ng airport.
Masasabi ko na medyo bitin pareho yung byahe ko sa Singapore at Malaysia. 2 days lang kase ako sa SG at 1 day sa Kuala Lumpur. Dun ko lang naranasan yung sinasabi nilang travel na mala-Amazing Race. Yung tipong tinatakbo mo na halos kada destinasyon na pupuntahan mo dahil kapos ka sa oras.
Medyo nakakapagod sya at nakaka-stress. Pampalubag-loob na lang na marami akong na-burn na calories. 😀
So lesson learned here, huwag pipiliting pagkasyahin sa buong araw yung mga destinasyon na pupuntahan mo. Hindi mo masyado mae-enjoy. Iba pa din kase kapag relax lang ang byahe at ninanamnam mo yung bawat lugar na nabibisita mo.
Kaya itong byahe ko ngayon papuntang Bangkok, Thailand (nasa eroplano ako habang kino-compose ito sa papel), I made sure this time na hindi na ito mala-Amazing Race.
Abangan nyo na lang yung blog at travel video ko sa mga adventures ko sa Bangkok. 🙂
Oh siya, tapusin ko na muna ito. Lalapag na yung eroplano eh. Hanggang sa muli!
Things to remember:
- Sa pagpunta niyo sa Batu Caves, make sure wala kayong bitbit esp. yung mga nasa plastic kase akala ng mga unggoy pagkain sila.
- Same sa bottled water, itago nyo muna yan kase kukunin din yan ng mga unggoy.
- Medyo mataas-taas ang aakyatin nyo, so make sure to wear comfortable shoes/footwear.
- May mga nakikita akong turista na tinututukan upclose ng kanilang camera ang mga unggoy. Beware din kase baka hablutin din nila yan.
- Bawal saktan ang mga unggoy kase sacred ito para sa mga Hindu.
- Kapag sinaktan niyo ang mga unggoy, maaari kayong kasuhan or di kaya ay makulong.
- Ang Kuala Lumpur International Airport (KLIA) ay malayo pa sa mismong city or sa Kuala Lumpur, kailangan mo pang sumakay ng train (express and non-express).
- Ang express train sa KLIA ay ang KL Ekspres, na aabutin lamang ng 30 minutes papuntang Kuala Lumpur dahil wala itong hinto.
- Ang isa naman nilang train na hindi express ay ang KL Transit, na aabutin ng mga isang oras dahil marami pa siyang station na hihintuan.
- You can also use Grab and Uber sa Malaysia.
- Kung balak nyong mag-selfie sa tapat ng Petronas Twin Tower at gusto nyong makuhanan ito ng buo, which is hard to do kung gamit mo ay ordinaryong phone camera lang. Don’t worry kase nagkalat sa paligid ang mga nagtitinda ng wide angle lens clip na pwede nyong ikabit sa mga camera ng cellphone niyo para ma-achieve ang instagrammable niyong kuha.
- Mas maganda daw ang view ng Petronas Twin Tower sa gabi, kaya kung may oras kayong makapasyal ng gabi ay gawin ninyo.
- Ang presyo ng pagkain sa Malaysia ang mura lang, para lang din kayong nasa Pinas.
- Madaming telecom networks ang pwedeng pagpilian sa Malaysia gaya ng Maxis, Digi, U-Mobile, atbp.. Ask nyo lang yung mga nagbebenta ng sim kung ilang araw kayo mag-i stay at kung anong package ang kailangan nyo (ilang data, calls, sms) at sila na ang bahalang mag-suggest sa inyo kung ano ang dapat niyong bilhin.
- Need nila yung passport niyo kapag bibili kayo ng sim card, so make sure huwag niyong gagamitin sa kalokohan yung number niyo.
Naku, ako na lang yata naiwan dito sa eroplano. Cleaners pa yata ang peg ko ngayon. O sige na, time for my Bangkok adventures naman.
Carpe Diem! God bless everyone..
TRAVEL VIDEO: Backpacking Singapore and Kuala Lumpur
Grabe, ang tataas nila .. 😱😱😱 Pero I’m sure exciting talaga yan . 😁 Anyway, enjoy your Bangkok adventures!
Oo, puro matataas mga pinuntahan ko kaya lagi ako nakatingala. Heheh.. Yung Bangkok adventures ko i-post ko within this week. 🙂
Ang galing niyo pong magselfie. Lalo na po dun sa whole body picture niyo sa PTT. 😉
Salamat! 🙂 Thanks din sa wide angle camera na gamit ko to make that shot possible. Pinagtyagaan ko talaga humanap ng magandang anggulo para dyan. 🙂
hiwalay yung wordpress site mo sir dito sa .com mo?
Oo, hiwalay siya kase self-hosted itong .com ko eh. Ang kaso kapag self-hosted pala, hindi pwede mag-follow ang mga WordPress users. Kaya ang ginagawa ko naglalagay na lang ako ng excerpt dun sa WordPress site ko para ma-update yung mga followers ko na may bago akong blog post. Tapos dito na sila mada-direct sa .com website ko.
Natawa ako sa cleaners ka na ata haha….yay nakakalurkey ang trip mo sa SG at KL…hapit kung hapit!
Anyway, experience….at ang ganda nga ng selfie mo sa Petronas 😅😅😅
Oo kase diba pag nagbabaan na mga pasahero naglilinis na yung mga flight attendant? Heheh..
And yeah, charge to experience na lang. Good thing nabawi naman sa magandang selfie, so worth it pa din kahit papano yung pagod.. 😉
Kala pala walang nananakit sa akin nung andyan kami sa batu cave hahhaha jok.
Naalala ko nung inakyat namin yan.. sakit na nga sa binti, nakakatakot pa ang mga unggoy parang mananakmal. Napabilis ang akyat ko sa takot, kung may horror train may horror stairs! Hahahahaha!
Oo, nakakatakot yung mga unggoy. Nakaka 1/4 pa lang ako parang gusto ko nang bumaba, hindi dahil sa pagod kundi sa takot. 😀 Tsaka ang mga unggoy may rabies din kase yan, kaya delikeyds din. Mabuti na lang at walang lumapit sakin. Nakatulong yung hindi ko pagligo.. 😀
Uu di ba yung iba parang may pangil pa, may nakita ako hinablot yung shades ng babae sa ulo, parang nasabunutan pa katakot talaga hahahaha! Sa krabi mas may manners pa ang mga unggoy dyan sa batu cave parang mga membro ng sputnik hahahahahaha!
Hahaha.. Oo, may parang may pangil pa yung ibang unggoy. Katakot talaga umakyat. Ewan ko pero yung iba pinapakain pa nila. Ang hirap kaya ng ganun, baka dumugin ka.
Yung mga nasa hagdan na unggoy, mga Sputnik Gang yun. Pag nasa taas ka na, teritoryo naman ng mga Batang City Jail na unggoy yun. 😀
Dun naman ako napapa bilang sa Batang City Jail! Dun kami sa taas Hahahahhaha!
Hahaha.. Dun pala kayo naglu-lungga ah? At ikaw pa yata ang Mayora.. 😀
Yes ako ang kween ng batang city jail hahahahaha!
Hahaha.. Hail to the Kween! 😀