Dear future anak/apo,
When I told one of my office mates that I was able to book a promo ticket to Tacloban, the first thing that he told me was, “Nasalanta ng Yolanda yun diba? Anong pupuntahan mo dun?”
Sa totoo lang, naisip ko din yun. Ano nga ba ang pupuntahan ko sa Tacloban? I booked my round trip ticket via AirAsia for only P600, 3 years after ng bagyong Yolanda.
Sa lahat ng mga byahe ko, ito lang yata ang wala akong nagawang itinerary. Bahala na kako. Dun na lang ako mag-iisip pagdating ko.
Paglapag ko sa airport ng Tacloban, napansin ko na karamihan ng mga facilities nila dun ay bago na. Yung airport kase nila ay nasalanta din ng Yolanda. Katapat kase mismo ng airport ay dagat, kaya damay talaga sila nung nagkaroon ng malakas na storm surge.
On my way sa tutuluyan ko, makikita mo pa din yung bakas ng Yolanda sa mga bahay na nadadaanan namin. May ibang bahay na poste na lang ang makikita mo, meron namang iba na inodoro na lang ang naiwan. At kahit malalaking bahay at establishment, wasak din.
Walang pinili yung bagyo. Mayaman o mahirap, kubo o bahay na bato, lahat na washed-out. Grabe, hanggang ngayon tuwing naaalala ko yung mga bahay na nakita ko eh tumatayo pa rin ang mga balahibo ko.
Sabi nga nung driver ng sinasakyan ko, yung kalsada daw na dinadaanan namin eh hindi mo daw madaanan dati kase nakahilera lahat ng mga bangkay. Just imagine kung anong pighati ang sinapit ng mga Tacloban nung time na yun.
Sa tapat ng munisipyo nila, nandun pa yung ibang mga sasakyan na winasak ng bagyo. Itinambak na lang nila. Eto yung kuha ko.
Pero habang nasa byahe ako, madami-dami na din akong nakitang mga bahay na naitayo nang muli. I can say na kahit papaano ay naka-recover na din ang karamihan sa kanila.
Kung maaalala nyo, meron din barkong natangay ng malakas na hangin (7-meter high storm surge, to be exact) na sumira sa ibang mga kabahayan, ang M/V Eva Jocelyn. Eto ang itsura nya after ng bagyo.
After three years, eto na ang itsura nya ngayon..
Ginawa na syang tourist attraction. Sa likod nyan ito ang nakasulat, “This shipwreck stands as a remembrance of the thousands of lives that perished throughout the City of Tacloban on that day. It marks the genesis of our advocacy for resiliency and adaptation to a new normal that will continue for generations to come.”
Simbolismo iyan ng pagbangon ng Tacloban. Basta may pagkakaisa tayong mga Pilipino, lahat ng mga pagsubok na darating sa ating bayan ay kayang lagpasan. 🙂
Okay, change mood muna tayo. On a lighter side naman tayo, pwede? 😀
Meron nga pala akong nakilalang babaeng solo backpacker din sa Tacloban. Ang pangalan nya ay Leigh. Same day kami dumating ng Tacloban, nauna lang ang flight ko ng mga apat (4) na oras.
Nagkita kami after lunch para puntahan ang MacArthur Landing Memorial at San Juanico Bridge.
Inuna naming puntahan si MacArthur. Ang tagal din ng byahe namin. Nagtanong-tanong pa kase kami kung ano ang dapat sakyan. Parehas kaming walang itinerary. Lol.. Nakarating kami mga 5pm na ng hapon.
Trivia lang, yung monumento ni MacArthur eh ang laki pala sa personal. Siguro pag tumabi ako baka hindi pako aabot sa balikat. Sabi ko nga kay Leigh, kung ganun talaga katangkad si MacArthur sa personal, aba eh talagang matatakot ang mga lahing Hapon. Hahah..
Hirap ako kumuha ng magandang angle kase ang daming nagpapa-picture kay Gen. Douglas. Kaya ayan, sinama ko na silang lahat para masaya.. 😀
After namin kay MacArthur, byahe na uli kami papuntang San Juanico Bridge. Akala namin magkalapit lang sila, hindi pala. Ang tagal uli ng byahe namin, kaya nakarating kami 6:30pm na. Medyo madilim na nun.
Plano namin na tawirin yung tulay sa pamamagitan ng paglalakad. Kaso parang ayoko na tumuloy kase parang nawalan nako ng gana. Wala na masyadong makikita kase nga madilim na. Pero si Leigh, go pa rin. “Tara, tuloy pa rin tayo. Tutal nandito na rin lang tayo eh.”
Grabe, bilib talaga ako kay Leigh. May pagka hardcore type yata sya na traveler. Hindi basta-basta umaayaw. Tsaka ayaw nya ng mga byaheng petiks. Gusto nya yung may adventure. Heheh.. Kaya ayun, nabuhayan ako kaya tinuloy na namin.
Habang naglalakad na kami sa bridge, every time na may dumadaang malalaking sasakyan, umuuga yung tulay. Mapapakapit ka talaga sa gilid eh. 😀
Pagdating sa gitna, ayun picture taking syempre sa “Welcome to Samar”, at sa kabilang side naman ay “Welcome to Leyte”.
Kaso may problema… Madilim. Hindi masyadong maaninag yung mga mga letra.
Medyo inis na naman ako kase nga sayang, mas maganda sana ang kuha kung maaga-aga kami nakarating dun.
Pero dahil hindi ako makatiis na walang makuhang magandang shot, kinalikot ko yung GoPro ko. Hinalukay ko sa memorya ko kung paano ang magandang settings pag ganung sitwasyon.
And voila! Nakuha ko din ang tamang timpla!
My night shot in San Juanico Bridge..
Ilang take din yan para makuha ang tamang exposure. Many thanks to my small tripod and GoPro for making this shot possible. 🙂
Nakakatuwa kase dahil dyan sa shot na yan, mas lalu akong na-inlove sa night photography. Kaya yung mga sumunod na byahe ko, pag may chance lagi nakong may mga night shots.
So thanks Leigh for convincing me na tumuloy. Hindi ko sana madi-discover yung konteng talent ko sa night photography. 🙂
After namin tumawid sa kabilang side, syempre proud kami. Biruin mo pwede na namin sabihing naglakad lang kami mula Leyte hanggang Samar. 😀
Pagdating sa side ng Samar, sumakay na kami ng van at bumalik na sa syudad para sa kanya-kanya naming lakad.
(More of my Tacloban trip on my next blog)
*****
So ano nga ba ang natutunan ko sa Tacloban trip ko?
Gaya ng nangyaring trahedya sa Tacloban, sa buhay natin may mga pagsubok din tayong nararanasan. Nawawalan tayo ng pag-asa. Nadadapa tayo.
Pero sabi nga, hindi importante kung ilang beses tayong nadapa sa buhay, ang importante ay kung ilang beses tayo bumangon. Nandyan ang Diyos para tulungan tayong bumagon muli.
“Have not I commanded thee? Be strong and of a good courage; be not afraid, neither be thou dismayed: for the Lord thy God is with thee whithersoever thou goest.” Joshua 1:9 KJV
Good to see na nakakabawi na ang Tacloban. Akalain mong nagawa pa nilang tourist attraction yung stranded na ship. Ang ganda ng night shot…ganda ng effect nung light!
Oo nga eh, magandang idea na gawing tourist attraction yung barko para magsilbing alaala sa kanila and as a symbol na din ng kanilang pagbangon. Thanks sa pag-appreciate ng shot sir.. 🙂
huyyyy astig ung night shot mo, galing!!!
Thanks mismei.. 🙂 Nakuha din eventually..
[…] na yung sequel ng Tacloban trip ko. After ng MacArthur Landing Memorial at San Juanico Bridge, ang Kalanggaman Island ang isa pang […]
Ang ganda! I just went there last month. 🙂
Thanks! Yah, nakita ko nga din yung “malayo-ang-tingin” pose mo sa San Juanico Bridge. Hehehe.. Sana makabalik ako next time para may shot din ako sa San Juanico na maliwanag. 🙂